Chapter 4: James' Secret

211 20 5
                                    

Emily's POV

Agad lumapit sa akin sina Alex at Ella para makinig sa sasabihin ko. Nagdadalwang isip ako kung sasabihin ko ba talaga sa kanila o hindi eh. Feeling ko may masamang mangyayari pagsinabi ko chos.

"Ano ba Natsu kanina pang nangangalay ang paa ko dito, sasabihin mo ba sa amin o sasabihin mo?" Alex.

"Ok sige sasabihin ko na nga sainyo." Huminga ako nang malalim tsaka ulit ako nagsalita.

"Crush kasi ng kapatid ko itong si Danica. Hindi ko lang alam baka nga mahal na ng kapatid ko eh." Ako, nagtinginan silang dalawa at napairap na lamang si Alex.

"Jusko akala ko naman kung anong sasabihin mo. Matagal ko ng alam na may gusto yang kapatid mo kay Danica. Nakalimutan mo na bang sinabi mo na yan sa akin dati?" Alex.

"Ang daya niyo talaga kayong dalawa lang talaga ang nakakaalam. Isama niyo naman ako kapag may alam kayo." Ella, nagpout siya at kumunot ang noo.

"Ay oo nga pala nakalimutan ko na XD." Sabi ko kay Alex. "Lagi ka kasi nakakaisip ng kalokohan kapag may nalalaman ka eh." Sabi ko naman kay Ella.

"Kung makapagsalita ka naman parang hindi ka nagawa ng kalokohan ah?" Ella.

Naputol ang usapan namin nang dumating na sina Danica at James.

Danica's POV

Nakita kong nakakumpol sina Emily nang makarating kami ni James. Bigla akong nakaramdam ng masamang feeling nang nakita ko silang nagulat sa pagdating namin.

"Anong ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila.

"Wala~Kamusta ang paglilibot?" Alex.

"Paglilibot?" tanong ko sa kanila.

"Slow mo talaga. Wag na nga umuwi na lang tayo gabi na rin naman." Alex.

"Teka lang naman muna akala ko ba mag-aarcade tayo pagkatapos niyong gawin ang mga gusto niyo?" Emily.

"Geh, mag-arcade kang magisa at uuwi na kaming lahat." Alex.

Napatawa na lang ako kina Alex at Emily. Naglakad na kami papuntang parking lot para kunin ang sasakyan ni Alex. Tumingin ako ng konti kay James para makita ko ang mukha niya.

Nakita ko siyang nakatingin sa akin kaya iniwas ko agad ko agad ang mga mata ko sa kaniya. Hindi ko talaga makalimutan yung kanina >.< nakakagulat naman kasi.

>Flashback<

Pumunta agad akong CR dahil patay ako kay Alex pag-nakita niya ako hehe baka paghahampasin na naman niya ako. Nakakatakot kasi maasar si Alex pero nakakatuwa at the same time ang gulo ko noh?

Nang makarating ako ng CR, nag-ayos ako ng konti kasi nagulo ang buhok ko sa pagtakbo ko. Nandun na kaya sila sana wala pa, naglabas na rin ako ng tubig bago ako umalis.

Nang matapos na ang ipinunta ko sa CR syempre lumabas na ako.

Teka si James...ba yun? Anong gagawin ko kinakabahan ako. Wait, ang pinakamagandang gawin ko ay act normal. Magkukunwari na lang akong hindi ko siya nakikita.

"D-Danica!" James.

Teka ako ba tawag nito? Baka naman iba hindi lang naman ako ang Danica dito sa mundo diba. Wait papunta siya dito sa direksyon ko, so meaning ako nga talaga tinatawag niya. Anong gagawin ko kinakabahan ako.

Ayan na siya, ok lang naman ang itsura ko. Hindi naman ako nag-amoy CR, hindi naman ako mukhang haggard. Hindi kaya ko to, GO DANICA!

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.

"Wala napadaan lang ako." sagot niya sa akin.

Matapos nang usapan na yun hindi na ulit kami nagsalita. Ang awkward ng atmosphere hindi ko na kakayanin to parang gusto kong umalis pero parang ayaw ko din. Anla naguguluhan na ako.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ang alam ko kung saan siya pumunta automatic yung paa ko sumusunod din sa kaniya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at nahalata ko na papunta ulit ako sa may kainan na pinili ko. Nang medyo papalapit na kami may inabot siya sa aking maliit na pack at binasa ko kung para saan yun.

'Para sa sakit ng tiyan'

Tumingin ako sa kaniya pero inawas niya agad ito kaya binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa daan.

"Salamat." Pabulong kong sinabi sa kaniya. Tumungo na lamang siya at hindi tumingin sa akin.

Binili niya ba talagang tong gamot na to para sa akin. Hindi naman masakit ang tiyan ko ah pwera na lang kung...ELLA!

Yung babae talagang yun nakahanap na naman ng mapagtitripan. Pero kahit na, para sa akin? >.< kyaa~

Feeling ko namumula ako, ang sweet talaga ni James. Lalo lang tuloy akong na...babaitan sa kaniya chos.

>End of Flashback<

"Anong nasa isip mo? Nalipad na naman yang utak mo?" Emily.

"Wala tara na lang sumakay sa kotse. Ito nga pala oh." Binigay ko sa kaniya ang candy kasi alam kong naliliyo siya sa mga sasakyan.

Hindi ko lang talaga makalimutan yung kanina. Alam ko namang ginagawa niya talaga yun dahil mabait siyang tao pero pag ganun siya kabait sa akin. Feeling ko ano...yung ano...ah basta alam niyo na yun.

Sumakay na kaming lahat sa kotse ni Alex maliban kay Paul dahil iba ang daanan ng bahay niya. Nasa unahan si Emily katabi ng driver's seat at kami tatlo ang nasa likod nina Ella at James.

Nasa gitna nila ako dahil ayaw ko sa may bintana dahil nauumpog lang ako. Ang saya ng araw na to pero ano kayang mangyayari bukas. Buti na lang Friday ngayon walang pasok bukas.

Sarap ng tulog ko nito mamaya.

Itutuloy.

--------
Kamusta po ba ang New version ng chapter na to Cuties? Mas maganda pa o pumangit?
Let me know in the comments kung ano sa tingin niyo. Don't forget to vote.

And as always

Hope you enjoy that chapter,

Thank you for reading.


Bakit Ba?! (ON-GOING SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon