chapter 5 MR TUTOR AND MISS SECRETARY

7 1 0
                                    

"I am disappointed soooo disappointed!, I can't believe you to do this!! Lalo na ikaw Mr. Martinez, I have a high expectations to you." Mahihimigan ang pagkadismaya sa tinig ni Tito habang pinapagalitan kami sa loob ng guidance office. Maraming estudyante parin ang nakaabang sa labas at nasisiguro ko na iyong iba ay nakasilip pa.

"I'm sorry dean" nakatungong hingin ng tawad nito habang nakaupo paharap saakin.

"And you vanity," nakapikit na napabuntong hininga si Tito " kailan ka ba magbabago? Pinagtatakpan kita sa parents mo dahil ayaw kong sabihin nilang wala ka man lang respetong natututunan sa araw araw na pagpasok mo rito!, Ano nalang ang sasabihin ni ate Carmen kapag nalaman nya ito?" Namomroblemang hinilot ni Tito ang sintido nito " pamangkin kita at ayaw ko na lumaki kang pariwara isa ako sa masisisi ko mismo dahil hindi kita natutukan ng mabuti."

Nagiwas ako ng tingin."sorry dean..."

"Don't sorry when you're not sincere, maybe iha it's time for you to grow up? Hindi ka na pabata patanda ka na. In your age you should start to learn how to be a responsible and matured"

Here we go again!

" At ikaw naman hindi porke't ikaw ang nangunguna at pinakamatalino sa top section ay dapat na patulan mo na itong pamangkin Kong isip Bata!" Asik ni Tito.

"Tito naman.... May mga nakikinig wag mo naman akong ipahiya.." bulong ko kay Tito.

"Mapapahiya ka talaga kapag hindi mo tinigilan yang pagkaisip bata mo at mga kalukuhan mo"

Nagsihalak hakan naman ang nasa labas. Kaya naman ay masama ang tingin kong sininghalan ang mga nakasilip.

"Pwede ba umalis nga kayo dito!"

"Hayaan mo na sila nang makita nilang wala akong pinapanigan mapa ibang estudyante man o ikaw na pamangkin ko ay dapat rin na pinapagalitan dahil sa katigasan ng ulo." Si Tito na masama ang tingin saakin.

Napatingin naman ako sa harapan ko naka cross arm ito habang nakapandikwatro na nakasandal rin ang likod nito sa sandalan ng upuan habang taas kilay na naka tingin saakin. Natutuwa sa nasasaksihan!

Anong tinitingin tingin mo Dyan? Panget!

Inirapan ko nalang sya at itinuon Kay Tito ang atensyon. " As the new president of student council, you have a huge responsibility on your shoulder alam kong NAKAKAINIS ang mga pang aasar na ginagawa ng pamangkin ko pero dapat inalala mo na nasa presidential student rules and regulations na bawal pumatol sa estudyanting lumabag pwede mo silang bigyan ng punishment basi sa mga nilabag nila pero bawal na patulan ng pisikalan lalo pa't may matibay na evidence at basi sa nasaksihan ko kaninang paghahablutan niyo ng buhok..."

( Ang presidential student rules and regulations ay ginawa ng founder ng school, para magkaroon din ng patakaran ang mga estudyangting nagbibigay ng batas sa mga ordinaryong estudyante. Marami kasing nag protesta noon dahil sa hindi pantay na pamumuno. May mga kasali sa student council ang nang aabuso at ginagamit ang posisyon para makapaghigante, at mangulikta ng Pera para sa pansariling pangangailangan at kalokohan.

Napatingin ako kay levi ng palihim pero himbis na matakot ay parang natural lang sya at walang bahid ng pagkasindak ang mababasa sa mukha nito. Nakakailang lang dahil kanina pa sya nakatingin saakin hindi naalis saakin ang atensyon nya kahit pa kanina pa sya kinakausap ni Tito.

Hes Dating the Campus PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon