Tinignan ko muli ang natanggap kung e-mail.
Sandali... hindi naman siguro spam.
Legit naman yung sender.
"Oi," narinig kong sabi ni Charlotte. Nasa kabilang cubicle siya, nakadungaw sa akin at pinagmamasdan ang mukha ko. Nakapatong ang kaliwang braso niya sa manipis na kahoy na naghihiwalay sa cubicle namin. Kaming dalawa na lang natira sa opisina. Si Editor Perez nasa sarili naman niyan opisina. Alangan. Anyways, kaagad kong minimize ang window ng Google Chrome ng nakita ko siya. Ayaw ko munang sabihin ang natanggap ko. Wait, alam kong naguguluhan ka rin, pero hintay lang muna.
"Ba't ganyan ekspresyon ng mukha mo?" tanong ni Charlotte, inaamoy ang lansa ng natanggap kong e-mail.
"Wa-wala," sagot ko with stuttering effect, "Naalala ko kasi, di pa ako nagbabayad ng kuryente. Patay ako kina Ma at pa... hahaha." Awkward, halatang nagsisinungaling ako.
Tinignan na lang ako ni Charlotte ng "alam-kong-may-tinatago-ka" face sabay balik sa ginagawa niya. Napabuntong-hininga ako. Pero sa masaklap na pagkakataon, napadighay na rin ako. Kanina pa kasi ako kumakain ng donut at kape. Tinatapos ko kasi ang isang article para sa magazine. Anyways, di ko pa masyadong nai-introduce ang work ko, kaya gagawin ko ngayon. As you all know, writer ako ng isang magazine. Ako ang in-charge na tagapuno ng mga blankong pahina ng magazine na pinapublish namin. Sige, for example, yung issue na i-re-release namin ngayon ay kulang pa ng articles or columns, ako gagawa ng random features pero related pa rin sa topic ng magazine. In short, I'm not one of the permanent writers. Besides that, alalay rin ako ng mga writers dito. Saklap! Si Charlotte, siya ang assistant ng artist/cover magazine designer namin. Minsan feature writer din. Yeah, kami ni Charlotte dito ay alalay, pero pantay lang naman ang tingin nila sa amin, which is Good. Mula kong minaximize ang nakatagong window ng Google Chrome. Akin muling binasa ang e-mail. Di pa rin ako makapaniwala.
Ms. Marie Claire Baguio:
Congratulations!
Ikaw ang napiling DJ Princess! Mula sa limang kontestant na napili, ikaw ang umangat. Sa ibang detalye, muli ka namin i-e-mail at tatawagan.
Radio Station Representative
Siyete! Spam ba ito? Wala pang tawag ah. Aking hiniga ang aking ulo sa keyboard ng kaharap kong computer. Napapa-isip tuloy ako, kung totoo ang na-receive kong e-mail, paano kaya ako napili, eh kung maalala ko, ang bastos ng inasta ko. Hay!
__________________
"Ano, nanalo ka sa kontes na yun? Eh kailan nangyari yung kontes?" tanong sa akin ni Mama habang naghahapunanan kami.
Tahimik uli si Papa na nakikinig. Gusto ko lang ng tahimik na hapunan, pero eto na naman.
"Ma, di ba last week, narinig mo ko sa radyo, may live kaming question and answer portion. Tas after that, di ba ginawa kaming DJ for one hour sa radyo. Tawag ka pa nga ng tawag eh. Tas after that, nagkaroon ng online and text votes. Ako daw ang pinakakonting votes. Buti nga lang 20% lang yun ng judging eh," paliwanag ko sabay subo sa kinutsara kong pinakbet.
"Yun na yun?" nagtatakang tanong ni Mama, "Akala ko naman beauty kontes, eh kailan ka daw babalik sa radyo station?"
"Wala pa silang tawag eh, hintayin na lang natin. At saka Ma, ganun lang yun, di mo ba alam yung title nung kontes, My DJ Princess, di ba?" saad ko habang nginunguya ang natirang ampalaya sa bunganga ko. Ecckk...
"Sa pagkakaalam namin ng Mama mo date daw sa DJ Hansel ang premyo?" si Papa naman ang nagtanong, ubos niya na ang laman ng plato niya.
"Opo," maikling sagot ko sabay subo ng kanin.
"Paano na si Prince?" si Mama naman ang nagtanong.
Natigilan ako bigla. Oo nga, napansin ko, di ko na siya nakikita o kaya naman di na siya tumatawag. Ano kayang nangyari doon? Binalik ko ang kutsara ko sa plato at saka tumayo. Bigla akong nawalan ng gana. Napatingin sina Mama at Papa sa akin.
"Ayos ka lang?" muling nagtanong si Papa.
"Busog na po ako," sagot ko sabay nagmadaling umakyat sa kwarto ko.
___________________
Nakatingin ako sa cellphone ko. Naghihintay ng tawag mula sa radio station o kaya naman kay... Prince. Wag niyo kaagad lagyan ng meaning! Peste, ngayon ko lang siya naalala after many weeks. Nag-iisip kong itetext ko si Prince, pero sa bandang huli tinawagan ko siya. Naalala ko na naka-unlicall lang pala ako. Hehe.
Ring.
Ring.
Ring.
Siyete! Di niya sinasagot. Kung kelan ko na ibaba, doon lang niya sinagot ang tawag.
"Hello," malamyang sagot niya sa kabilang linya.
"Sir Prince, di na kita nakikita sa opisina. May nangyari ba?" kaagad kong tanong.
"Wait, who's this?"
Pagkarinig ko ng tanong ni Prince pakiramdam ko nabuhusan ng napakaraming gallon ng tubig. Totoo ba narinig ko?
Medyo natagalan ako bago nakasagot, "Si-Sir, si Marie po ito." May alinlangan ang aking tinig.
Siya naman ang natahimik. Matagal na katahimikan. Ang naririnig ko na lamang sa kabilang linya ay ang mga taong napapadaan. Sa palagay ko nasa opisina na siya ngayon. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung ibaba ko na ang tawag pero...
"Sir," muli akong nagsalita, "Kakamustahin ko lang sana kayo. mukhang maayos naman kayo... sige ho, ibaba ko napo..."
Pero bago maibaba ang tawag, muli siyang nagalita, "Marie... could we met up? Maybe this saturday?"
Di ko alam, pero ang ulap na umuukopa sa puso ko ay napalitan ng pagkaaliwalas, "Sige ho."
"I'll call you," at saka ko binaba ang tawag.
Di ko alam, pero sa malabong dahilan, pakiramdam ko, napakasaya ko.
___________________
Nagkakape ako sa malapit na coffee shop sa opisina na namin. Hinihintay ko si Charlotte. Sabi niya, may importante siyang sasabihin. Nareceive ko ang tawag ng radio representative kahapon. Nanalo talaga ako. Sa Friday daw ang date namin ni DJ Hansel. Yes! Sa wakas pwede ko na siyang tanungin tungkol kay Bobby O. Sakto na dumating ang order kong kape, siya naman dumating si Charlotte. Hinihinggal ito at may hawak na paper bag ng National Book Store. Pinaupo ko muna siya bago ko siya tinanong kong anong pakay niya sa akin at talagang tinawag pa niya ako sa coffe shop.
"Tignan mo ang laman nito," abot sa akin ni Charlotte ng paper bag ng Bookstore. Nakapa ko, may laman. Malapad na manipis na parihaba. Hinatak ko ang nasa loob. Libro. Medyo nasorpresa ako ng makitang sinong awtor.
"B-Bobby O.! Naglabas na siya ng libro?" medyo napamangha ako.
"Di ba? Di ba? Iyan ang gusto kong ibalita sa iyo. According to summary sa likod ng libro, naglagay daw siya ng ilang hints or clues tungkol sa sarili niya sa librong iyan. Ito na hinihintay natin. Malapit na ang limang milyon sa ating mga kamay," saad ni Charlotte sabay tayo para mag-order.
Ngumiti na lang ako. Kung tutuusin, oo nga naman. Di pa nga niya alam na makakausap ko na si DJ Hansel. Malaking hakbang na iyon. Ayaw ko munang sabihin sa kanya. Gusto ko, ako naman ang may gawin ngayon. Ayaw kong iasa sa kanya lahat. Gusto ko rin naman na maramdaman ang thrill na nararamdaman niya, kahit ngayon lang.
____________________________-
Done... CAn't BeLIeve It!! AtleAST MakaKA-UpDate Na RiN! BAkASyoN nA eh....
LeaVE Any CoMmEnts BeloW aND ShaRe SomE Love!!
Merry Christmas po sa lahat anyways!!
_tagalog_
BINABASA MO ANG
Hunting Bobby O.? [COMPLETED]
Random(Inspired by Bob Ong's unknown identity) Si Marie Claire Baguio, isang ordinaryong babae na panlaban lang sa buhay ay ang boring niyang buhay. Bukod doon, ang pinakaproblema niya ay ang sobrang OA na magulang niya na halos di na siya ipalapit sa lal...