Jan 1, 2024Your name.
Lagi ko 'yan naririnig, kahit kanino, kahit saan. Trainees would mention how cool and handsome you are. Staffs and coaches would tell us to be more like you. Monthly evaluation lists would have your name on top. Even people outside the company calls you an ace. That's who you are, popular and talented JJ.
Sobrang bago ko pa lang din sa MSK noon. Narinig ko rin sa iba na 4 years ka nang trainee kahit ka-edad lang kita, kaya intimidated talaga ako sa'yo noon. Idagdag pa na may usap-usapan din na galing ka daw sa mayaman at kilalang pamilya.
I never went near you. Wala rin naman akong balak o intensyon na kausapin ka. Sa probinsiya rin kasi ako lumaki, tapos ang narinig ko ay sa US ka pinanganak. Kumbaga, pakiramdam ko wala tayong pagkakatulad; magkaiba tayo ng mundo.
Lagi akong nakatingin sa likod mo.
Sa practice rooms kung saan ikaw lagi ang nilalagay sa gitna at unahan ng dance instructors. Sa hallways kung saan nakikita kitang kausap ang mga kaibigan mo, kung hindi ka naglalakad mag-isa habang may suot na headphones. Sa cafeteria, sa lobby, sa rooftop. At sa elevator, kung saan mas maliit ang distansya nating dalawa. Kung saan naoobserbahan ko ang lapad ng balikat mo, ang diretso mong tindig at postura na dumadagdag sa tangkad mo. Sa tantiya ko, hanggang labi mo lang ang noo ko. Medyo mahaba ang buhok sa likod, lagi kang nakasuot ng baggy pants at hoodie kung hindi oversized shirts na neutral colors. Higit sa lahat, ang bango-bango mo. It doesn't matter kung makasabay kita sa umaga o pauwi galing sa matinding practice. Parang never kang pinawisan. Laging amoy mayaman, pabangong lalaking-lalaki ang dating pero hindi nakakasulasok. Napapaisip tuloy ako minsan sa mumurahing peach cologne ko. Tapos mamamalayan ko na lang na lumakad ka na palabas at palabas ng elevator pero nag-stay pa rin ang perfume mo.
Months passed by. Pahirap nang pahirap ang trainings. 'Yung iba kong naging kaibigan at kasabayan, either nag-quit na o hindi pumasa sa evaluations. I was trying my best to keep up, na patunayan na karapat-dapat akong mapili for a debut lineup. Kaso umaabot sa point na hindi ko na kinakaya.
Dance lessons. Hiphop. Wala naman kasi talaga akong background sa pagsayaw bago sumali ng MSK. Ang best lang na kaya kong gawin ay kumanta. For the past months, nagagawa ko pa naman sumabay kahit papaano sa choreos. Ngayon, parang naging sobrang technical, mabilis at kailangan ng matinding body control ang tinuturo. Ilang beses rin akong na-point out ng instructor na hindi ko nae-execute nang tama ang steps. And for that week, kinailangan kong mag-practice hanggang gabi. Nagpaiwan ako sa dance rooms kahit nag-uwian na ang lahat, paulit-ulit na nagsasanay sa harap ng malaking salamin. Pagod na pagod na pagod na ako nang mapagdesisyunan ko nang umuwi't magpahinga.
Kamalas-malasan na under maintenance ang elevator. Bababa pa ako ng lampas limang palapag!
Hindi inaasahan na may lumampas sa'kin, at ikaw 'yon. Hindi ko alam na nandito ka pa pala.
Sumabay na ako sa'yo pababa sa hagdanan, sa likuran mo.
Siguro lahat na ng malas nag-sanib pwersa sa'kin ng gabing 'yon. Dahil pagdating natin sa parking lot, halos manlumo ako ako sa naabutan.
Butas ang gulong ng bike. Parang may narinig ako na may mga pranks ang mga pasaway na trainees, pero ang alam ko wala naman akong kaaway! So hindi yata nila alam na sa akin ang bike at ako ang nasaktuhan na maging biktima. Bakit naman ngayon pa? Sobrang sakit na ng paa ko, ng buong katawan. Gusto kong makauwi na lang at humiga.
Malapit lang ang bahay ni Ate Giselle kung saan ako nakikitira pero hindi naman walking distance, at sa oras na 'yon, wala nang pumapasadang tren. Isa pa, wala akong dalang pamasahe. Halos mapaupo na ako at umiyak.
Biglang may tumawag ng pangalan ko. Hindi ka pa pala nakakaalis. Nagpabalik-balik ang tingin mo sa akin at sa bike ko, bago mo ako tinanong kung saan ako nakatira. Sinabi ko ang address, at ang sabi mo, "sakay na". Tinuro mo na may angkasan sa likod. Kumpara sa bike ko, mas mukhang mataas, matibay at mamahalin ang sa'yo. Nahihiya man nang sobra, umupo na ako para makauwi na rin. Natagpuan ko na naman ang sarili ko sa likuran mo.
Tahimik lang tayo n'on, tahimik rin ang gabi. Tinatanong mo lang ako kung saan liliko't didiretso at mabilis lang akong sasagot. Pagkatapos, walang imik ka na lang na pumipidal.
Hindi ko alam kung bakit ng mga oras na 'yon, parang sobrang sensitive at observant ko. Ramdam na ramdam ko ang tama ng malamig na hangin sa balat ko. Naghalo-halo sa ilong ko ang pabango mo, ang body scent mo, at ang simoy ng tulog na siyudad. Hindi sigurado kung mas malinaw ang mga mata ko, o sadyang maliwanag ang mga poste at bituin ng gabing 'yon. At sa pandinig ko, rinig ko bawat detalye, loob at labas ng katawan ko. But I didn't say anything. I liked the silence between us.
Siguro mabilis lang talaga ang bike mo, 'di ko namalayan na halos nakarating na tayo sa uuwian ko. Nagpababa na ako sa'yo malapit sa kalye ng bahay, pero sinabi mo na ibababa mo na ako sa mismong tapat. Pumayag na lang ako dahil pakiramdam ko, tutumba na ang tuhod ko. Nagpasalamat na ako sa'yo at nagpaalam. Nagsimula ka na ulit pumidal pero bago ka pa man makalayo ay bigla kitang tinawag.
Preno. Lumingon ka. Kumaway ako at nag-sabing ingat ka, isang ngiti at isa pang thank you. Tumango ka, may maliit na ngiti rin sa mukha mong naiilawan ng poste, at kumaway bago umalis. Pinanood ko lang ang likod mo hanggang mawala ka ng tuluyan sa paningin ko, at saka lang ako pumasok ng bahay.
Hindi ko malilimutan ang araw na 'yon. Sobrang malas, pero ang malas na 'yon ang dahilan kung bakit tayo nagkalapit. The following week, kumaway ako sa'yo nang makasalubong kita pero hindi mo yata ako napansin at nalagpasan lang. Nang mga sumunod pang araw, nakasabay kita sa elevator pero hindi rin tayo nagkausap. Wala lang, siguro maliit na bagay lang sa'yo 'yung paghatid sa'kin, but I just thought that you were nice after that night. Hindi ko na sinubukan bumati o mag-small talk kasi ayoko namang pumilit ng interaction. Pero may ibang plano ang tadhana. We were paired for a singing evaluation. At doon na nagsimula ang lahat.
At least, sa universe at timeline na alam ko.
So, saan nagbago? Anong hindi nangyari sa universe na 'to na nangyari noon para magkalapit tayo? Bakit hindi mo ako kilala gayong naging trainee pa rin naman ako for a year? Ibang bike ba ang nasaktuhan ng prank? Hindi ba ako nag-pagabi sa practice room at umuwi agad kaya 'di tayo nagkasabay? Or mas late akong umuwi? Nakapagdala ako ng pamasahe? Iba ba ang naging ka-partner mo sa singing evals? Anong nangyari o hindi nangyari? Bakit sa mundong 'to, hindi nagsimula kung ano ang meron tayo? Bakit parang hindi nagkrus ang landas natin in the first place? Ayoko na sanang magtanong kasi sino ba ang makakasagot sa 'kin? Pero...
Sa universe ba na 'to, hindi na tayo soulmates?
Seb.
BINABASA MO ANG
anemoia: A Love That Was Never Mine
Fanfiction[epistolary] mga sulat na hindi mababasa. estrangherong kakilala. hindi nangyaring mga alaala. kwentong 'di nagsimula. nahintong musika. mapaglarong tadhana.