Chapter 03~

30 0 0
                                    

Bumangon ako sa hinihigaan ko ng may mga ngiti sa labi. Kahit hindi sanay ang likod ko sa hindi gaanong malambot, at maliit na kama.

Dumeretso ako sa maliit nilang banyo at naghilamos ng mukha at nagtoothbrush. Ito ang daily routine ko. Pag-gising ko sa umaga ay kailangan malinis ako at bago matulog ay ganun rin ang ginagawa ko.

Paglabas ko ng banyo ay naisipan kong pumunta ng kusina dahil baka andun si lola Gina. Lola Gina ang pakilala niya sa akin kagabi at ang pangalan naman ng asawa niya ay Mond, Lolo Mond.

Handa na akong bumati ng Good Morning nang mapansin kong hindi si Lola Gina ang nasa kusina kundi isang katangkaran na lalaki na walang ibang suot kundi ang boxers. Instead na good morning ang bati ko ay isang malakas na sigaw.

Napatakip sa tenga ang lalaki, halata sa mukha nito ang pagkairita. Nagsidatingan naman sina Lola gina, Lolo Mond at si Gab sa kusina. "Ano ba ang nangyayari dito at sumisigaw ka Jasmine?"

Tumingin ako agad kay Lola Gina at Itinuro ang lalaki nang hindi ito tinitignan. "Diyos ko! Ano ka ba namang bata ka Cav magsuot ka nga ng damit doon."

"Eh Lola, sino ba yang babaeng yan at ang aga aga ang ingay ingay." reklamo pa nang lalaki. Hindi ko siya nilingon at baka magkasala pa ako sa kung ano pa ang makita ko.

"Bisita siya ng Lola mo Cav, magbihis ka na." Paalis na si Cav pabalik na sa kwarto niya nang marinig namin sa Gab na tumatawa lahat kami ay napatingin sakanya. Nang mapansin niyang nakatingin kaming lahat sakanya ay tumigil siya.

"Lola, tama po ba yung nakita ko? tumatawa si Gab?" Nakakunot ang noo ni Cav habang hindi inaalis ang pagkakatingin sa kapatid niya.

Nakangiting tumango si Lola Gina. Kahit si Lolo Mond ay hindi maalis ang tingin sakanyang apo na ngayon lang nakitang ngumiti pagkatapos ng 3 taon. "Kagabi pa siya ngumiti. Napangiti siya ni Jasmine."

Tinignan ako ni Lolo Mond at nginitian. Samantala ang Cav naman na yun ay nangasar pa! "Gab, chics lang pala ang magpapangiti sa'yo." Kinindatan si Gab tsaka bumalik na ito sa kanyang kwarto.

Chics? Mukha ba akong sisiw?

\//\\//\\//\

Dinala ako ni Lola Gina sa taniman niya ng mga gulay. Lahat na ata ng klase ng gulay ay nadoon. "Wow Lola, ang dami niyo pong tanim na gulay. Sainyo po lahat ito?"

"Oo. Ito ang pampalipas namin ng oras ng Lolo mo pag ganitong walang pasok, hanggang sa dumami ng dumami ang tanim namin."

Tumulong ako sa pagpitas ni Lola ng mga kamatis, okra, talong at kung ano ano pa. "Masaya po pala ang ganito, yung nagaani na ng mga bunga."

"Apo, nagaaral ka ba?" biglang tanong sa akin ni Lola Gina.

"Opo, nasa 3rd year high school na po ako kaso napatigil ako dahil nga po sa nangyari sa amin." Parang bigla akong nakonsensya sa pagsisinungaling ko. Ang bait bait nila sa akin pero heto ako puro kasinungalingan ang sinasabi.

Pero hindi bale, babawi nalang ako sa kabutihang ginawa nila para sa akin. "Mas matanda pala sa iyo ng isang taon si Cav. 4th year na ang apo ko, graduating."

Mas matanda pala siya sa akin, kaya dapat pala ay kuya ang itawag ko sa mokong na yon.

"Gusto mo bang magaral uli? Teacher ako sa public school na pinapasukan nina Cav at principal naman ang asawa ko kaya pwede ka naming maipasok, medyo kakaumpisa palang naman ng klase pwede ka pang humabol."

"Talaga po?" Hindi ko mapigilan ang sa tuwa na nararamdaman ko. Everything is happening according to my plan.

"Edukasyon ang pinaka-importanteng kayamanan. hinding hindi yon mananakaw sa atin."

Tumango tango ako. "Naku, Lola pasok na po tayo ang init na ng sikat ng araw, masakit na po sa balat. Baka maheat stroke po kayo." Napangiti sa akin si Lola.

"Mukhang hindi ka sanay sa init hija." Hala, naku. Wag ka magpahuli bruha ka.

"Hindi po. Sanay na sanay po ako. Kayo lang po ang inaalala ko Lola."

"Ikaw talagang bata ka. Ang pula pula mo na oh. Halika na at baka ikaw pa ang magkaheat stroke diyan." Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Lola talaga." tsaka pumasok na kami sa loob.

Pagpasok ko ng bahay ay napakunot ang noo ko pagkarinig ko ng boses ng pinaka-ayaw kong cartoon character. Si spongebob. Alam ko maraming may gusto sakanya pero not me. Hindi ko alam kung bakit, maybe because he's stupid? I don't know. No offense sa may mga gusto kay spongebob. It's just my opinion.

Naka-upo sa sofa ang magkapatid habang titig na titig sa tv. "Apo, manuod ka muna doon at maguluto na ako."

"Tulungan ko na po kayo Lola."

"Naku, wag na. Magpahinga ka nalang doon." Wala akong nagawa kundi ang umupo sa isa sa mga single sofa. Napatingin naman sa akin ang magkapatid. Kumunot ang noo ni Kuya Cav.

"Ate, mukha kang kamatis!" Napahawak naman agad ako sa mukha ko. Mainit ang mga pisngi ko. Sa sobrang sensitive ng balat ko ang bilis tuloy mamula. "Hindi ka ba sanay sa init?" tuloy ni Gab sa sinasabi.

"Hindi noh! Sanay na sanay nga ako eh." Hindi ako makatingin sa mga mata nila dahil sa pagsisinungaling.

Pinapamaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. "Dito ka, para malapit ka sa electric fan." Tinuro ni Kuya Cav ang space sa tabi niya. Lalong namula ang mukha ko.

Nagsmirk naman si Kuya Cav. "Oh ba't mas lalo kang namula?"

Hindi ko alam kung bakit ako namumula ng ganun sa simpleng yaya lang sa akin ni Kuya Cav na umupo sa tabi niya?

Shit.

Vote and Comment. :)))

That Life (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon