03: Seatmate

6 0 0
                                    

×××
GYSHTEL

"MAPUPUNIT NA 'yang labi mo, Istel. Ano na naman bang ini-reply sa 'yo ng lalaking 'yan?" napatingin ako sa nakangiwing mukha ni Jing na nire-reflect ng mirror na nasa tapat ko ngayon. She's currently putting a moisturizer on her face.

"Gaga, nakangiti ba ako?" kunwaring masungit kong tanong at niyakap ang stuff toy niyang panda na mas malaki pa sa akin. "Isa pa, hindi naman si Nexus ang kausap ko, 'no."

"Huli ka, malanding balbon!" itinutok niya sa akin ang hawak niyang suklay. Sinipa ko ang braso niya habang natatawa. "Wala akong binabanggit na pangalan, ha!"

"Eh, alam ko namang siya ang tinutukoy mo, gaga!" depensa ko.

Wala talaga akong lusot kapag ganito ang mood ng beshy ko. Charet.

"Tel, sinabihan na kita." muli siyang humarap sa salamin habang tinatanggal ang bunny headband. "Alam kong guwapo nga ang Nexus na 'yon, wala namang duda talaga. Pero, alam mo naman ang kaakibat ng kaguwapuhang 'yan, 'di ba?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil busy ako sa pagba-backread ng napag-usapan namin ni Nexus. Wala talagang paglagyan ang kilig ko simula kahapon pa dahil bukod siya katotohanang siya na nga ang nag-send sa akin ng friend request, siya pa ang nag-initiate ng usapan namin. 

Ang chat niya? 

Oi, penge ulit lima

Pambihira 'tong lalaking 'to, pero natatawa talaga ako. Pati ba naman sa chat, nambuburaot? Hays, bakit kasi limang piso hinihingi nito? Bakit hindi pa puso? Magka-rhyme din naman, eh! Handa akong hatiin ang puso ko sa lima para lang ma-replace 'yung limang piso ng limang puso provided by Gyshtel Araniego, his future labidoves.

"Kapag guwapo, babaero! Isaksak mo 'yan sa isipan mo, teh!" ramdam kong bumigat 'yung kama dahil sumampa na si Jing dito sa tabi ko.

May napansin lang ako sa pakikipag-usap ko sa kaniya online. In fairness, mabilis siyang mag-reply. Hindi rin siya boring kausap. Marami rin siyang alam na paraan para mapahaba ang pinag-uusapan namin. Kaya lang, naba-bother talaga ako kasi parating may tawa na three-syllables na kasama ang bawat reply niya.

"Ayon. Bingi na naman ang babaeng 'to, sarap saksakan ng green peas mula sa Dingdong na 'to ang magkabilang tainga para tuluyan nang hindi makarinig." 

Sa totoo lang, gusto kong itanong sa kaniya kung anong dahilan bakit niya ako biglang in-add. Dahil ba talaga do'n sa libre ko sa kaniya para sa ticket? Pero, mukha namang hindi, eh. Kaya lang, ayoko rin namang itanong sa kaniya dahil baka akalain niyang sabik na sabik ako sa kaniya para ma-curious pati sa bagay na 'yon.

Ayaw kong ipamalas ang kadesperadahan kong tinataglay sa kaniya, charet.

"At, isa pa. Balita ko may nililigawan 'yan."

"Ano?" agad kong nilingon si Jing na ngayon ay sinasalin ang laman ng mga binili naming nuts sa isang pabilog na tupperware.

"Sa wakas, teh! Nakuha ko rin ang atensyon mo." pinalakpakan niya ako at inirapan. 

"Nililigawan sino? Saan mo nalaman? Totoo ba, kailan pa?" sunod-sunod kong tanong.

"Ini-stalk ko ang timeline niya kahapon, pero wala naman akong nakitang post at sharedpost na related sa love or sa panliligaw." depensa ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I was Once a SophomoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon