Chapter 04~

30 1 1
                                    

"Ate, ate, gising na. Malilate na tayo sa school." Bigla akong bumangon sa sinabi ni Gab. Unang araw ko ngayon sa school na pinapasukan nila. Halong excitement at kaba ang nararamdaman ko dahil first time ko sa isang public school, mula ng magkaisip ako ay sa isang mamahaling school na ako nagaaral. Maiiba na yon simula ngayon.

Pagkalabas ko ng kwarto ay bihis na silang lahat. Napangiwi ako, unang araw ko pero nahuli pa ako. "Maaga pa hija. Sige na maligo ka na." Dali daling pumasok na ako ng banyo.

Normally ay inaabot ako ng mahigit 30mins sa pagligo, ngayon ay 15mins lang ata ay tapos na ako. Siguradong pagtatawanan ako ni Yvann pag nalaman niya yon, sigurado akong sasabihin niya sa akin. "Sa tingin mo sa loob ng 15mins na yon ay malinis ka na? Tsk!" Bigla ko tuloy namiss ang bruha.

Pagkalabas ko ng banyo ay iniabot sa akin ni lola Gina ang uniform ko. Isang white polo shirt at lampas tuhod na itim na palda tsaka isang pair ng black shoes. "Thank you po."

Nang matapos na akong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta ng kusina, hindi ko nakikita si Lola Gina at Lolo Mond. "Nasaan si Lola Gina at Lolo Mond?"

Si Gab ang sumagot. "Nauna na Ate, dapat maaga daw sila para magset ng example sa mga estudyante. Kain ka na 'te."

Lumapit ako skanya at ginulo ang buhok niya. "Ang cute mo talaga Gab." Umupo na ako at nagsimulang kumain. Kinuhha ko ang panyo sa bulsa ko at sinapin sa hita ko. Nang mapansin kong kumunot ang noo ni Kuya Cav sa pagtataka ay nagkunwari akong tinutupi ko lang ang panyo ko.

Nasanay na kasi akong kumain ng ganun, na kailangan may sapin ang hita ko para hindi marumihan ang damit ko if ever may malaglag na pagkain, which is wrong move dahil mga mayayaman lang pala ang gumagawa nun.

Tumayo na kaming tatlo at kinuha ang mga gamit namin para pumunta na ng school. Nauuna sa paglalakad si Kuya Cav, masyado siyang mabilis maglakad. Hindi ko alam ang daan paano ko malalaman ang papunta ng school. Humawak si Gab sa kamay ko. "Tayo nalang ang sabay, Ate." Napangiti ako. Ang cute talaga ni Gab, kung hindi lang 'to bata crush ko na 'to eh.

"Buti ka pa ang bait mo, hindi kagaya ng kuya mo, masungit. Tsaka marunong ka na ring ngumiti, hindi rin kagaya ng kuya mo laging nakasimangot."

"Kaya lang naman po ako hindi ngumingiti kasi hindi rin ngumingiti si Kuya Cav." Napatingin ako sa sinabi ni Gab. Pero wala ng ibang sinabi si Gab.

"Pero at least ngayon, ngumingiti ka na."

"Kasi chics ka eh!" Nagtawanan kami ni Gab habang naglalakad.

Hindi siya ngumiti dahil hindi ngumingiti ang kuya niya, ayaw niya sigurong maging masaya habang nakikita niyang malungkot ang kuya niya. Pero tama naman ba yon? Dapat ang mga bata ay laging masaya dahil minsan lang silang maging bata, they deserve all the happiness in the world. Dahil doon may naisip akong idea. Tinext ko si Yvann.

\//\\//\\/

Hindi mapigilang lumaki ng mga mata ko ng makita kong napakaraming estudyante ng school na 'to. Iniwan na ako ni Gab dahil sabi niya ay pupuntahan na niya ang mga kaibigan niya. Tama nga na overpopulated na ang mga public schools. Kaya pala nagkukulang ang mga classrooms, upuan at iba pang gamit sa school.

Meron rin iba't ibang klase ng mga estudyante. May iba nakaupo sa tabi nagbabasa ng mga libro, yung iba nagtsitsismisan, yung iba naglalaro ng sipa. Yung iba nangtitrip ng kapwa nila estudyante at may mga grupo ng babae na masama ang tingin sa akin!

Hala! Ano ba ang ginawa ko? Nakatayo lang naman ako dito. Napalunok ako, pinaka-ayoko sa lahat ay away. Hindi na ako magugulat kung may mga babaeng matatapang dito. Jeez! Help!

Cav's POV

Prenteng prente ang pagkakasandal ko sa waiting shed sa quadrangle. napansin kong nakapasok na ng gate si Gab at si Jasmine. Napansin ko ang paglaki ng mga mata ni Jasmine, na parang ngayon lang nakakita ng ganitong environment. Palinga linga rin siya habang tinitignan ang kanyang paligid.

Parang hindi siya sanay. May napansin akong kakaiba kay Jasmine, ibang iba sa isang normal na tao. Bumakas ang takot sa mga mata niya, sinundan ko ang tinitignan niya. Masama ang tingin ng grupo ni Kaila kay Jasmine. Hindi ko masisi si Kaila dahil siya ang tinaguriang pinakamaganda sa school na 'to pero pagkakita kay Jasmine ay mukhang magbabago na yon dahil Jasmine is way beautiful than her.

Tumayo na ako para ilayo si Jasmine sa grupo ni Kaila nang may biglang humatak na lalaki kay Jasmine! Nagkibit balikat nalang ako at bumalik sa pwesto ko sumandal uli.

Jamine's POV

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Palapit na ng palapit ang grupo ng mga babae sa akin. Paling linga ako sa paligid, naghahanap ako ng pwede kong takbuhan pero hindi ko pala kailangan yon dahil may humatak na sa akin papalayo.

Hawak ng lalaking ito ang kamay ko. Habang tumatakbo kami ay likod lang niya ang nakikita ko, nang nasa banda na kami na wala na masyadong tao ay tumigil na kami sa kakatakbo at humarap na siya sa akin.

Akalain niyong may pogi pala dito, well, isa na doon si Kuya Cav pero may isa pa pala. Ilan pa sila? Hahaha. Ano ba naman 'tong iniisip ko.

"Salamat." sabi ko nalang.

Ngumiti ito. "Walang ano man. Bago ka lang dito noh?" Naglabas ito chuckie mula sa bag nito. "Gusto mo?" Alok nito, umiling ako.

"Ganun talaga ang grupo ni Kaila sa tuwing may nakikita silang mas maganda sakanila." Tumawa ito habang sumusipsip sa chuckie. "Ano pala ang pangalan mo? Ako si Kenz, Kenzuke Ramirez. Wala akong lahing hapon trip lang nanay kong bigyan ako ng astig na pangalan."

Napangiti ako sa sinabi ng lalaking 'to. Mukhang nakahanap ako ng kaibigan. "Ako si Jasmine Vera.  3rd year." Napansin ko kumunot muna ang noo niya bago ngumiti.

"Nice! Pareho pala tayo. 3rd year rin ako eh." Magsasalita pa sa siya nang magring na ang bell. "Tara na, makilinya na tayo."

Pumunta na kami ng quadrangle at nakilinya sa linya ng mga 3rd year students. Nakita ko si Kuya Cav na nakatingin rin sa akin. Nginitian ko lang siya at humarap na sa teacher na nagsasalita sa harapan.

Don't forget to VOTE and Leave a COMMENT :)) \m/

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Life (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon