"Good Luck, anak! Aba'y makaka-score ka uli," sambit ni Mama habang kinukuwayan kayo.
This is the night na mag-de-date na kami ni DJ Hansel. Sinundo ako ng radio representative, kaya naka-wheels ang drama ko ngayon. Tuwang-tuwa naman si Mama habang pinagmamasdan akong pumasok ng Toyota Vios na sasakyan ko.
"Ma, ba't ang saya-saya mo? Ang maalala ko eh, allergy ka pag may lalaking aaligid-aligid sa akin. So, Ma, nauntog ka ba?" tanong ko sa Mama ko pagkababa ng bintana ng sasakyan.
Di pa pinapaandar ng radio representative yung sasakyan. Halatang hinihintay matapos ang usapan namin. Sorry aman po.
"Hayaan mo na. Ngayon lang naman Marie, eh. Kaya sulit-ulitin mo na at saka, gwapo rin eh. Sayang naman," palusot ni Mama at saka na rin pumasok sa bahay. Hay naku, di man lang nagpaalam. Pinaandar na ng radio representative a.k.a driver ang sasakyan at kami'y pumunta na.
____*_____*
Ang lugar na ito.
Ito yung restaurant na pinuntahan namin dati ni Prince.
Dito yung first ever date ko na-held.
Dito ko rin unang nakita si Anghel ng Kagwapuhan... este si DJ Hansel.
Nakapagtataka, bakit dito?
"Oi, kanina ka pa tulala?" narinig kong komento ni DJ Hansel sa tabi ko.
Right now, nakatayo kami sa labas ng restaurant. Kung tatanungin mo kong anong ayos ko ngayon, huwag ka, nag-ayos ako ng bonggang-bongga ngayon. Naka-black dress ako na hanggang above knee ang haba. Long sleeves siya at close neck. Ito ang perspective ko sa lahat ng damit, NO CLEAVAGE ALLOWED. Hinawakan ni DJ Hansel ang aking kanang kamay at mahinang hinatak ako papasok. Medyo napamaang ako ng mapansin ko ang suot niya; red knitted sweater at jeans. Oo simple, pero iyon rin ang sinuot niya noong una ko siyang nakita sa restaurant. Nakapagtataka. Baka aksidente lang. Napansin ko rin na napahigpit ang hawak niya sa aking mga kamay, wag mo na lang lagyan ng meaning, baka trip niya lang. Sinundan ng aking mga mata ang bawat kilos niya, para sa akin para siyang sumasayaw.
Pero, ba't di ko maramdaman? Maramdaman yung lagi kong nararamdaman pag nakikita ko siya? Tulad nung nakabanggahan ko siya sa mismong restaurant na iyon, nang nakita ko siya sa radio station, noong narinig ko ang boses niya sa radyo? Bakit di bumabagal ang tibok ng aking puso? Bakit?
"Nandito na tayo," basag ni DJ Hansel sa akin, hinatak niya ang isang upuan, "Have a sit."
Nginitian ko siya nang inalalayan niya akong umupo. Umupo siya sa kaharap kong upuan. Napatingin ako sa palgid. Nagulat na naman ako (Wait lang ha, ba't feeling ko ang seryoso ng monologue ko sa chapter na ito, anyways... moving on) Pamilyar sa akin ang banda ng restaurant na iyon. Malapit ito sa ladies room. Ang parte ng restaurant na iyon ay kung saan kami nagkabanggahan ni DJ Hansel noon. Hindi maari. Naalala niya kaya ako? Namumukhahan niya kaya ako. Ang damit niya, pati na rin ang pabanggong gamit niya ng mga oras na iyon, ang parte ng restaurant, parang bumalik sa akin ang alaala ng nangyari ilang buwan na rin nakakaraan. Di kaya... di kaya... pati siya, naalala niya ako? Kung oo, bakit?
"Bakit iyan ang damit mo?" narinig kong tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Medyo nakasimangot ito. Medyo gulat ang mukha ko nang napatingin sa kanya. Biglang nanlamig ang katawan ko.
"A-anong problema s-sa d-damit ko?" medyo natatameme kong sabi. Napahawak tuloy ako sa dulo ng damit ko, pilit hinahatak pababa.
"Mas gusto ko yung suot mo noon," natigilan ako sa sinabi ni DJ Hansel, "Naalala ko pa, mickey t-shirt yun at saka jeans. Simple pero bagay mo. Eh iyan suot mo, para kang manang sa taas at party animal sa baba."
Nang walang ano-ano'y bumagal ang tibok na puso. Biglang nanikip. Di ako makahinga. Peste! Napatayo ako. Napapalalim ang bawat hinga ko. Napansin ni DJ Hansel ang biglang pag-iba ng kinikilos ko.
"Hoy, ayos ka lang?" tanong niya sabay tangka paghawak sa akin, ngunit pinigilan ko.
"Mag-magpapahangin lang ako," saad ko sabay patumba-tumbang nagmadali palabas ng restaurant.
Di ko alam kong anong nangyayari sa akin. Bakit ako nagkakaganito. Parang... para tuloy akong ewan. Hindi ko na tinitignan ang dinandaanan ko basta, nagmamadali akong lumabas, ng nahagip na ng mata ko ang exit, kaagad akong tumakbo papunta doon, ngunit sa masaklap muling pagkakataon, may nabangga ako. At di tulad nang nakabangga ko si DJ Hansel, wala sa amin natumba, ngayon, natumba kami ng nakabanggahan ko. Peste! Alam niyo yung tipong napahiga kayong dalawa sa kalsada. Grabe! Hiya to the MAX!!!
Napapikit ang mga mata ko pagbagsak ko sa kalsada. Buti na lang braso ko ang unang tumira kaya di masyadong masakit. Naramdaman ko na lang na agad may bumuhat sa akin, akala ata kung ano ang nangyari. Pag bukas ko ng aking mga mata, di ko alam kung fated lang ang peg, pero, nagulat ako kung sino iyon... Si Prince!!!
Hindi ito nagulat tulad ko. Namukhahaan ata ako kaagad.Buhat-buhat pa rin niya ako. Nakatitig lamang ito sa aking mga mata. Hindi ko alam, pero kung anong rason man iyon, biglang bumilis ang mabagal kong puso. Bigla akong nakadama ng mainit na pakiramdam (WAG LAGYAN NG OTHER MEANING!). Nang walang ano-ano'y may lumabas rin ng restaurant... si DJ Hansel. Sinundan pala ako. Medyo natigilan ito ng makita ako na buhat-buhat ni Prince.
"Ah... anong nangyayari?" takang tanong ni DJ Hansel habang palipat-lipat ang tingin niya mula sa amin ni Prince.
"Let me explain DJ Hans..." pero bigla akong siningitan ni DJ Hansel.
"By the way, please don't call me DJ Hansel aymore. My name is Xander, just call me that way."
Napatahimik ako. Napatingin si DJ Hans... este si Xander kay Prince.
"So, dude, why are you carrying my date?" muling nagsalita si Xander.
Tinaasan ng kilay ni Prince si Xander at muling inulit ang huling sinabi nito, "Your date?" sabay tingin sa akin.
Patay...
________________
So that's basically it. Haha... I hope you enjoyed the story so far. I tried my best for the story to be enjoyable and the characters unique, so I really thank you for reading it this far. Anyways, please vote, or comment below if you have anyhing to say. Hehe.
BINABASA MO ANG
Hunting Bobby O.? [COMPLETED]
Random(Inspired by Bob Ong's unknown identity) Si Marie Claire Baguio, isang ordinaryong babae na panlaban lang sa buhay ay ang boring niyang buhay. Bukod doon, ang pinakaproblema niya ay ang sobrang OA na magulang niya na halos di na siya ipalapit sa lal...