CHAPTER 4

70 4 0
                                    

Maia's POV

Naghahanda ako papasok. It's 8 AM and ang pasok ko ay 9 AM hanggang 4:30 ng hapon.

I looked at the little girl who's currently watching on the living room while eating my potchi collection. 

B-baka maubos n'ya yung potchi ko..

Oh, naalala ko. Deretso nga pala 'ko mamaya sa coffee shop na pinagta-trabahuhan ko. 

Paano 'tong batang 'to? Bale mga 10 na ng gabi ng uwi ko since 9:30 ang tapos ng shift ko. 

'Dingdong'

Bago pa man ako makarating sa may pinto ay bumungad na ang tatlong pagong.

"Hello Mf!" Sigaw ni Pinya with matching pose na nakataas pa ang kamay.

"Words!" Suway ko sabay takip sa kaniyang bibig ng maalala kong may bata nga pala akong kasama dito. 

"Oh, who's this little cutie right here?" Sabi naman ni Lavin sabay tabi kay Mara.

Yes, I've decided to call her Mara. Why? Gusto ko lang.

"Hi, I'm Sammara--" I immidiately cut what she's about to say.

"Cifuentes! Y-yes. She's Sammara Cifuentes."

I glanced at Mara and I saw tears treathening to fall from her cute eyes.

"W-why?" Panic kong tanong at lumapit sa kaniya.

"Lulu! Tigilan mo nga 'yan. Tinatakot mo yung bata e." Suway ni Lavin kay Luna ng makitang kinukuhanan pala nito ng picture si Mara. 

Future photographer talaga 'tong babaitang 'to.

"It's okay, baby. Stop crying. Papaluin natin 'yang salagubang na mukhang ipis na 'yan." Pagpapatahan ni Lavin kay Mara.

"Ang cute kasi. Hey, baby Sam. 5-10 years from now, kapag ganap na photographer na 'ko. Do you wanna be my model?" Walanjo, naga-advanced hiring na agad.

Napailing na lang ako at napabaling kay Pinya na natigilang parang gulat na gulat at nakatakip pa ang kamay sa bibig.

Problema nitong isang 'to?

"Uy problema mo d'yan?" Kunot noong tanong ko dito.

"S'ya na ba ang inaanak namin?" 

Huh??

"Cifuentes. Dala na niya apelyido mo. Sinong nabuntis mo??" Tanong niya.

Ahh.

"Loko ka pala e. Tingin mo ba may sausage ako sa loob ng paldang 'to?" Sabay batok.

"Aba malay namin. Tsaka lagi kang nakaboxer instead of panty 'no." Himas ang ulong sambit naman niya.

Teka.

"At paano mo naman nalaman?" Kunot ang noong tanong ko naman sa kaniya.

"Hehehehe" Sabay nguso kay Luna na biglang umiwas ng tingin habang nasipol kahit hindi naman marunong.

Humarap naman ako kay Luna habang tinititigan at inilagay ang mga kamay sa likod. Nakaka-intimidate daw ako kapag ginagawa ko 'to.

"A-ahh. Kasi ano.. kailangan ko din pag-aralan yung mga ganoong genre para mapractice ko yung skills ko, Y-you know..?" Kamot ulong sagot naman n'ya.

I heaved a sigh while shaking my head.

"By the way, she's my niece. Anak ng pinsan ko sa side ni papa and iniwan muna s'ya sa'kin kasi walang maga-alaga sa kan'ya at kailangan nilang ipagpatuloy yung trabaho nila abroad." I looked at Mara and I'm sure na naiintidihan niya kung bakit ko 'to sinasabi dahil for now, miski ako pino-proseso pa yung mga sinabi n'ya sa'kin kanina.

Pumunta muna 'ko ng CR habang nililibang nung tatlo si Mara at dinial ang number ng Ninong ko na pulis. Tinanong ko kung may nagfile ba ng missing person sa station nila, hindi ko na sinabi yung rason at sabi naman niya ay wala naman daw nagrereport o nagf-file sa mga oras na 'yon. Sinabi ko nalang na kontakin niya ko kung sakaling may magfile at ibinaba ko na yung tawag.

"Ayos ka lang ba dito mag-isa, Mara?" Tanong ko habang inaayos ang gamit ko dahil papasok na kami. Dala ni Luna yung sasakyan niya kaya may sasakyan naman kami papasok.

"O 'wag, hapon pa tapos ng klase ko and kailangan ko pang dumeretso ng trabaho after class. Bale gabi na ang uwi ko." Malalim ang pag-iisip ko kung paano ang gagawin ng biglang magsalita ni Lavin.

"What if, isama nalang natin s'ya sa school ang iwan sa office ni mama?" Oo nga pala. Prof din ang mama ni Lavin na si Tita Leslie.

"That's actually a good idea. Salamat talaga Lav." I said in my cute voice. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiiling lang siya habang natatawa .

-------

"I'm so sorry, ija. Pwede mo namang iwan sa office ko 'tong napaka cute na batang ito kaso wala ako kasi kailangan kong umattend ng seminar kasama sila principal." Sabi ni Tita Leslie  while patting Mara's head. 

Maging ito ay hindi napigilan ang paghanga sa kakyutan ni Mara. 

I unconsciously smile dahil sobrang kyut nga naman ng batang ito.

"Oh, here's Miss Herrera. Can you look after this cutie pie, Ma'am? Hindi ko kasi mababantayan gawa nung seminar na aattendan ko at magsosolo lang 'to sa office ko." 

Kita ko ang pangingilid ng luha ni Mara habang nakikipagtitigan kay Vera. 

Bigla namang lumambot ang ekspresyon ni Vera ng ibaling ang tingin sa bata.

Lumuhod ako sa likod ni Mara at hinagod ang kaniyang likod sabay binulungan,

"Don't cry, sweetie.." Pagpapakalma ko sa kaniya. 

"Come here, honey." Vera said in her soft voice at para naman akong nahypnotized.

Natauhan ako ng may pumalo sa likod ko.

"Aray!" Sambit ko at ng matauhan ay nasa harapan na 'ko si Miss Herrera at walang ekspresyon na nakatingin lang ito sa'kin.

I mentally facepalmed.

Ako pala ang lumapit.

Dali-dali kong hinigit si Mara at pinapunta sa harap ni Ma'am.

Muli kong nasilayan ang ngiti ni Ma'am at inayos ang buhok na nakaharang sa mukha ni Mara.

"What's your name, sweetheart?"

Ay ba't hindi na 'honey' para kahit papaano man lang mag assume ako na parang ako yung tinatawag.

I pouted.

"I'm Sammara He-- Cifuentes po. Nice meeting you po." She sweetly smiled towards Vera that somehow nearly melted my heart.

"Kung hindi ko kayo kilala, siguro napagkamalan ko na kayong mag-ina." Tita Leslie said then excused herself dahil kailangan na niyang umattend sa seminar.

Binaling ko ang tingin kayna Ma'am Herrera na kinakausap si Mara. She told Ma'am na pamangkin ko siya.

We then excused ourselves dahil oras na ng klase at dumeretso naman na ng office sila Ma'am. 

Kahit gusto ko pa sila pagmasdan na magbonding ay kailangan na naming pumasok sa room.

Watching them together makes me think like I'm watching my dream to build a family with Miss Herrera. 

Then I remembered what Mara told me. 

I just smiled bitterly at nagfocus sa klase.

--tbc.




My First Love's GranddaughterWhere stories live. Discover now