CHAPTER 1

182 4 1
                                    

Maia's POV


Simula nanaman ang panibagong semester, nagkukumpulan ang mga estudyante sa announcement board para makita kung saang section sila napunta. Oh, by the way, I'm Maia Cifuentes, at your service! *Salute* And here I am, hinihintay ang mga kaibigan kong pati sa schedule ng klase pinapairal ang kanilang "Filipino Time"

"Maiaaaa" and there is one of the dorks, Lavin Delgado. Kasunod ang dalawa pa na parang naglalakad sa ilalim ng buwan, Mejia Penia and Luna Leyva. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga habang hinihintay silang makarating sa pwesto ko.

Mga ayaw magbagong buhay, gayahin kaya nila 'ko, kyut na masunurin pa sa sched. Sa acads? Mapag-uusapan naman natin 'yan. Oo.

"Apakatagal, apakatagal." Iling kong sabi habang nauna na pumunta sa kumpulan upang i-check ang schedule.

"Owshiee, alam naman natin kung bakit ka laging maaga, ibon." Rinig kong sabi ni Pinya na agad namang nagpangiti at nagpapula ng mga tainga ko. Na agad din namang naalis at mapalitan ng poker face ng makita ko ang mala-flash na pagpunta ni Luna sa harapan ko habang nakatutok ang camera ng cellphone n'ya sa mukha ko, handang i-capture ang mala tanga kong ngiti.

"Geez. Such a killjoy." Sambit n'ya.

Ano ako, tanga? Yung last picture ko na kinuha nila ng palihim habang inaasar ako sa lovelife ko, kumalat sa buong school at sa ibang social media platforms at ginawa nilang meme. Mukha akong masayang naiiri dahil sa pagkapula. Tss.

Speaking of maaga, tama naman sila. Lagi akong maaga pumasok para makasilay at magpapansin sa aming mala-dyosang prof, si veveko, Miss Valeria Vera Herrera, ehe.

Almost 2 yrs ko na siyang hinahangaan ng palihim, kung tutuusin, siya na din ang first love ko dahil ngayong senior high lang naman ako lumandi, for my veve only.

Fun fact, ako din ang ginagawang alalay ni ma'am since ako yung pinakamataas in terms of grade sa klase niya. Sa ibang subject? Nakakapit pa naman sila, mga pinky finger na nga lang ang nakakapit at bibigay na.

"Ohh, magka-kaklase nanaman tayoo, oh yeahhh!" tatalon-talong sambit ni Lav. Napangiti naman ako dahil sa effortless na ka-kyutan nitong isang 'to.

Hindi ako mapakali habang papunta kami ng classroom, grabe ang kaba na nararamdaman ko kasabay ng paglinga-linga sa paligid.

"Uyy, relax your butt, ibon." Pinya said while we're making our way papasok ng classroom namin.

Pumwesto kami sa dulo at eto ako, ngatngat ang kukong nakatingin sa pinto. Unti-unting napuno ang classroom and tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 3 minutes before tumunog yung bell, sign na magsisimula na ang first subject namin.

But since first day ulit, siguro, homeroom muna ngayon para makilala ang mga bagong prof na makakasama namin sa buong sem as well as the students from other section na nalipat sa amin.

Sa sobrang tahimik ng classroom, siguro dahil na din may mga sariling mundo sa cellphone ay rinig na rinig ko ang papalapit na tunog ng takong mula sa hallway. Ako nama'y abot langit na nananalangin na siya ulit ang maging adviser naming. Ameen! *Sign of  the cross*

Pigil hininga kong pinagmasdan ang diyosang pumasok sa aming classroom, with her classy walk, tinungo n'ya ang kaniyang table at malamig na tiningnan isa-isa ang mga estudyante sa harapan n'ya.

Naramdaman ko ang panyong hawak ni luv at dahan dahang pinupunas sa aking invisible na laway dahil sa pagnganga ko.

"Tikom mo na 'yan, later." Sabi naman ng mokong sa tabi ko sabay sara sa bibig ko. Hindi ko sila pinansin at nanatiling nakatitig sa aking veve sa harapan.

My First Love's GranddaughterWhere stories live. Discover now