"AAAAAAAAAAHHHHHHH!"
"Bwahahahaha! Ang sarap sa tenga ng sigaw ng mga tao!" sabi ng matangkad na lalaking naka pulang kapa. Pula rin ang mga mata nito, kagaya ng kanyang mga kasama.
"Mama!" sigaw ng batang babae. Nilapitan siya ng babaeng katabi ng naka kapang lalaki.
"Si Rona ba ang nanay mo?" tanong nito sa bata. Tumango ito, ni hindi man lang natakot sa tila dugong kulay ng mata ni Eliana.
Ngumiti si Eliana. "Mateo! Heto ang anak ni Rona at Leo!" sigaw niya sa lalaking naka kapa.
Lumapit si Mateo sa kanya. "Siya? Tingin mo isa siya sa atin?"
"Maaaring kabilang siya sa walang kuwentang Defenders. Pero naunahan natin si Leo. Kaya atin siya," nginitian nito ang bata.
"Nasan po ang mama ko?"
"Dani!" sigaw ng babaeng may mapula ring mata sa di kalayuan.
"Mama!"
Tumayo si Eliana upang lingunin ang babae. "Rona! Andyan ka pala, nandito ang anak mo." Ngumiti siya.
"Bitiwan nyo siya!" sigaw nito.
"At ano, Rona?" sabat ni Mateo. "Isusuko mo sya sa mga Defenders? Hangal ka na rin ba gaya ng kalaguyo mong si Leo?"
"Hangal na kung hangal," sabi nito habang papalapit. "Pero hindi ko hahayaang mapunta siya sa kamay ng angkan natin!" Sinugod nito ang dalawa. Ngunit palapit palang siya ay bigla siyang nanghina at natumba.
Nakita ni Dani ang pag ilaw ng mata ni Eliana. Pula.
"Wala ka nang silbi bilang prinsesa, Rona," sabi nito.
Natakot si Dani kaya tumakbo siya palayo.
"Dani?" sabi ng isang lalaki.
Sa layo ng tinakbo ni Dani ay nahimatay siya sa harap ng lalaki. Pero bago siya pumikit ay nakita niyang itinaas ng lalaki ang kanyang kamay at natumba ang ilang mapupulang matang nasa paligid.
"Ligtas ka na, anak."
