003

3K 157 65
                                    

D A E Z E N

Charot lang hahaha. Nabasa ko lang yun sa twitter hahaha. Yung mga patama quotes. Wala pa naman ako experience sa mga ganyan ganyan. NBSB kaya to. No bbs since birth. char hahaha. No boyfriend, since birth.

5:27 am na

Ganun ko pala katagal tinitigan yung algebra na yun? E puro X and Y lang naman nabasa ko. X kasi, Y ka ba umalis, hinahanap ka tuloy hahaha. Langya.

Kumuha na ako ng towel at pumasok sa cr para maligo.


"Daezen! Daezen! Pinapatawag ka sa guidance," Sabi ng classmate ko, si Ysabel.

"Anak ng. Kahapon, detention, ngayon guidance" bulong ko sa sarili ko. 

Tumango na lang ako sa kanya at dumiretso sa guidance. Ano na naman ginawa mo, Daezen? Hala ka. Kinakabahan ako, hindi kaya tungkol dun sa lalaking nakita ko kahapon? Hala! Baka nag sumbong!

Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto.

"Yes po, sir?" Magalang kong sabi.

"Take a sit, Miss Einstein"

Umupo ako sa upuan. At pinalibutan ng tingin ang office. May nilabas siyang folder, record ata.

"Daezen, your adviser, Mr. Cielo" nag stop siya ng saglit. Si Panot. "Nag report sa akin about your grades in different subject. Daezen, hija, mababa ang grades mo. Especially sa Math at Science"

"..." Wala akong na-iresponse

Nag buntong hininga siya "Hindi kami nag aallow ng failing grades...kahit anak ka pa ng may ari. Alam mo naman yun diba? No special treatments" tumango ako

"3 months. 3 months of observation. Itatry nating i-build up ang grades mo. Kapag hindi, hahanap tayo ng mag tutor sayo" Para akong nanigas sa kinauupuan ko at nanlaki ang mga mata.

TUTOR?!! PANG BATA YUN!

Ayoko! Mas lalo akong mapapahiya pag nalaman nilang may tutor ang isang Daezen Einstein. Nang matapos kami, pinalabas na ako ni sir. Haruy jusko.

Sa pag lalakad ko sa hallway, malayo pa lang ay tanay ko na si Mr. Cielo.

SABUNUTAN KITA E!!

'Di ko siya binati, na para bang wala akong nakitang tao. Poknat niya. Pumasok na ako sa klase ko ng naka-busangot.

"Omg! Si Zyd!! Ang ganda niya talaga"

"Ano nga full name niya? Omygosh! She's so perfect!"

"Zydrogen Mathiara Einstein!! Search mo daliii"

Usap usapan na naman ang ate ko.

"Si Zircooon! Funny guy! Hihi"

"Hindi hindiii! Mas type ko si Augustus! Hooot af!"

"Akin yun eh!"

"Wala akiiiin!"

...at mga kuya ko.

Bwiset.

Akala naman nila, sus! Tignan natin kung makapasa sila kay dad.

Ako ngang anak, 'di makapasa, kayo pa, psh.

Maya-maya, dumating na next teacher namin. Nag start na siya mag lesson habang ako ay 'di nakikinig. Wala eh, pumapasok sa kaliwa, lalabas sa kanan. Lutang lang ako buong pag tuturo ni Ma'am. Nang mag bell na, lumabas na kami ng room.

Einstein's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon