Chapter 5

21 2 0
                                    


Sa kasalukuyan ay nagbabayad na kami ng mga pinamili sa cashier. Pilit kong itinutuon ang pansin ko sa pagscan ng kahera sa mga pagkain kasabay ang mabilis na tunog nito.

Pilit ko ring pinipigilan ang pag angat ng mga mata ko upang hindi masilayan si Robin.



Ewan ko. Hindi ko rin alam.



So what if he knows your smell Cat? He's a cat! Normal lang 'yon.



Normal pala 'e, bakit ganito ang inaakto ko?



"Let me push it." Sabi niya nang akmang itutulak ko na ang push cart kung saan nilagay ang mga boxes ng pinamili namin.



"Okay." Tanging sagot ko.


Habang naglalakad kami sa parking lot papunta sa kotse ko ay wala kaming narinig kundi ang ingay lang ng mga kotseng papaalis at mga magpaparada pa lang. Walang nagsalita ni-isa sa aming dalawa.



Nang makarating kami sa kotse ko ay binuksan ko na ang trunk at sinimulan naming ilagay ang mga boxes.


Pupunta na sana ako sa harapan upang sumakay na sa kotse nang magsalita siya.



"Look Cat, I am really sorry if I made you that worry." He said.



Ba't pa niya binuksan ang topic na 'yan? Okay na nga 'e. Nakita ko naman siya, kung hindi ay talagang magagalit ako! Ang likot kasi ng mata at kamay.



"What? It's no big deal. I just panicked." I answered.



"You're not mad?" He asked with a serious face.



"No. Why would I? Kanina pa 'yon, tapos na." I said.



"Then why are you so quiet? Kanina pa rin." He asked.



Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya. I didn't answered him and just opened the car door.



I need a new topic! Think!



"I'll cook steak for dinner." I said as I fasten my seatbelt.





Nang mai-start ko na ang kotse ay saglit ko siyang sinilayan at nakitang seryoso ang mga tingin niya sa akin.


What does he want?


Hindi ko na lang siya pinansin at pinaandar na ang kotse.


Hindi naman naging awkward ang biyahe pauwi. Thanks to my music playlists.


Paguwi sa bahay ay inayos ko ang mga grocery at nilagay sa mga tamang lagayan nito. Tinulungan ako ni Robin kaya hindi ganoong kabigat ang pags-stock ng mga gamit at pagkain.















"No salmon for tonight?" He asked.



"No. It's steak night." I answered while I'm busy cooking.


"Lame." He said.


Aba! Tignan lang natin pag natikman mo 'tong steak ko. Baka kalimutan mo na lahat ng isdang paborito mo para dito.



Robin's CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon