Chapter 02~

45 1 6
                                    

"Ayan, nakahanap na ako ng pamilyang tatanggap sa'yo." Pinakita niya sa akin ang kung ano anong papel tungkol sa magasawa.

"Paano ako titira sakanila?" Kailangan ko talaga ang tulong ni Yvann para maisakatuparan ko ang mini adventure ko.

"We'll do a little acting dear, yang magasawa na yan ay sobrang bait. May minsan na silang tinulungan at pinatira sa bahay nila dahil pinalayas daw at walang ibang mapuntahan. So, kung magpapanggap kang walang matitirahan baka patirahin ka sakanila." humigop si Yvann ng iniinom na frap bago nagsalita uli.

"For your parents, nakapagpaalam na ako na sa amin ka muna and they agreed."

"Nakipaghigh five ako sakanya. "Ang galing mo talaga bruha. So, kailan tayo magstart?"

"Bukas. Don't bring too much stuff because you will act as iif nasunugan ka. Oh! and here." Inabot niya sa akin ang isang lumang init ng cellphone. "Give me your iphone." Wala akong nagawa kundi ang isurrender ang phone ko.

"Okay!" Masayang sigaw ko. "My mini adventure, this will be fun!" pumalakpak ako.

Tinignan ako ni Yvann, seryosong seryoso ang mukha. "Do you really have to do this Jas?"

Tumango ako. "Remember to call me if you need help, okay? Naksave na diyan ang number ko at ang number ng parents mo."

Inikutan ko siya ng mata. Pati ba naman number ng parents ko? "Sure thing! Wag ka masyadong magalala sa akin. ako pa!"

"Ikaw nga yan eh kaya nagaalala ako. You tend to do things na kakaiba!"

Nginitian ko siya. Sa sobrang adventuous ko, kung ano ano ang naiisip kong gawin.

\//\\//\\//\

"Wala pa ba sila?" Alas nwebe na ngg gabi. Kanina pa kami naghihintay ni Yvann na dumating ang magasawa galing ng trabaho.

"Excited masyado? Chill lang girl." Tinatanaw tanaw niya ang paligid kung andyan na ang magasawa. "Oh my G! Og my G! Ayan na sila Jas! Handa ka na ba?" Tinitigan ako ni Yvann na punong puno ng pagaalinlangan.

Tinitigan ko siya tsaka ngumiti. "Handang handa na." Tumango lang si Yvann at tinulak ako palabas ng pinagtataguan namin.

Sa lakas ng tulak niya ay napadapa ako sa lupa. Patagong tinitigan ko siya ng masama tsaka ako tumingala. Naaawang nakatingin sa akin ang magasawa.

"Diyos ko. Okay ka lang ba hija? May sugat ka!" Sa sinabi ng babae sa akin ay napatingi ako sa mga kamay ko. Nagkaroon ako ng gasgas dahil sa pagkatulak sa akin ni Yvann.

Patago ko ulit siya tinitigan ng masama. Nagpeace sign lang ang bruha. Umiling ako at napaluha. Dito ko na malalaman kung may talent talaga ako sa pagarte.

"Pasensya na po kayo. Medyo tuliro pa po siguro ako. Nasu...nugan po kasi kami." Tumulo ng tumulo ang mga luha ko. "Hindi ko po alam kung saan ako pupunta, wala na po akong kamaganak. eh."

"Nasaan ang mga magulang mo hija?" Tanong ng matandang lalaki.

Umiling lang ako. "Hindi ko po alam. Hindi ko na po sila nakilala."

Nagkatinginan ang magasawa. Mukhang pasado ako. "Tumayo ka na diyan hija. Tayo na sa bahay para magamot ko na yang sugat mo." Itinayo ako ng matandang babae at naglakad na kami.

Lumingon ako sa likod para tignan si Yvann, nakangiti siya sa akin at nagthumps up. Mukhang mission accomplised kami ah.

\//\\//\\//\

"Lola!" bati ng isang batang lalaki na mukhang nasa 7-8 yrs old palang. Napangiti ako dahil napakabait ng bata. Hinalikan agad niya sa piksi ang magasawa.Pero napansin ko na wala kang mababakas na ngiti sakanyang mga labi.

"Sino po siya?" Tanong ng bata sa kanyang lola pero sa akin nakatingin.

"Kaibigan ng lola mo Gab, nasugat kasi siya kaya gagamutin namin." pumasok sa isang kwarto ang matandang lalaki.

"Ang ganda mo po Ate!" Sabi nito ng walang ngiti sa labi. Ang weird naman ng batang 'to. Hindi ba marunong ngumiti.

Umupo ako para mapantayan ko ang height ni Gab. "Talaga? Ikaw rin ang cute cute mo." Tsaka ko pinisil ang pisngi niya. Ngumiti ang bata.

"Oh! Mas cute ka pala pag nakangiti!"Napansin kong nagulat sa tabi ko ang matandang babae. Nagtaka man, hindi ko nalang masyadong binigyan ng pansin.

Tumakbo na sa may tv ang bata dahil mukhang magstart na ang cartoon na pinapanood nito.

"Halika na hija. Gamutin na natin yang sugat mo." Dinala ako ng matanda sa kusina. Kumuha ito ng alcohol, bulak at band aid.

Napapangiwi ako habang pinapahiran ng matanda ang mga sugat ko. "Alam mo bang ngayon ko lang nakitang ngumiti si Gab."

"Po?" Nagulat ako sa sinabi ni Lola. "Bakit naman po?" Parang hindi ko ata kayang paniwalaan yon lahat ng bata ay ngumingiti dahil mababaw ang kaligayahan ng mga ito.

"5 years old siya nang iwan siya sa amin ng anak namin. Ang sabi ay babalikan rin sila pero hanggang ngayon ay wala pa." Nalungkot ang mga mata ni Lola.

"Sila po? May kapatid po si Gab?"

"May kuya siya si Cav. Isa pa ang batang yon na hindi marunong ngumiti. Mabilis uminit ang ulo. Hindi nga namin alam ng asawa ko kung saan kami nagkulang sa 3 taon nilang kasama kami."

Hinawakan ko ang kamay ni Lola. "Baka po namimiss lang nila ang mga magulang nila na hindi nila nakita ng 3 taon Lola." alam ko yon dahil ganun ako. Hindi ko nakikita ang mga magulang ko kaya malungkot ang buhay kahit na sa akin na ang lahat.

"Siguro nga hija. Pero salamat sayo at napangiti mo si Gab." Mababakas ang saya sa mga mata ni Lola.

"Si lola talaga, wala naman po akong ginagawa eh. Baka po nagandahan lang sa akin kaya ngumiti." Pagbibiro ko at natawa naman si Lola.

"Kung ganun, sana mapangiti mo rin ang binata ko sa ganda mo." Ngumiti lang ako sa sinabi ni Lola.

"Kung wala kang mapuntahan dito ka nalang muna. may bakante pa namang kwarto diyan." Mas lumaki ang pagkakangiti ko. Tama nga si Yvann, mabait sila.

"Talaga po lola?" Niyakap ko siya. "Maraming salamat po!"

"Ano pala ang pangalan mo hija?"

"Jasmine po. Jasmine Vi-"Napatigil ako. Hindi ko pwedeng gamitin ang last name ko. "Jasmine Vera po."

That Life (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon