Chapter 2 TRANSFER STUDENT

12 2 0
                                    

"Nabalitaan mo ba, vanity? May bago daw na transferee sa top section, Grade 12" napatigil ako sa pagsubo ng kinakain na stick o dahil sa balitang nakalap ni Sam.

Si Sam ay isa sa mga kaibigan ko, madaldal na may pagka playgirl din pero pakipot at hindi vocal sa nararamdaman. Madaldal at chismosa sya pero hindi tulad ng ibang babae na vocal at ipinapakita ang nararamdaman nito sa iba Lalo na sa lalaki.

"Talaga? Nakakapagtaka na dalawang linggo na simula noong magsimula ang pasukan ay ngayon lang nila naisipang pumasok at talagang top section pa talaga." Biglang sumulpot si Liam mula sa likuran namin.

Isa pa tong chismoso. He is also a friend of mine. Gwapo at matangkad kaso maloko at hobby nitong playtime ang pangbababae buti nalang at walang epekto saakin ang kamandag nito nako kapagnagkaon ngang naapektohan ako baka katulad ng ibang babae ay broken hearted narin ako.

" Chismoso.." natatawang Sabi ko saka bahagyang tinulak ang noo nitong nasa pagitan namin ni Sam " gwapo ba Yan?" May bahid ng kalokohan ang pag ngisi ko.

" Well... Hindi ko sure, mukha lang gwapo kasi maganda ang pangangatawan kaso... Nerd sya" kinuha ni Sam ang isang garapong stick o ko na hawak hawak "pahenge..." Akmang bubusan na nito ang garapon pero agad ko iyong inagaw.

"Bumili ka ng sayo! Kuripot mo!" Nakanguso kong reklamo saka ako kumuha ng isang stick o at kinagat ang kalahati saka ko inabot ang kalahati sa kanya " Ayan sayo na"

Nakasimangot at napipilitang kinuha naman iyon ni Sam na ikinangiti ko " napakadamot mo, Sana maging mission failed successfully ka sa next target mo!"

Inirapan ko naman sya saka nakakalukong ngumisi " too bad kasi magiging successful din to, no one can resist my beauty"

Natatawang ngumiti si Sam " I don't think so.. I heard from cheska, the social climber na may pagkamakati Pagdating sa boys na maypagka pihikan at iwas sa babae ang lalaking iyon. Even Margaret the second most followed on Facebook in this school was being ignored by him when she tried to approached him, oh my gosh that was sooo embarrassing for a famous like her! At alam mo ba may naka- capture ng reaction nya at epinost iyon sa Facebook page ng school natin, ahahahaha biglang nawala ang angas nya." natatawa at walang tigil nitong pag kukwento kaya naman ay hindi ko na rin namalayang naglalakad na pala kami sa hallway habang binabagtas ang daan papunta sa top section which is nasa kabilang side ng building.

This school is one of our properties, kung saan mayayaman at maipluwensyang anak ng kilalang personalidad lamang ang nakakapag-aral dito. Maliban nalang kung matalino ka at naabot mo ang passing score ng entrance exam na subrang hirap ipasa. Tatlong beses ka dapat mag take ng exam kung Wala kang Pera at kapit at kung schoolarship ang hanap mo. The first exam is the exam that will challenge you as a person. Sa mga hindi pa nakakaranas ng exam nato ay nasasabi nilang ito ang pinakamadaling ipasa sa tatlo kasi sa pagkatao mo lang ibabase ang mga isasagot mo, pero sa mga estudyanting nasubokan ito may ibang mga dumaranas ng mental issue ang na triggered at lumala ang anxiety nila. Sa rami ng sumubok iilan lang ang nakapasa. Pangalawa ay kung saan masusubok ang stock knowledge mo. Hindi katulad sa ibang international school sa pilipinas na bibigyan ng ilang araw ang mga estudyante na makapag aral at review pa muna bago mag take ng exam. Dito sinisigurado ng mga in charge na nagbibigay ng exam na lahat ng estudyante na mag- tatake nito ay walang review sa loob ng kalahating buwan bago magsimula ang exam dito rin ibinabasi kung makakakuha ka ng schoolarship. Lastly but not the least ay ang exam na magbubukas Ng daan papasok sa school. Dito na binabasihan Kung saang section ka nararapat na ilagay parating 1/ 100 lang ang exam pero subrang hirap daw ipasa at nakakalito. Binibigyan lang ng 40 minutes ang mga estudyante para sagutin ang exam lahat multiple choice pero Sabi nga nila mahirap. Pag nakuha ka ng 10 pababa ay sa section 3 ka mailalagay kahit pa ikaw ang nakakuha ng may pinaka mataas na score sa second test ganoon rin sa mga nakakuha ng 11-30 sila iyong malalagay sa section 2 habang sa section 1 Naman ay 31- 60 at ang 61- 100 Naman ay malalagay sa top section. Ang kinikilalang section ng mga alien. Wala gaanong sikat sa kanila dahil puro aral lang ang inaatupag nila kinikilalang section ng matalino at henyo. Kadalasan mga nerd at  lampa pero apple of the eye ng lecturers.

Hes Dating the Campus PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon