01 : Knock on Mahogany

27 2 0
                                    

×××

GYSHTEL

"ANG PANGIT ng sistema ng school na 'to! Sino bang teacher ang naghiwalay sa 'tin! Grabe na talaga, hindi na 'to makatarungan!"

"Mga may butas sa bunbunan, ano? Bad nila, huhu!" pagsakay ko sa trip at drama nitong si Jing.

Daming alam! Eh, magkatabi lang naman classroom namin!

Ngumiwi siya at iniharap ang mukha ko sa kaniya.

"Beh, hindi talaga bagay sa 'yo ang mag-inarte. Balik ka na lang sa pagsusuway sa akin sa tuwing nababano ako, puwede?" inirapan ko siya sa sinabi niyang 'yon.

Ngayon ang unang araw ng pasukan namin, bilang mga sophomores dito sa Ditalgia Integrated School.

Napahiwalay ako sa mga dati kong kaklase, including Jing. Ako ang nag-iisa rito sa section na ito na walang kaklase, na kaklase last year. Teka, gets niyo ba? Basta, gano'n na 'yon! Bahala ka umintindi.

Fortunately, kakilala ko naman ang karamihan sa mga kaklase ko ngayon. Karamihan kasi sa kanila ay schoolmate ko simula elementary, ang iba naman, naging kaklase ko nung nasa lower grade pa ako.

"Gaga ka, bye na nga! Malapit na ako tawagin, nasa letter M na si Ma'am. Byeee, Istel!" kunwari pa siyang nagpahid ng luha at inayos ang bag.

"Kung makaba-bye ka, dito lang naman ako, oh." hinawakan ko ang hamba ng pinto ng classroom namin at kumaway.

"Sige na, bye!"

"Sabay tayo sa recess, ah?"

"Bahala na!"

"Abaaaa, Istel!?"

"Joke lang, oo na, 'ge na, paiyak ka na eh." tawa ko at kumaway na pabalik nang marinig kong tinawag ng teacher niya ang apelyido niya, na siyang nagche-check ng first attendance ng klase.

Tuluyan na akong pumasok sa pinto, at gaya kanina, sobrang tahimik pa rin. Para bang mga anghel ang nandito, charet. Alam ko namang ganito talaga sa una, siyempre mga 'di pa close nang bongga ang mga tao rito.

'Yung iba nagdadaldalan, pero sobrang hina lang. 'Yung iba kunwaring nakatingin sa pisara na para bang interesadong interesado sa nakasulat na animo'y isang Math lesson na kailangan mong intindihing maigi dahil may quiz bukas. Samantalang ang nakalagay lang naman do'n ay,

WELCOME HOME, CASSIOPEIA!

Ang mga pangalan ng section kasi rito sa sophomore level ay based sa mga star constellations at obviously, Cassiopeia ang section namin.

Isang pagtitipon ng mga nuknukan ng ganda pero saksakan ng sama't yabang. Charet!

"Gyshtel! Dito ka na umupo, dali!"

"Okay na ako rito," nginitian ko ang kaklase kong nakalaban ko noon sa MTAP for four consecutive years, si Awieza.

Sinong mag-aakalang magiging magkaklase kami? Siyempre wala.

Okay naman ako rito sa upuan ko, katabi ko 'yung dati kong kaklase na si Bianca. Nasa may bandang likod kami nakaupo, nakakahiya kaya sa unahan! Nagkuwentuhan at nagtawanan pa nga kami kanina, kaya okay na talaga ako rito.

Ngumiwi siya at may ibinulong sa katabi niya habang nakatingin sa'kin. Mukhang first day of school, naka-encounter na agad ako ng plastik, ah -

"GYSHTEEEEL!"

I was Once a SophomoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon