Chapter 01~

104 5 3
                                    

All rights reserved

Copyright 2013 humminnn

/\\//\\//\

"Andito na po tayo ma'am." Tinignan ko si Mang Romy, ang driver ko tsaka sumilip sa bintana. Andito na nga kami, sa school ko. Tinanggal ko na sa tenga ko ang suot kong earphones.

"Okay Mang Romy, Thank you." Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad na papasok ng school.

Hindi isang ordinary private school ang pinapasukan ko. Mas private pa sa private, private, gets? School siya for rich people lang, as in rich people. Luckily, nagiisang anak ako ng magasawang negosyante na lahat na ata ng mamahaling bag, relo, sapatos, alahas, at iba pa na may Viyu na tatak ay pagmamay ari namin.

I'm Jasmine Dianne Viyu. 3rd year high school. Hindi matalino at hindi rin bobo, sakto lang.

"Viyu!" Tumingin ako sa tumawag sa akin.

"Ikaw ba tinawag ko? Kausap ko ang bago kong bag. Ito kasi ang latest design ng Viyu. Ang ganda noh?" Inikutan ko lang ng mata ang kaibigan ko.

Si Yvann Levsus, half french half filipino. Sakanila lang naman ang mga ginagamit nating sasakyan dito sa Pilipinas.

Siya lang ang nagiisa kong kaibigan. Hindi niyo ako masisisi dahil alam niyo naman ang mayayaman, ang paplastic. Kakaibiganin ka depende sa social status mo. Ayoko ng ganun at ayaw rin ni Yvann ng ganun kaya nagkasundo talaga kami.

"How's tito and tita, Yvann?"

"Ayun, pumunta ng France para sa business at may business gatherings rin." Umasim ang mukha naming dalawa. Isa pa sa pinaka-ayaw namin ay mga gatherings. Bakit? Kasi diyan talaga nagaganap ang plastikan at payabangan.

"Hindi ka ba napapagod sa buhay natin, Yvann. Alam mo yung lahat ng gusto natin ay nakukuha natin ng walang kahirap hirap?"

"Bakit naman ako mapapagod? Ang dami naming katulong."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Gaga! I mean, tignan mo ang paligid natin, ang daming chandelier. Puro aircon, may mga sofa, mamahaling vase. School 'to girl, hindi living room."

"Aba dapat lang noh! Ang mahal mahal ng binabayaran natin, kulang pa nga yang mga chandelier na yan eh." Sabi ni Yvann habang binibilang lahat ng chandelier na madadaanan namin.

"Hindi ka naman matinong kausap eh, Imagine, yung iba, nagsisiksikan sa isang classroom, nagsheshare sa iisang book ang ilang students. Samantalang tayo.." Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Lahat ay magaganda at mamahalin.

Inakbayan ako ni Yvann. "Stop complaining girl, hindi mo kasalanan na pinanganak kang may gintong kutsara. Just be thankful."

"Thankful naman ako eh. I'm so blessed pero bakit yung iba?" umupo ako sa nadaanan naming sofa. sa sobrang lambot ay parang gusto ko ng matulog.

"Isipin mo nalang na your parents worked their butts off kaya ganito ang buhay niyo." tumabi siya sa akin.

Tinignan ko siya. "Yeah, their working too much na nakalimutan na nilang may anak sila."

Sa sobrang pagkabusy ng mga magulang ko hindi ko alam kung naaalala pa nila ako. Oo nga, ang laki nga ng bahay namin, ako lang at mga katulong naman ang nakatira, walang kabuhay buhay.

Maraming ngang pagkain kaso magisa lang akong kumakain sa dining table. Sino ang magiging masaya doon.

Sinundot ni Yvann ang noo ko. Napaatras ako sa sobrang lakas ng ginawa niya. "Ang drama mo! Ewan ko sayo. Magpahaba ka na rin ng bangs pwede ka ng maging emo. Kapalan mo na rin yang eye liner mo para emo gothic ang peg."

Hindi ko napigilan ang tumawa. "Babagay kaya sa akin yon?"

Lumaki ang mata ni Yvann. "Oh my G! Gusto mo talagang maging ganun? Uso na rin ang magtakwil ng kaibigan." Umarteng lalayo sa akin si Yvann.

Ngumiti ako at niyakap ko siya. "Thank you for being my friend Yvann. Your a true friend."

"Okay, ano ang gusto mo? Ano ang matutulong ko sayo?"

Lumaki ang pagkakangiti ko. "Tulungan mo naman ako oh."

"Saan?" Kumunot ang noo niya.

"Sa mini adventure ko."

"Ano naman yang mini adventure mo?"

Pinalapit ko siya at sinabi sakanya ang plano kong mini adventure. Sigurado akong masaya itong naisip ko.

"So, sa tingin mo mini adventure yan?!! Gaga ka ba?!! Ayoko! No! Hindi ako papayag!" Pagkatapos kong sabihin sakanya ang plano ko ay nagover react agad.

"Please Yvann. It won't take long. Pag ayoko na sasabihin ko sayo agad then you can pull me out of that place. Gusto ko talaga maexperience yon Yvann." Gagamitin ko lahat ng convincing power ko para sa mini adventure ko.

"I'm worried about you Jasmine!"

"Kung nagaaalala ka sa akin edi tayong dalawa nalang ang gumawa nito." Huling alas ko na 'to. Isa ito sa paraan para mapapayag ko si Yvann. Ayaw niyang nadadamay sa mga ganito.

"Nooo! Okay okay, i'll help. Wag mo lang ako isali sa kalokohan mo. Remember this Jas, Kung ayaw mo na, call me and i'll pull you out." Wala ng nagawa ang kaibigan ko kundi ang pumayag.

Excited na akong maisakatuparan ang mini adventure ko. Siguradong mageenjoy ako at higit sa lahat marami akong pwedeng matutunan sa buhay. Mararanasan ko rin ang hindi ko pa nararananasan.

Tumayo ako at tumalon talon at sumayaw sayaw tsaka niyakap si Yvann. "The best ka talaga!"

"Che! Wag mo nga akong bolahin. Mapapahamak ako sa mga trip mo sa buhay eh. Halika na nga at baka malate pa tayo."

Hinatak na ako ni Yvann sa classroom pero hindi pa rin nawawala ang mga ngiti ko sa labi. Lonely nights at home and eating alone will be over!

That Life (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon