Chapter 30

920 16 7
                                    

Long update~


Zoe Briones

"Babe where are we going?" Takang sambit ko


"Hospital" tipid nitong tugon
Kumunot naman ang noo ko sa sinagot niya.


"Hospital? 'Di ba kagagaling lang natin kan-" he cut me off


"Nahospital si Olivia"


"What?!! Why what happened?" Nagpapanic kong sabi.


"Get in babe, I explain later." Anito at inalalayan akong sumakay.


Buong byahe papunta ng hospital ay nag-aalala ako para kay Olivia. I had a bad memory of Olivia's being in a hospital way back in highschool. If it wasn't for me and Scarlett, Olivia probably not here. We all blamed it to that jerk who hurted and ruined her more.


Lakad-takbo pero may pag-iingat na pumasok kami sa hospital pagkarating namin. Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Hades nang matanaw namin sa harapan ng OR si Eros na nakasaldak sa sahig habang nakasabunot sa sariling buhok.


Bumaba sa damit nito ang tingin ko at nanlalaki ang mga mata at napasinghap pa ako nang makita ang dugo sa puting suot nito. His hands are also covered with blood, what the hell happened?!


"Eros!" Ani Hades at mabilis na nilapitan ang pinsan nito. Nanginginig naman ang mga kamay kong tinakpan ang bibig lalo na't nang umangat ang mukha ni Eros ay may dugo rin ang pisngi nito na nahahaluan ng mga luha nito.
"Get up Eros"


Dahan-dahan akong lumapit sakanila at natatakot akong malaman kung anong nangyari kay Olivia. Pero sa itsura pa lang ni Eros ay hindi na maganda ang nangyari kaya napaluha na lang ako. Mabilis naman akong nilingon ng dalawa nang marinig ang mahinang hagulgol ko. I'm more sensitive nowadays because of my pregnancy.


"Babe shhh" alo ni Hades saakin nang lapitan ako. Yumakap ako sakanya at sabay kami ni Eros na mahinang umiiyak sa harapan ng OR. 

"Tahan na babe baka makasama kay baby ang masyadong pag-iyak." Bulong ni Hades, nakaupo na kami rito sa waiting area sa harap lang din ng OR.


Tumango ako at pinunasan ang mga luha sa pisngi bago binaon sa dibdib niya ang mukha ko. I don't want to look at Eros' face because I know I will just cry again.


"What happened?! Anong nangyari kay Olivia?" Boses ni Scarlett ang narinig ko
"Eros? Hades? Zoe? Damn it!!"


"Calm down Scarlett" boses ni Aether


"Ano bang mayroon sa araw na ito?!" Inis na  singhal ni Scarlett.













"The patient is stable now but I'm sorry to say this.....the baby didn't make it. I'm sorry for your loss hijo." Tinapik ng doctor ang balikat ni Eros na nakatulala lang dahil sa narinig.


"Fück! Eros!" Hiyaw nila Hades nang biglang pinagsusuntok ni Eros ang pader.
Habang pinapakalma ng dalawa si Eros ay magkaakay naman kami ni Scarlett habang mahinang umiiyak para sa nawalang anghel nina Olivia at sa sinapit nito sa kamay ng mismong ama.


Hinintay namin na mailipat si Olivia sa isang private room bago nagpaalam si Hades saakin na tatapusin lang ang ginagawa bago niya ako sunduin sa Zowelries.


Magkatabi kami ni Scarlett dito sa sofa habang nakatulala kay Olivia. Umalis sina Eros at Aether para asikasuhin ang isasampang kaso sa tatay ni Olivia. We're glad that he was caught quickly, after he went out of the restaurant coincidentally there's an off duty policeman walking nearby and he saw that Miguelito, Olivia's father, was holding a knife full of blood. Without any second thought, he stepped up and stopped him from running away.


Thirty-five: Zoe Briones [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon