Sige Marie Claire, takbo pa!
Sabi ko sa sarili ko habang hinihinggal na nag-ja-jogging sa may Burnham Park. Sa bandang huli, bumigay ang katawan ko at lumagpak sa lupa. At seryoso ako doon. Yung tipong parang hinimatay ako at napahiga sa may damuhan. Thank God na lang at walang paki ang ibang nag-ja-jogging.
Maaga pa ng mga oras na iyon. Wala akong kasama. Solo flight, kung baga.
Inaayos ko ang sarili ko at humiga ng maayos sa damuhan. Tumingala lang ako sa kalangitan. Para atang uulan. Napasimangot ako. Ba't ba kung kailan na malapit ang summer eh biglang nagpaparamdam ang masamang panahon. Umupo ako mula sa pagkakahiga ng mapansin na may palapit na pibull sa akin. Peste! Malaki rin yung pitbull ah. Nang mapansin na seryosong lalapitan ako ng pitbull, tumayo ako at tangkang tatakbo pero kung minamalas, tumakbo papunta sa akin yung pitbull at tumalon sa akin.
Alam mo yung tipong binato ka ng isang sakong bigas? Ah... okay never niyo pang na-experience? Okay... basta yung tipong may humambalos sa'yong isang sakong bigas? Ganun yun naramdaman ko. Sa bigat ng aso napahiga muli ako sa damuhan. At sa minamalas ako ng bonggang-bongga, dinilaan pa ang mukha. Laway overload. Eww...
"Hala, sorry po," narinig kong boses ng isang babae ng unti-unting maramdaman na umalis ang pitbull.
Tumingin ako sa nagsalita. Wow! Chinita, impernes. Tumayo ako. Hawak-hawak niya ang tali ng aso. Nakatingin pa rin sa akin ang pitbull at parang may balak akong atakihin any time pag pinakawalan uli siya ng amo niya.
"Ayos lang 'te," sagot ko sabay ngiti at lalakad na sana palayo ng magsalita muli yung babae.
"Ay wait lang po, may nagpapatawag po pala sa inyo doon, inutusan po kasi ako ng mama roon na papuntahin kayo," sabat niya sabay turo sa may malapit sa Burnham Lake.
Siyempre napatingin ako. Tinuro ng babae ang isang bangkahan na puros ata pato ang design. Pagtingin ko doon, napansin ko agad ang isang pamilyar na imahe: si Xander. Tumango na lang ako sa babae at nagpasalamat. Tinapik ko naman sa ulo yung pitbull, pero sa totoo lang, sa loob-loob ko, maghanda ka aso ka!
So, I go there. Nakangiti si Xander sa aking paglapit. Di ito nagsalita at tinulungan na lang akong sumakay sa isang bangka na de-padyak na inarkilahan niya. Oo, de-padyak yung bangka, para lang bisikleta. Kung di ka pa nakakita, punta ka dito para makita mo. So going back, habang nagpapadyak kami, isang awkward silence ang namagitan sa amin.
Well, di pa namin napag-uusapan yung nangyari sa may 'Fire Exit'. Awkward kaya... at saka medyo nakakahiya. Oo... memorable, pangit nga lang dahil sa Fire Exit yung first kiss ko, pero ayos na rin.
"So," narinig kung simula ni Xander, "Narinig ko na lalabas daw kayo ni Prince. Pupunta daw kayo sa Botanical mamaya."
Tumango na lang ako. Kahapon kasi inanyayahan ako ni Prince na mamasyal muna. Sabi niya, may sasabihin rin siyang importante. Napapa-isip tuloy ako kung ano iyon. Don't tell me tatapusin niya na yung kwento ng Beauty and the Beast. Hay naku! Di ko na sila maintindihan, pati si Xander. Hinalikan ako tas di pa e-explain kung bakit. So, landi lang kuya? Si Prince naman, di ko maintindihan ba't niya kwinento sa akin ang Beauty and the Beast. At, oo nga pala, sabi ni Xander sasabihin niya na kung sino si Bobby O, eh kailan pa? Peste naman oh!
"Oo, mamasyal kami. Tas susulitin ko na rin at nandito tayo sa Baguio," sagot ko habang nagpapadyak pa rin.
BINABASA MO ANG
Hunting Bobby O.? [COMPLETED]
Acak(Inspired by Bob Ong's unknown identity) Si Marie Claire Baguio, isang ordinaryong babae na panlaban lang sa buhay ay ang boring niyang buhay. Bukod doon, ang pinakaproblema niya ay ang sobrang OA na magulang niya na halos di na siya ipalapit sa lal...