Chapter 5

1.6K 30 5
                                    

Enjoy reading~

Zoe Briones

"Cheers!" Hiyaw namin sabay binangga ang mga baso sa isa't-isa. Nakaupo kami rito sa pabilog kaya nagkasya kaming lahat.


Hindi namin pinansin si George na biglang tumayo at pumunta sa kung saan, masaya kaming nagkekwentuhan ng maisipan ni Cams na magtanong saakin kaya lahat sila ay napatingin saakin.


"Ms Zoe, sino pala yung lalaking nakaputi kanina?" Intriga nito at nagawa pa akong titigan nang nanunukso.
"Ang gwapo sa malapitan ms Zoe hehehe." Halata na sa boses nito na natatamaan na ito ng iniinom.


"Anak siya ni ms Rhea, bago natin patron guys." Tugon ko at mabilis siyang pinigilan nang magtatanong ulit siya.
"Hep!!! No more question related to him dahil hindi ko siya kilala."


"Eh bakit--" nilakihan ko ng mata si Cams na kinatutop nito ng bibig bago bumaling sa katabi nito at nagkulitan ulit na parang walang nangyari pagtatanong about kay Hades.


Napailing na lang ako bago uminom sa hawak na baso, napatingin naman ako kay Selin na kauupo lang sa tabi ko, galing ito sa banyo.


"Si George, ms Zoe?" Anito


Pinakatitigan ko si Selin habang iniikot nito ang paningin sa paligid.
"Andyan lang sa tabi-tabi, why?" Tumango-tango lang ito bago inabot ang baso at inisang lagok ang laman nito. Napataas ang kilay ko sa ginawa nito bago napailing. May something talaga sakanila e.


Dahan-dahan akong sumisimsim sa inumin ko nang papunta sa gilid ang mga mata ko at muntik ko nang mabuga ang iniinom nang makita ang kasama ni George.


"What the...!" Sambit ko habang kumukunot ang noo ko habang tinitignan ang dalawang lumakad palapit sa pwesto namin.


"George" mariin ang pagkakasabi ni Selin nang tuluyan na silang makalapit saamin, nagtilian naman ang ibang kasama namin pagkakita sa kasama ni George na lihim kong kinairap.


"Why Selin?" Inosenteng nakangiti si George sakanya bago lumipat saakin ang tingin.
"This is Hades Andino guys, siya yung nasa Zowelries kanina." Anito na kinatili na naman nila, napailing na lang ako sa tinuran ng mga ito bago uminom ulit. I'm eyeing Hades behind the rim of the glass, he stood there like a mighty greek god kaya hindi ko masisisi ang mga babaitang kasama ko.


One of his hand is inside his pocket while the other one is combing his hair. Hindi ko alam kung inaayos niya ba o mas lalong ginugulo.


"Niyaya ko siya dahil mag-isa lang siya sa counter, okay lang naman Zoe 'di ba?" Nakangisi nitong tanong saakin na kinakunot ng noo ko bago tipid na tumango. Napunta naman saakin ang mga mata ni Hades at binigyan ako ng ngisi bago nito kinagat ang ibabang labi.


Tinaasan ko ito ng kilay bago nag-iwas ng tingin. Ano bang balak nitong si George at niyaya rito sa mesa namin si Hades? Sambit sa isip.



"Dito ka sa tabi ko Selin." Hindi ko sila pinansin at tinuon lang sa inumin ang atensyon. Bahala kayo dyan basta huwag niyo lang akong guluhin dito, lalo ka na Hades.


Naramdaman ko ang pagtayo ni Selin at ang pag-upo ng kung sino sa tabi ko pero hindi ko pa rin pinansin.


"Bagay no! Picturan mo dali Selin!"


"Tumigil ka George baka hindi kita matansya dyan."


"Ako na nga, kj mo talaga"


Thirty-five: Zoe Briones [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon