Chapter 20

954 20 3
                                    


Zoe Briones

"Pasensya na po sa nangyari kagabi mother Isa" hinging paumanhin ko.
Marahan nitong hinawakan ang dalawang kamay ko bago nito tinapik nang marahan. Bumaling pa ako sa gilid nito kung saan nakatayo si Julio at halata ang pag-aalala sa mga mata.


Andito na kami sa labas at paalis na papunta sa kabilang bayan, may nangyari man kagabi hindi pumasok sa isipan ko na itigil ang medical camp namin dahil sa nasaktan ako. Gusto ko pa rin ituloy kahit na gusto na nila akong pauwiin.


Nalaman ko rin mula kay Scarlett na sinundo si Amber kagabi nang tawagan ni Hades ang pamilya nito. Mas mabuti na iyon kaysa sa manakit na naman siya dahil lang hindi nito makuha si Hades.


"Hija, nagpapasalamat ako sa Diyos na walang nangyaring malubha sainyo lalo na kanila Berry. May ideya ako kung anong dahilan ng nangyari kagabi pero hindi na ako manghihimasok hija. Basta maayos ang lagay niyo ay okay na ako." Marahan na anas ni mother Isa.


Ngumiti naman ako at tumango sakanya bago nilingon sina Berry at Cherry na buhat ng ibang staff ng orphan.


Kami na lang ni Hades ang andito sa labas ng bus at kaharap sina mother Isa, nakapagpaalam na sina Olivia sakanila kaya kami na lang dalawa.


Lumapit ako kanila Berry, nagpabuhat naman ito kaagad saakin. Kumapit din saakin si Cherry at nagpapabuhat din pero hindi ko sila kayang pagsabayan dalawa.


"M-mama" nangingilid ang luha na saad ni Cherry at pilit akong inaabot kaya bubuhatin ko na rin sana siya nang kunin siya ni Hades at binuhat. Agad naman yumakap sa leeg niya ang bata katulad ni Berry saakin.


"Aalis ka na mama?" Bulong ni Berry sabay singhot.
"Iwan kami ni Cherry?" Dagdag niya.
Napatingala naman ako kay Hades at alam kong nabasa nito sa mga mata ko ang lungkot.


"Berry Cherry, halina at aalis na sila." Malumanay na anas ni mother Isa.
"Sige na hija kami nang bahala." Dagdag nito at kinuha saakin si Berry. Kinuha naman ni Julio si Cherry mula kay Hades, humalingawngaw sa paligid ang iyak ng dalawa na nagpataranta saamin.


Sa maikling panahon na nakasama namin sila ay naattached na kaagad kami sa dalawa, who wouldn't when those twin are so bubbly and sweet.


Hades intertwined my hand with his and pulled me towards his side.
"Let's go babe mas lalo tayong mahihirapan na iwan sila kung tatagal pa tayo." Bulong nito


Nangilid ang luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan ang dalawa na nagpupumiglas at umiiyak at pilit kaming inaabot.


"A-alis na po kami mother Isa." Tumango at ngumiti si mother Isa saakin.
Bumaling naman ako kanila Berry at Cherry.
"Magpakabait kayo Berry at Cherry ah, huwag masyadong malikot at magpasaway." Bilin ko pero iyak lang ang tugon nila. Kinuha na ng iba si Berry mula kay mother Isa at pinasok na nila ang dalawang bata para hindi na makita ang pag-alis namin. Rinig pa rin ang iyak nila kahit nasa loob na sila, nanginginig na napabuntong hininga ako.


Malungkot na lang ako ngumiti kay mother Isa bago nagpaalam na nang tuluyan sakanya.














Ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng medical camp na ginawa namin. At sa mga araw na iyon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko sina Berry at Cherry. Gusto ko man silang kuhanin do'n sa orphanage ay hindi ko magawa dahil mag-asawa ang isang requirements nila sa dalawa.


Lagi ko naman silang kinakamusta mula kay Julio, nagtatampo raw ang dalawa saamin pero nang makausap ko sila no'ng isang araw ay balik sa pagkabibo ulit sila pero namimiss na raw nila kami. That's why I'm planning to visit them this weekends. Kaya rin may pinaparush akong dalawang bracelet kanila mama, they already know the twin dahil kinuwento ko sila sakanila.


Thirty-five: Zoe Briones [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon