Maia's POV
A gentle but loud enough knock woke me up from my peaceful sleep. I fell asleep on the living room last night while watching on netflix.
I got up from the couch and walk towards the door.
"Sino sila?" Sabi ko habang kinukusot padin ang mata kong kakamulat lamang.
Silence...
Walang sumagot.
"Hays, aga aga naman mambulabog e." Inis kong bulong sa sarili ko habang inis na binuksan ang pintuan.
"Anong—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng wala naman akong makitang tao.
Isasara ko na sana ang pinto ng biglang may sumulpot na batang babae sa harap ko.
"Lolaa!!" Masayang sigaw nito sabay takbo papalapit at pinasalubungan ako ng napaka higpit na pagyakap.
T-teka..
Lola??
Nang mag sink in sa utak ko ang nangyari ay agad akong napatungo at nakita ang batang babae na napakalawak ng ngiti sa'kin habang nakatingala at yakap yakap ako.
Umiling ako at lumuhod sa harapan ng bata at hinawakan ang magkabila n'yang balikat.
"Bata, anong ginagawa mo dito? Naliligaw ka ba o ano? Nasaan ang mga magulang mo?" Sunod-sunod kong tanong habang nag-aalalang tinitigan ang batang kaharap ko. Naulan kasi sa labas at baka kung mapaano 'to.
"Hehe, I finally found you, Lola!" Ngisi n'yang saad sabay pulupot ng maliliit n'yang braso sa aking leeg at niyakap ako.
Huminga ako ng malalim. Trying not to get offended by her calling me "Lola"
Tangina, mukha na ba talaga 'kong matanda??
Pumikit ako at ngumiti ng kalmado.
Unti-unti kong inalis ang pagkakayakap n'ya sa akin sinubukan muli s'yang tanungin. Silently hoping na maganda-ganda na ang isasagot nito sa akin.
"Bata. Baka nagkamali ka ng bahay, wala dito ang Lola mo." Mahinahon kong saad habang hinahawi ang buhok na nakaharang sa kan'yang mukha.
"No." Paninindigan n'ya while shaking her head cutely.
"You." She pointed at me.
"You are my Lola."
I heave a sigh..
"Look, sweetie. Do I really look like a frea—" Pinigilan ko ang aking sarili. I'm not mad dahil may biglang sumulpot na bata dito. I'm kinda offended at the fact that she keeps on calling me "Lola"
W-wait. Kaya ba hindi ako magustuhan o mapansin man lang ni Ma'am dahil mukha na 'kong triple ng edad n'ya???
Wait wait. Stop thinking negatively, Maia. Hindi ka naman siguro mukhang magulang ni Ma'am. Erase, erase.
I maintained my smile once again.
"I'm not your Lola. Look, I'm even barely on my twenties." Paliwanag ko sa kaniya.
Awkward silence...
"B-but *sob* you're *sob* my Lolaaa." Nagulat ako ng bigla s'yang humagulgol sa harapan ko.
Oh my freakin' God. I've never had an interaction with any kids and now how am I supposed to convince this kid to stop crying??
Wait, google google. That's right.
Nagpapanic kong kinuha ang cellphone ko sa may lamesa sa living room at dali-daling binuksan ang Google.
I typed.. 'How to stop a child from crying.'
The result came out.
'First, check if their unwell or in pain.'
Dali-dali akong lumihod sa harapan ng bata at tiningnan kung may sugat ba s'ya.
"M-may sugat ka ba? May bubog, nakalunok ka ba ng bubblegum?" Aligagang tanong ko sa kan'ya.
"O-oh, baka naman may lagnat ka?" I put my hand on her forehead to check her temperature. It seems normal to me.
Tiningnan ko pa ang ibang resulta sa google.
'Then bring them to the nearest hospital.'
Walang kwentang Google!
Muntik ko ng maihagis ang cellphone ko dahil sa taranta at inis.
Then I suddenly heard a chuckle.
"Pft." I looked at the kid and saw her chuckling.
"W-why?" Nagugutom na ba 'to? Parang nawawala na sa wisyo, sobrang bata pa.
"Gutom ka na ba? Baka nalilipasan ka lang ng gutom, gusto mo ng potchi?" Alok ko naman sa kan'ya at akmang tatayo para kunin ang potchi collection ko sa ref.
"Hays, you haven't changed a bit, Lola. Really? A potchi first thing in the morning?"
Well, what can I do? I'm living all by myself and kung ipapakita ko yung talento ko sa pagluluto, baka imbis na matuwa yung mga kapitbahay ko kasi para akong nagmagic.
Na sa isang iglap, charaaan~ wala na tayong bahay, my dear neighbors, naglaho na sila~
By the way, I was stunned to hear this words from someone as young as her.
Kung hindi mo maririnig at makikita ang maliit n'yang boses at maliit n'yang pigura, siguro aakalain mong nanay mo 'tong kausap mo.
She walked past by me and bago pa 'ko makapag protesta ay dumeretso ito sa kusina.
Pagkasunod ko ay nakita ko s'yang kumukuha ng tinapay at inilagay sa toaster. Then kumuha s'ya ng butter sa ref at nagtimpla na din ng gatas.
Napakabilis ng mga pangyayari, nakita ko na lamang s'ya na hinahango yung tinapay at inihain sa dalawang plato na naghihintay sa lamesa.
"What are you waiting for, Lola? For this bread and milk to cool down? Geez."
"O-oh, right." Lutang padin akong umupo sa tabi n'ya at pinagmasdan s'yang kumain.
Sino 'tong batang 'to?
At bakit parang sauladong-saulado n'ya yung bawat sulok ng bahay ko??
"Focus on your food, Lola." She said while eating.
Agad ko namang binawi ang aking tingin at kinain yung naghihintay na tinapay sa harapan ko.
What in the world just happened?
—tbc.
YOU ARE READING
My First Love's Granddaughter
Romance[PROFxSTUDENT] _______ What would you do if one day, a cute little girl came knocking on your door, saying she's your first love's future granddaughter who came to make sure that you'll end up with her grandmother which also happened to be your inti...