001

4.8K 170 33
                                    

D A E Z E N

Isang malakas na tunog ng alarm ang gumising sa diwa ko ng marinig kong nag hihimutok ito sa pag tunog. Hindi pa man ako tumitingin sa orasan, ngunit alam ko na, tiyak late nanaman ako sa klase. Agad na akong dumiretso sa banyo ng nakapikit, na isang pag kakamali sapagkat heto, nauntog lamang ako na siyang tuluyang gumising sakin. 

Ilang sandali pa at natapos na akong maligo, ngunit bago ako lumabas ng banyo, isang nakakalokong ngiti ang bumuo sa aking mukha sapagkat naka isip nanaman ako ng panibagong kalokohan. Swerte naman ang sunod na gagamit ng banyo, may nag hihintay ng pasabog ko hahaha.

Nang makapag ayos na ako ng sarili at ng aking gamit, bumaba na ako at naabutan ko ang pamilya ko na nakaupo na at nag brebreakfast kaya naman dumiretso ako sa aking upuan.

Paupo pa lamang ako ng makita ko ang pag lisik ng mata ni dad, ibinaba niya ang binabasang dyaryo at tumingin sa akin.

 "DAEZEN!" Mariin na tawag sakin ni dad. Mukhang alam ko na ang sunod na sasabihin sa akin ni dad. Papaanong hindi, alam kong nalaman niya na na-release na ang cards namin kahapon. At malamang sa malamang, sa kaniya pa dumaan iyon.

"P-po?" Sa totoo lang kinakabahan ako sa tono ng pananalita ni dad kahit ilang beses na ito nangyayari, wala namang bago. 

"Ano 'to ha?! Bakit ang baba ng grades mo?!" Napa-yuko ako. Wala akong masabi sapagkat naubos na yata lahat ng dahilan. 

"S-sorry p-po," Mahina kong sabi, 

"Sorry?! Lagi na lang! Kelan ka ba mag aaral ha?" Napapikit na lamang ako ng mariin, sinusubukang hindi umiyak. 

"Ginagawa ko naman po yung best ko dad, " ngunit kumawala na ang luhang nag aabang sa mata ko.

"You did your best?" huminto siya ng saglit at mas nanliit ang kanyang mata. "Really? Huh? Well your best is not enough!" ani niya bago siya tumayo at sapasinghap ng malalim

Kelan nga ba ako naging sapat? Bakit nga ba ganito ako? Nag aaral naman ako ah. Pero bakit nabagsak pa rin? Bakit palaging kulang? Tanong sa sarili na hindi ko rin masagot sagot.

"Buti pa 'yang ate mo! 'Yan? Si Zyd? Maipagmamalaki ko 'yan!" at tuluyan ng nanginig ang katawan ko, araw araw ko naman naririnig at naiintindihan pero bakit sa tuwing sinasabi, ang sakit sakit pa rin.

Tahimik silang lahat, maliban sakin at kay dad. Lagi na lang ako nakukumpara. Nakukumpara sa ate ko na matalino, maganda. Halos lahat na sa kanya na. Ano tinira sakin?

"Daddy, enough, " Awat ng pangalawa kong kuya. Siya, siya lang kakampi ko sa pamamahay na to.

"No, Zircon! Kailangan ma-leksyonan ang tanga mong kapatid!" Napantig ang tenga ko.

Tanga? 

Dali-dali akong lumabas at sumakay sa kotse namin. Hindi ko intensyon maging bastos ngunit mas lalong hindi ko naman ata kayang lunukin pa ang lahat ng naririnig ko sa bahay.

"Manong, drive na po. Now na po," marahan  na aking pag hikbi.

Tumango na lamang siya at nag drive na papaalis, papuntang school ko. Tahimik kami at tanging hikbi ko lang ang maririnig. Ramdam ko pa rin ang pag nginig ng katawan ko, pinipilit na ikalma ang sarili sapagkat malapit lapit na rin ako sa school.

"Ma'am, tahan na po. Andito na po tayo sa school" sabi ni manong. Ngumiti na lang ako sa kanya ng tipid at pinunasan ang luha ko.

Lumabas na ako sa kotse at pumasok na sa building na naka ngiti, na parang walang nangyaring pag iyak. Siguro nga ganito talaga, hindi ko puwedeng dalhin dito ang lungkot na nararamdaman ko. 

Einstein's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon