Prologue

2.7K 105 37
                                    

Pinagmasdan ni Uriel ang sarili sa harapan ng salamin at napadako ang tingin niya sa may bandang panga niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinagmasdan ni Uriel ang sarili sa harapan ng salamin at napadako ang tingin niya sa may bandang panga niya. Kinapa niya ito at bakat na bakat na ang buto nya. Medyo lumalalim na rin ang pisngi nya.

"Hmm... Maganda pa rin naman ako. Nabawasan nga lang ng .001%." pangugumbinsi niya sa sarili.

Bahagya nyang ibinaba ang suot nyang pink na roba at tumambad sa kanya ang matulis nyang balikat dahil sa kapayatan. Itinaas baba nya ito ng ilang ulit bago muling nagsalita.

"O pak! Nananaksak!"

Pagpapatawa nya pagkatapos ay ngumuso sya sa harapan ng salamin at nag-pose na akala mo sya si Anne Curtis.

"If I were you, hahanapin ko na siya. Kinukumbinsi mo lang ang sarili mo na okay ka lang, but the truth is, you're not. You've been restraining yourself for so long, kuya."

Tiningnan nya kung sino ang gumulo sa kanyang imaginary photoshoot at ito'y walang iba kundi si Ali, kapatid nya. Seryoso itong nakatingin sa kanya na para bang ineexamine nito ang buong pagkatao nya pero mababakas din naman sa mga mata nito ang pag-aalala.

"All you have to do is bed her every full moon. Ganun lang. Alam naman ng buong angkan natin na you're gay. You don't have to love that woman." dagdag pa ng kapatid nya.

"Kung ganun lang kadali ang lahat." wika niya sa isip nya. "Pero hindi! Imbyerna ako sa chararat na yun!" dagdag pa nya na may halong gigil pagkatapos ay tumingin ng matalim sa salamin na animo'y isa syang main character sa isang mystery/thriller na movie.

"Find her, kuya. That's the only way to save you or else, you'll die."

"Paladesisyon ka, be?" mataray nyang asta sa kapatid.

"Continue doing that and you'll be lifeless in no time."

Every Full MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon