02 : Peso Worth of Affection

14 1 0
                                    

×××

GYSHTEL

"I RESPECTFULLY nominate Gyshtel Araniego for Vice President!"

Inirapan ko isa-isa ang mga nagsitilian nang sabihin 'yon ni Awieza. Wala na akong nagawa kahit ano pang pagmamaktol ang ipakita ko sa newly-elected class president namin na si Ms. Gale na kasalukuyang isinusulat ngayon sa chalkboard ang pangalan ko.

Friday ngayon, fifth day ng klase. Ito ang ikalimang araw na makakasalamuha ko ang iba't ibang klase ng tao sa section na 'to. Ito rin ang ikalimang araw na nasisilayan ko ang guwapong mukha ni Nexus.

Fifth day of class, may naghaharing kaharutan. Charet.

Sa loob ng halos isang linggong 'yon ay medyo magkakakilala na kami nang slight, kaya ngayong araw, nagsagawa na kami ng classroom officers election.

Masasabi kong nagsisimula na talagang magsilabasan ang mga kakaibang kulay ng mga kaklase ko, pati mga students na nagsi-seek for academic validation? Nagsusulputan na rin.

Samantalang ako, heto, pa-chill-chill lang sa gedli; handang magpakamatay 'pag bumaba ang grades ko sa 95.

Charet! Pero, 'di ko talaga sure kung charet-charet ko lang 'to.

"Ano nga - 'yon, 'yon! Ma'am, ano po . . . " napakamot sa ulo niya ang katabi ni Awieza na siyang nag-nominate sa akin, si Widuard.

"I move the nomination. . . ay, hindi! I move that the nomination now be closed, Ma'am!" proud na dagdag ni Widuard at kinindatan ako.

Inamungkal na lalaki 'to, dutdutin ko mata nito mamayang recess.

"Tangina, tol!? English 'yon! Proud na ako sa 'yo!" asar ng tropa niya na nasa kabilang row, si Chino.

"Ma'am, Ma'am! I second emotion!" segunda ng isang lalaki sa likod.

"I second the motion, bobo!" sigaw ni Bianca.

Nagmistulang isang palengke na naka-super-sale up to 99.9% discount ang aming classroom dahil sa ingay. Kaya, ayon. Isang taas lang ng hintuturo ni Ma'am Lene, tumahimik na ang lahat.

Pero, nanatili lang ng limang segundo ang katahimikang 'yon.

"Isarado niyo na! Gyshtel na 'yan!"

"Paano nga isarado?"

"May 'I move' 'yon, eh! Hoy, Widuard, anong sinabi mo kanina?"

"I move to close donations!"

"Bobo! I move to close nominations!"

"Ako na nga," tumikhim si Bianca. "I move to - "

"I nominate myself for the position of vice president."

Biglang tumahimik ang lahat nang sabihin iyon ni Lelaila. Ang iba ay dahan-dahang napapalakpak habang nagkukunwaring gulat na gulat. Sinalubong ko ang plain ngunit mapanganib niyang tingin na sinuklian ko ng wacky sign.

I was Once a SophomoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon