1: Best of Both Worlds

7 0 0
                                    

1 : Best of both worlds

HER POV

"Aba't tignan mo nga naman. Mukhang sinuswerte talaga ko ngayong araw na ito! Isang malaking karangalan ang makasalubong ang leader ng blacksky. Makakaganti na rin ako sayo black princess! Mga bata, sugurin niyo na!"

Malas! Kakagaling ko lang sa 'Eagle' para turuan ng leksiyon yung mga nanggulo sa amin ng isang araw. Pagod na ko pero narinig ko nanaman yang black princess na yan! Sino ba kasing nagpangalan sa akin niyan?! Ang pangit! Ugh.

Sabay sabay nila akong sinugod pero ayos lang, mukhang hindi naman magagaling itong mga ito. Hinatak ko yung braso nung isang akmang susuntukin ako tsaka ko siya sinikmurahan, kadiri nga eh, natalsikan ako nung dugong naggaling sa bibig niya.

Napansin ko namang hahatawin ako ng isang metal rod nung nasa kanan ko kaya hinagis ko na yung sinikmurahan ko sa kasamahan niya na natumba rin dahil sa lakas ng pagkakahagis ko. Pinigilan ko naman agad yung metal rod at agad sinipa siya, mukhang may natamaan pa siya dahil dalawa silang bumagsak.

Ang masaya ngayon, nasa akin na yung metal rod kaya mukhang natakot naman yung iba. Pero, may mga matitigas talaga ang ulo na ayaw magpaawat, katulad ng isang ito. Sumugod siya ng may hawak na isa pang metal rod at balak pa ata yung gawing espada. Umiwas naman agad ako sa tira niya at malakas siyang hinataw sa tagiliran.

"O ano na?" I showed them my favorite smirk. Yung smirk na nagpapakitang 'sumuko na kayo, wala kayong laban sakin' which obviously, ang pinaka ayaw ng kalaban

"Mga walang kwenta! Tumabi nga kayo! Ako na lang lalaban sa kanya!"

Wala na kasing lumalapit. Malamang ay natakot na dahil medyo malakas yung pagkakahampas ko dun sa huli. Kaya yung leader na nila yung gustong sumubok, sumubok matalo. Kilala ako sa mundo ng mga gangs. Yung mga gangs na naghahanap lang ng gulo at away para sa ikasisiya nila. At hindi ako ganon.

Okay, medyo ganun din yung pagiisip ko kasi sa mga away ko lang naman nalalabas ang mga nararamdaman ko. Marami akong alam sa martial arts, siyempre paano ako makakasurvive sa ganitong environment kung wala akong alam sa pakikipaglaban. Malakas ako, kaya nakabuo ako ng sariling gang.

Actually, hindi ko idea ang magkaroon ng gang. Idea itong lahat ng isang kaibigan ko sa dalawang pagkatao ko. Katulad nung mga alalay niya, patakbo rin siyang sumugod, may metal rod din siya na kinuha niya dun sa sinipa ko kanina. Tss.

Tinapon ko yung metal rod na hawak ko sa isang tabi. Mukhang nagulat silang lahat sa ginawa ko pero patuloy pa rin ang pagsugod nung leader nila. Tumakbo ako papunta sa kanya, bumuwelo siya para mahampas niya ako pagdating ko sa harap niya.

Ang dali niyang mabasa. Agad niya akong hinampas ngunit nakaiwas agad ako, umupo ako at pinaslide ko yung right foot ko sa paa niya kaya natumba siya. Kinuha ko yung metal rod sa kanya. Inapakan yung dibdib niya at akmang hahampasin siya. Halata sa itsura niya ang pagkatakot kaya sinamaan ko lalo ang tingin ko sa kanya. Ginalaw ko na yung metal rod nung hahampasin ko na yung mukha niya kaya napapikit siya.

Pero tinigil ko lang yun sa tapat ng mukha niya, inalis ko na rin yung pagkakaapak ko sa kanya kaya napamulat agad siya. Halata ang gulat sa mukha niya.

"B-Bakit hindi mo itinuloy?" nagtatakang tanong niya.

"Value your life more. Aminin mo sa sarili mo na ayaw mong mamatay. Pinikit mo ang mata mo kanina kasi natatakot ka na baka iyon na ang huli. Hindi ko ugaling pumatay. Nananakit ako, oo pero hindi umabot sa paninira ng buhay ng iba."

"Alam kong malakas ka. Inaasahan ko na matatalo kami. Kaya lang, gusto ko lang talagang makaganti sa pambubugbog ni Thunder sa mga kasamahan ko"

"A-Ano?!? Bakit?!" Lintik na thunder yan. Pahamak!

Double Identity [slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon