Chapter 1: He's Weird

320 20 9
                                    

Emily's POV

Sinumalan ko ang araw ko sa pagdadala ng mga libro at ilang papel papuntang faculty. Inutusan kasi ako ng homeroom teacher namin na dalhin ko ang mga ito para kay Ms. Reyes.

Ilang floor lang naman ang agwat ng classroom ko sa faculty. Siguro mga 2 floors LANG naman, laki kasi ng school na to. Himala na lang din na nakapasok pa ako dito.

Hindi niyo alam kung anong klaseng pagsusunog ng kilay ang ginawa ko para lang makasama ko ang mga barkada ko kasi nga walang iwanan. Ang laki din na naging tulong ng mga barkada ko. I'm so lucky to have them.

"Emily."

"Dude!"

"Natsu!"

Speaking of the devils.

"Saan punta mo, library? Samahan na kita?"

Siya si Ella Bellen,a bookworm but not the quiet one. Matalino siya sobra unlike me an average and a little mature than the rest of us. Sa kagustuhan kasi nilang tatlo na makasama ko sila sa Teiko high, nagplano sila nai-tutor ako ng mano-mano.

"Ayan, pupuntang library? Pff, mga imagination mo talaga Ella! May kalokohan siguro yang gagawin, may papel may libro. Sino ba ang pagtitripan natin?"

Siya si Danica Atienza, kasabwat ko sa mga kalokohan ko. One thing that's annoying? Ang boses niya, ok lang naman yung madaldal kasi madaldal din naman ako pero siya. On a whole different other level ang boses niya.

But she's nice in her own way, sadyang maingay lang talaga but still love her.

"Guys bulag lang ba kayo or sadyang slow? Si Natsu ba yung tipo ng babae na magdadala na lang libro? My guess is she's helping someone again."

"Salamat Yukki, ikaw lang talaga nakakagets sa akin. Dadalhin ko po kasi tong mga to sa faculty." sarkisto kong sabi sa dalawa habang pinapakita ang hawak ko.

Siya naman si Alex Alvarez, the total opposite of me, siya ang pinakamaganda dito sa school namin. She is popular with the boys, so you can call her a queen bee. She is kinda bitchy but I still love her for who she is. She is my best friend for like, I don't know 14 years? She is always by my side in sadness or happiness. I think no one can ever replace her.

As you just read, tinawag niya akong Natsu at tawag ko naman sa kaniya ay Yukki. Sa sobrang adik ko sa anime medyo natututo na ako ng ilang Japaneses words. Natsu means summer while Yukki means snow. Unique nuh?

"Ah sige mamaya na ulit tayo magkikita-kita sa classroom." paalam ni Danica.

Naghiwa-hiwalay rin sila ng lugar na pupuntahan. Sure ako na si Alex ay sa cr, si Danica naman ay pupuntang canteen, habang si Ella naman ay tatambay sa library para magbasa.

Tsk hindi ko naalala na sabihin na tulungan nila ako sa daladala ko. Hayaan na nga kaya ko naman nakakatamad lang talaga.

***

Nang makarating ako sa faculty, feel na feel ko ang tension sa loob. Para bang lahat ng teachers nakatingin sa pintuan kung nasaan ako.

Bago pa man ako makakatok sa pintuan, nagsalita ang isa sa mga teacher sa loob ng faculty.

"Ikaw ba yan, Ms. Calderon?" seryosong tanong ng teacher.

"Opo."

"Ilagay mo na lang yang mga yan sa may bintana." nilagay ko naman agad ang mga hawak ko sa bintana sabay nag speed-walking papalayo.

Nakakatakot talaga sa faculty pero iba ang ugali ng homeroom teacher naming kaysa sa ibang guro. Bakit ganun?

Shiete! Male-late na pala ako sa klase namin. Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa medyo napapatakbo na ako kaya medyo maaga-aga pa ako ng konti.

Bago pa man ako makapasok ay inaayos ko muna ang sarili ko at alam kong haggard na haggard na ang cute kong mukha, chos. Nakarinig ako ng tapik ng sapatos sa kanan ko kaya napalingon ako sa direksyon na yun at para bang papalapit siya sa akin.

Nakita ko ang isang lalaki na nakatungo habang naglalakad , naka-jacket siya na kulay black at nakalagay naman ang hood niya sa ulo niya. Nakalagay ang mga kamay niya sa pocket niya, teka nga muna snatcher ba'to!

Inangat niya ang ulo niya dahilan para mapatingin ako sa mga mata niya. Nagkatitigan kami nang matagal hanggang sa nag-ring na ang bell kaya pumasok na ako sa classroom ko.

"Problema nun." bulong ko sa sarili ko. Buti na lang wala pa yung susunod naming teacher.

"Natsu ano bang ginagawa mo? Muntik ka na naman malate. Dito ka na nga dali." naiinis na salubong ni Alex sa akin.

Magkakatabi kasi kami nila Alex,wait paano ko ba to ipapaliwanag. Parang ganito ang mga posisyon naming oh:

Student-Student-Someone I know-Vacant <space> Me-Alex-Danica-Ella

Hindi talaga kami mapaghihiwalay, tamo pati sa upuan magkakatabi pa rin kami.

"Go to your seats class, I would like to introduce you to someone."

Tumayo lang naman ang halos lahat naming kaklase maliban sa aming apat.

"Please come in Mr. Donato."

Pumasok naman agad ang isang matangkad na lalaki. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko dahil siya yung parang snatcher kanina.

Itutuloy...

---------

Ano po sa tingin niyo Cuties ang new version? Maganda po ba? Comment po kayo kung may errors.

And as always,

Thank you for reading

Hope you enjoy.

Bakit Ba?! (ON-GOING SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon