Chapter 7

10 1 0
                                    




As I opened the sink's faucet to wash my plates, Robin began to speak.

"I'll do the dishes." Finally, someone has spoken, after a long hours of dinner. Well hindi naman inabot ng isang oras pero para sa akin, sobrang tagal naming kumain ng dinner, partida binilisan ko pang kumain, ngunit hindi ko naman 'yon pinahalata.


Tumango na lang ako at iniwan ang plato kasama ang baso na ginamit ko. Kahit gusto ko nang umakyat para magpahinga, ayoko namang isipin niya na iniiwasan ko siya pagkatapos ng nangyari kanina, kaya nanatili muna ako sa sala at binuksan ang TV.


Maya maya ay narinig ko nang bumukas ang faucet sa kusina, tapos na siyang kumain at hinuhugasan na ang mga pinagkainan namin, habang ako ay walang ginawa kung 'di pindutin nang pindutin ang remote control dahil wala akong makitang magandang panonoorin. Gusto ko nang umakyat.. pero parang hindi dapat?


Cat, ano ba.. hinalikan ka lang ganyan ka na't hindi mapakali?


Sumuko na 'kong maghanap ng papanoorin dahil mukhang wala rin naman ako sa mood na manood, nanatili lang sa iisang channel ang pinapalabas ngunit wala naman akong maintindihan sa palabas dahil kung saan saan napapadpad ang isip ko.

Sa tagal kong nakatunganga sa TV, nakita kong lumabas na si Robin galing sa banyo habang pinatutuyo ang buhok gamit ang tuwalya. Nakaligo na pala siya, ni-hindi ko namalayan.


Nanatili ang mga mata ko sa TV, pero ang atensyon ko.. hindi ko alam kung nasaan ba talaga.


Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na.. hindi naman ganito ang routine ko. Usually pagkatapos naming magdinner, nananatili ako sa dinning table pero nakaharap na sa laptop, minsan naman ay umaakyat na ako sa itaas para magpahinga. Bihira akong manood ng TV, nakakanood lang ako kapag wala akong pasok kinabukasan, minsan nga ay hindi pa.


Napansin niya kaya 'yon?


Shit. Aakyat na nga lang ako.


Hindi ko na in-off ang TV dahil baka manonood pa siya, kinuha ko na lang ang cellphone ko sa coffee table at tumayo na para tumungo sa hagdan.


Oo na, hanggang ngayon hindi ko pa din maalis sa isipan ko ang nangyari kanina sa train station. Bakit niya ako hinalikan? Ano naman kung nagkatitigan kami nang matagal? Ibig sabihin ba 'non kailangan nang maghalikan pagkatapos? So pag nangyari 'to sa kanya sa ibang babae hahalikan niya na rin pagkatapos?


Bakit naman ako tumugon sa halik niya? Gusto mo Cat?


Hindi, nagpadala lang ako sa emosyon ko. Oo tama, nadala lang ako. Let's admit it, Robin's appearance is.. irressistable.


He's good-looking and hot, and..


Oh my, Cat stop it.


Bago pa ako makaharap sa hagdanan ay narinig ko ang mababang boses niya.


"Cat." Nanlaki muna ang mga mata ko bago ako humarap sa kanya.


Kung dati, kapag tinatawag niya ako ay walang emosyon ko lang siyang tinitignan dahil na rin siguro sa pagod sa trabaho o sa kawalan ng mood, ngayon ay may halong kaba. Kaba na hindi nanggagaling sa takot, kaba na parang gusto ko.


"Are you mad?" Seryoso ang tono niya ngunit may halong pag aalala.


Nagmukha ba ako na parang galit sa mga inaakto ko?


Hindi ako makasagot sa tanong niya! Napaawang lang ang bibig ko dahil gusto kong magsalita, pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko.


"H-hindi." Tanging naisagot ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Robin's CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon