ED 4

2.4K 137 56
                                    

Aezen's POV

Nakaupo ako sa swing ngayon. Kasama si Mr. Butete. Oo siya nga. Siya nga yung yumakap sa akin nung mga oras na down na down ako.

"Why are you crying awhile ago like a dimwit little girl?" Wow ha. Sinama pa ang 'dimwit'

Sapakin ko siya eh.

"Dahil sa daddy ko" maikling sabi ko

"Huh? I'm Zephrous Waltz Newton by the way" naguguluhan niyang tanong

"Aezen Sciena" Hindi ko na sinabi na Einstein ako. Isang malaking kahihiyan na naman sa magulang o pamilya ko pag nalaman nito na boba ako.

Kinuwento ko sakanya yung buong pangyayari at ayun, naiyak na naman ako. Ang weak ko talaga.

"Stop crying. You know what? I'll treat you an ice cream" sabi niya

"Paano mo nalaman na nag papakalma sa babae ang ice creams?"

"Because-"

Na-stop yung sasabihin niya nung nag ring yung phone ko at niya.

Sinagot ko naman

"H-hello?"

{Aezen, go home. We will fetch our sister}

Nanglaki yung mata ko

"S-si ate?"

Bukod kay ate Zyd, may isa pa akong kapatid. Ate Zyd's fraternal twin

{Oo. Kaya umuwi ka na. Susunduin natin si ate}

Binaba niya na yung call

"Aalis na ako/I have to go" sabay naming sabi

"Sige, bye"

Nag paalam na kami sa isa

Dumiretso ako ng uwi sa bahay, naaubutan ko si kuya Augustus at ate Zyd sa sala. Wala si kuya Zircon. Patay na

"Why are you late?" Tinaasan ako ng kilay ni ate

BUNUTIN KO YAN EH

"Let's go!" Buti na lang at dumating na si Kuya Zircon.

Pumasok na kami sa van at pumunta papuntang airport.

**
"ZOXYY!!" Sigaw ni ate Zyd at tumakbo palapit kay Ate. Close sila. Close na close.

"Oh my! God knows how much I missed you my dear twin!"

"Me too. I missed you too"

Nakakainggit.

"Hmm. Can i join?" Tanong ni Kuya Augustus.

Nag group hug silang tatlo. Silang tatlo

Inakbayan naman ako ni Kuya Zircon.

"Are you jealous?"

Umiling ako kahit sa loob ko, sana isa rin ako sa kanila.

"Of course haha. What a stupid question. Don't be. I'm here lil sis. I'm always here" kiniss niya ako sa noo.

Ang swerte swerte ko pa rin pala sa kuya ko. Niyakap ko si kuya. Ang baho hehe eksdi.

"Oh ano pang tinatanga niyo diyan? Why so drama? Let's go na nga, psh. Stupids" ate Zyd

Sumunod na lang kami ni kuya Zircon.

"Wag mo na lang isipin yun. Our ate is a.." ngumisi siya. " a witch"

Natawa naman ako.

**
"WELCOME HOME ZOXYGEN!!"

Pag wewelcome ng mga tao sa bahay sa kanya. Ang swerte ni ate.

Nagulat pa siya at isa isang niyakap yung mga tao

Maingay sa bahay. Maraming bisita, pag kain at mga drinks

Meron rin palang mga kumpare si daddy.

"Pare! You know what? Zoxy and Zyd, my daughters are so smart ass! They graduate as a valedictorian in their school" pag mamalaki ni dad

"And also Zircon and Augustus. They're smart ass too. Now, I believe that being genius is running in our blood" bukod sakin

Nakakainggit. Nakakatampo. Sila nagagawa silang ipagmalaki sa iba.

"Woah! You're so lucky to have them as your sons ang daughters" sa pag puri ng kumpare ni dad, lumaki naman ang ngiti nila ate at kuya.

"But..how about Aezen? She graduate grade six as?"

At eto na. Saakin na napunta.

"Ah.. uhm. She's an athlete!" Yea. Athlete ako.

Pero sa academics, walang wala ako. Hindi ako maipagmalaki.

Tumango tango naman yung kumpare ni dad.

**
"Paano pamumuhay mo doon, ate?"

Nasa room kami ni ate Zoxy. Zoxygen Engliza full name niya.

"Hmm. It's nice naman"

Hindi kami super close. Pero okay naman kami di tulad kay Ate Zyd

"Kwento ka naman ate. May boyfriend ka na ano? Hahaha!"

"Uhm. Yeah! Haha. I have. He's so sweet and gentleman" nag deday dream pa siya.

Walang forever, eksdi.

"Taga saan ate? Kelan pa?" Tanong ko.

"I met him there sa Canada. We've been together for almost 8 months hahaha!"

"Tapooos?"

"But the thing is, he need to go back here in Philippines. Currently, long distance relationship kami" sabi niya.

"Oh! Pilipinas. Makikita mo pa siya! May contact pa ba kayo sa isat isa?"

Curious ako eh hahaha.

"Of course. But sometimes, we have no time to each other because of that different timezone. It sucks hay"

"Mahal na mahal mo talaga ate no?"

"Oo naman. I love him so much. So so much. I'll do anything for him and to keep our relationship strong. And you know what sis? I might kill the person who will try to steal him away from me. I'm dead serious" kinalibutan ako sa sinabi niya. Anak ng.

KAYA MO YUN ATE?!!

punya enyi wow! WALANG FOREVER, eksdi

"Sino naman yang butete na yan?"

"He's my prince. My love, my babe and my everything. He's my Zephrous Waltz Newton"

Ha?

-------------------------------------------------------------

Teden hehe. Tagal kong di nag ud at ang ikli pa. Sorry na HAHAHA. Gabi ko na tinype kaya baka may wrong grammar o ano, edit ko na lang bukas.

May account na po sila sa FB at Twitter!! Add them HAHAHA (good luck sa maduguang facts at pang eenglish nila puahaha)

At sa gusto ihandle sila Jayden at Augustus? DM me! I need you hahaha!

Einstein's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon