Nov. 19, 2024
Johann,
I feel numb.
Hindi ako nakapasok kahapon at ngayon dahil noong gabing sinulat ko 'yung huli kong letter para sa'yo, my mind started to spiral down. Sobrang blanko, in denial, at malabo ang utak ko last week but all of a sudden, my mind told me that this is now my reality and you won't come back for me anymore. Nanikip ang dibdib ko to the point na kada segundo pahirap nang pahirap sa'kin huminga. Umiikot man ang buong paligid at para akong matutumba, pinilit kong tumayo papunta sa banyo dahil para akong nasusuka pero at the same time, barado ang lalamunan ko. Nakakalunod.
Everything was a blur. Hindi ko rin alam kung ano na 'yung ibang mga nangyari dahil nagising ako na nasa ER. Nakita ko si Ate Giselle na alalang-alala ang tingin sa'kin. Naabutan daw niya akong pawis na pawis at nanginginig nang malala sa sahig ng banyo. Mabilis ang pulso at malamig. That's when she decided na isugod ako agad sa pinakamalapit na ospital. Umupo siya sa tabi ko, nakita kong may kintab ang gilid ng mga mata niya, and then she asked me what's wrong. I've been acting weird since last week, according to her, hindi kumakain at tulala sa kawalan, dagdag pa niya. Inulit-ulit niya akong tinanong pero hindi ako makapagsalita. When she decided na ipagpalipas muna ang tanong kung gusto ko muna magpahinga, bigla kong nabangfit nang mahina ang pangalan mo.
"Johann?"
Walang lakas akong tumango.
"Sinong Johann?" she asked me.
Tumulo ang mga luha ko nang walang pasabi. Kilala ka ni Ate Giselle. Kilala ka dapat niya. Alam dapat niya kung sino ka sa buhay ko at ano tayo dahil nand'yan na siya simula pa lang. Bakit binabanggit niya ang pangalan mo na parang first time 'tong lumabas sa dila niya?
Natataranta siyang lumapit sa'kin pero walang nagawa para kumalma ako. Hindi niya alam ang gagawin kaya lumabas siya at nagtawag ng doktor. Tinanong kung may history daw ba ako ng substance abuse o kahit alak, kung namatayan recently or nakaranas ng traumatic experience, mentally or physically. ba-iba pa ang tinanong kung ano ang maaring naging trigger ng panic attack ko, pero hindi ko alam ang sasabihin. Everything doesn't make sense anymore.
Ang alam ko lang bigla ka lang nawala sa tabi ko. Hindi naman ako nakatulog at biglang nagising isang araw na wala ka. Gising ako ng araw na 'yon, wala akong kakaibang nagawa, napansin, nasabi or anything. It just happened. Kaya hindi ko rin matanggap na umalis ka muna kasi walang paalam, mula sa'yo at mula sa'kin. O umalis ka lang ba muna or iniwan mo na ako? Bakit hindi ka na kilala ng mga tao sa paligid bilang Johann na kilala ko?
Hindi ako nakatulog. Hindi rin ako iniwan ni Ate Giselle. Napansin ata niyang dilat na dilat lang ako kanina pa kaya kinausap niya ulit ako. Anong nangyayari? May pinagdadaanan ka ba? Something along those lines.
I knew asking her about you again would only give me blank answers, so instead I asked her: sino ako? She looked so scared, taken aback by my question.
"What do you mean?" Parang naiiyak ang tono niya.
I reassured her na alam ko ang pangalan, edad, pangalan ng magulang at lahat ng iba pang info tungkol sa sarili ko. Na ang gusto kong malaman ay kung ano ang ginagawa ko. Pero hindi pa rin niya ako maintindihan. So I asked her instead kung saan na lang ako nakatira. Dahil no'ng pinuntahan ko nga 'yong apartment unit na tinitirahan namin ni Johann for two years ay may ibang nangungupahan. I didn't tell her those, I just waited for her answer kung saan ako nakatira.
"Seb, magli-limang taon ka na nakatira sa bahay ko..."
Nanikip na naman ang dibdib ko. Kaya ba wala siyang sinabi kung bakit bigla na lang ako nagpakita at tumira sa bahay niya nitong nakaraang linggo?
Magli-limang taon na nga simula no'ng napakiusapan ni Mama na makituloy muna ako sa bahay ni Ate Giselle sa Manila para malapit sa company ng MSK at dahil 15 pa lang ako that time kaya natatakot silang mag-apartment ako mag-isa. Kapalit n'on kailangan ko rin tumulong sa clothing business ni Ate, kasama ang mga gawaing-bahay. Pero two years ago, nakahanap tayong dalawa ng na mas malapit na apartment sa university at ginusto ko na ring bumukod for college. Dumadalaw na lang ako, I mean tayo, kay Ate Giselle once to twice a month pero supposedly, mga tatlong taon lang dapat ako nakitira sa kaniya.
"Kailan ako umalis sa MSK?" sunod kong tanong kahit parang ayaw lumabas ng boses ko.
"MSK?" Kumunot ang noo niya. "'Yong entertainment company na nag-training-training ka?" she asked and I only answered with a nod. "One year ka lang tumagal doon."
Mas lalo akong nahilo. Nagtanong ako at nasagot, pero mas lalong dumami ang mga tanong. Nasa Manila ako ibig-sabihin, tumuloy nga ako sa MSK Ent., pero isang taon lang? Pero sa loob ng isang taon na 'yon, kilala na kita at kilala ka na rin ni Ate Giselle. Pero bakit one year lang, anong nagpaalis sa akin ng ganoon kaaga? At kung isang taon nga lang, bakit hindi ako bumalik sa probinsya? Bakit ako nag-aaral dito— or bumalik man lang sa college in the first place dahil ang desisyon ko na 'yon ay dahil sa'yo, Johann.
Hiniram ko ang phone ni Ate Giselle at s-in-earch ang pangalan mo at pinakita sa kaniya ang mga pictures mo na lumabas sa results. Sunod-sunod na kumawala ang hikbi sa bibig ko.
"Hindi mo talaga siya kilala? Si Johann! Pumupunta siya sa bahay, suki mo rin 'yan kasi mahilig siya sa mga oversized pants at thrifted hoodies. Si Jean... si JJ... kilala mo siya." Hindi ko alam kung naintindihan niya ako nang mabuti dahil halos puro hikbi kada salita ko.
Matagal niyang tinitigan ang picture. "Artista siya galing sa MSK? Kilala mo siya?" tanong niya at tumingin sa akin nang diretso. "B-in-ully ka ba niya o nang-blackmail... siya ba ang dahilan kung bakit ka nagkaka-ganiyan? Sabihin mo kung ano bang ginawa sa'yo ng lalaking 'yan!"
Umiling ako. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko pero wala ding kwenta dahil tuloy-tuloy lang ang pag-agos nito.
"Boyfriend ko si Johann..." mahinang sambit ko.
Natahimik kami. Matagal.
"Nakilala mo sa MSK?" tanong niya at muling tiningnan ang mukha mo sa screen ng phone. Tumango ako. "Hindi mo naman siya napakilala. Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya, nakita ang mukha niya, at nakwento mo na may karelasyon ka pala."
Umiling-iling pa rin ako. "Hindi. Kilala mo siya..."
"Seb..." Bumuntong-hininga siya. "Sabihin nating boyfriend mo siya at kilala ko, pero ano bang ginawa niya? Nakipag-break ba siya sa'yo or ano?"
Napayuko ako. Hindi na ako nakasagot sa kaniya at pinagpahinga na rin niya ako dahil bukas na lang namin pag-uusapan pag nahimasmasan na raw ako. Hindi na daw niya ako maintindihan dahil nangangatal na ang bibig ko kada salita. Pero ang isasagot ko sana ay hindi.
Hindi naman talaga tayo nag-break, hindi ka rin naman nag-paalam or anything. Or first of all, I don't even acknowledge that you left me— that all of these are real. Where did you even left me? Nasaan ba ako? Bakit ako nasa isang mundo na merong ikaw at ako pero walang tayo? Bakit napunta ako sa mundo na mukhang pareho lang pero ibang-iba sa mundo na alam ko? Sa mundo na wala ka sa tabi ko pero naiwan sa akin ang mga alaala mo? Anong nangyari? Anong nagbago? Anong dahilan?
Para akong masisiraan ng ulo.
Seb.
BINABASA MO ANG
anemoia: A Love That Was Never Mine
Fanfic[epistolary] mga sulat na hindi mababasa. estrangherong kakilala. hindi nangyaring mga alaala. kwentong 'di nagsimula. nahintong musika. mapaglarong tadhana.