Otaku ~ 6

123 15 9
                                    

Emily's POV

And here I am, about to change my clothes but instead my life change.

A boy wearing black shirt and a plain pants with nike shoes, barged in to my room without even my consent to enter.

Currently, the situation we're in is what may others called "THE AWKWARD MOMENT."

I don't even know if I should scream right now or remain silent.

Naramdaman ko na lang na uminit ang buong katawan ko, lalo na sa parteng mukha ko.

Dahan dahan kong tinakluban ang katawan ko gamit ang damit na hawak hawak ko.

"Ah, hehe ahm...SORRY!" Ayun na lamang ang nasabi niya at agad niyang sinarado ang pintuan ko.

Hindi pa masyado nagsisink-in ang mga nangyari sa utak ko dahil masyado mabilis ang pangyayari para sakin.

Hindi ko aakalain na sa lahat ng makakakita sa akin GORGEOUS BODY ay siya pa.

PAUL DONATO the fvck.

Fvcksake! Nakakainis tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nang pinagmasdan ko ito, sobrang taba ko pala! Hindi man lang ako nakapagstomach in oh!

Hindi naman ako confident sa katawan ko noh. Siguro nasa isip niya ngayon na ang taba taba ko. Bakit kasi hindi ko mapigilan kumain ng kumain >~<

Wait hindi ito yung issue dito. Isinuot ko ang kulay itim kong shirt na may sign ng fairy tail sa gilid, ripped jeans and my jordan shoes at tumalon sa kama ko.

Humiga ako at kinuha ang plushie kong si Naruto. Para nga akong timang dito dahil kinausap ko pa si Naruto.

"Totoo kaya ang sinasabi ng ibang tao Naruto o di kaya yung mga napapanuod ko na kapag may nakakita sayo na hubad at hindi mo kaano ano ay mabubuntis ka?" Nanginginig kong niyakap si Naruto.

"Paano ko na lang to ipapaliwanag kay mama at kay kuya? Nawala ang pagiging inosente ko ng hindi manlang ako handa! Ano ng gagawin ko Naruto? Tulungan mo ako. >.<"

Napaluha ako ng konti dahil humikab ako at lalo ko pang hinigpitan ang hawak ko kay Naruto.

Gusto ko pa man din kapag nagka-asawa ako o kahit manlang boyfriend eh sa taong mahal ko tulad ni Naruto.

Grabe ni hindi nga manlang ako nagkaroon ng REAL LIFE boyfriend puro kasi anime ang boyfriend, jowa, syota, fiancé, asawa, kabit kahit ano pang tawag kapag may karelasyon. Ang ga-gawapo kaya kahit hindi sila totoo T~T

Bakit kasi kung sino pa yung mga gwapo at pinapangarap ko yun pa yung mga FICTIONAL.

Anyways, gusto ko rin yung voice actor na lang ni Naruto okay na. Kapal din ng mukha ko eh noh. Tsaka libre lang naman ang mangarap ah.

Ay tangi, babae nga pala voice actor ni Naruto T-T lecheng buhay naman to oh.

Hindi ko agad to masasabi kina mama at kay kuya. Hihingi muna ako ng payo kay Yukki kung anong dapat kong gawin.

Tumayo ako sa kama ko at bumaba na sa lungga ko. Sa bawat hakbang ko nagdadalwang isip ako kung buntis ba talaga ako o nasobrahan lang panunuod ko sa anime?

"Hey Ate! Wassup wassup yow! Tara na punta na tayo sa mall. Bakit ba ang tagal mong magbihis? Hindi ka naman ganan katagal pumili ng damit ah?" Bungad sakin ni James.

Hindi ko siya pinansin at dere-deretso akong lumabas ng bahay para makapunta na kaagad sa mall kung nasaan sina Yukki.

Sa labas ng bahay namin, merong sasakyan na kulay black ang nakaabang saamin kaya nagtaka ako kung kanino yun.

Bakit Ba?! (ON-GOING SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon