Dahil weekend ngayon ay pwede kaming lumabas ng campus. Sa bahay muna ako matutulog dahil namimiss kona si Chibi, pusa ko. Sinundo ako ng driver namin at nag stop muna kami sa isang Mall dahil paubos na ang make-up ko for my disguise. Binura ko narin ang disguise ko kanina sa Van dahil sabi ni Daddy uuwi din daw sina Kuya, baka mahuli ako 'no.Bumili ulit ako ng wig dahil hindi na pantay ang isa kong wig dahil dinikitan nila ng bubble gum. Pagkatapos kong bilhin ang mga kailangan ko ay lumabas na ako ng Mall at pumasok sa Van.
Nakikinig lang ako ng music hanggang sa makarating kami sa bahay. Lumabas na ako sa Van at binuksan naman ng mga maids ang pinto kaya diret-diretso lang akong pumasok papunta sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong naman sa akin si Chibi kaya binuhat ko naman siya.
"Hi baby, do you miss me?" Kausap ko sa pusa at hinalikan sa noo niya.
"Hi sister!" Sigaw ng kung sino at pumasok sa kwarto ko at niyakap ako.
"Tom, ang higpit nasasakal ako, tss." Reklamo ko at bumitaw naman siya sa yakap.
Nasa likod niya naman ay sina Kuya Triv at Kuya Tim. Nakangiti silang tatlo sa akin na parang ang tagal namin hindi nagkita, tss, binubully niyo pa nga ako, e'.
"Kamusta?" Tanong ko kunwari.
"Gwapo parin naman, Sis. Walang pinagbago." Proud na sagot ni Kuya Tim kaya umirap nalang ako.
"Magbibihis pa ako. Layas!" Paalis ko sa tatlo kaya lumabas nadin sila ng kwarto.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto kasama si Chibi. Nanonood naman ng T.V ang tatlo kaya umupo rin ako sa tabi ni Kuya Triv at kumuha ng pagkain na nasa lamesa.
Palihim akong napangisi nang tungkol sa bullies ang pinapanood nilang series. Mahilig kaming apat sa kdrama series and movies kaya magkasundo kami kapag tungkol do'n ang usapan. True Beauty ang pinapanood nilang series, episode 1 palang ay puro bullies na. Binu-bully nila si Jukyeong dahil sa appearance niya, makapal ang kilay, madaming pimples at may malaking salamin. Parang 'yong disguise ko lang.
Binubully siya ng mga classmate niya dahil nga 'pangit' daw siya. Actually, maganda naman talaga siya, e', kulang lang sa ayos.
Bigla ko naman naalala si Kalvin. Kapag ayusan din kaya siya ay magiging katulad din siya sa make-over ni Jukyeong?
"I really hate bullies." Parinig ko sa mga kuya ko kaya umiwas sila ng tingin.
"Akala ba nila nakaka-cool ang pambubully? 'Di nila alam nakakasakit na pala sila, diba kuya Triv?" Inosente kong tanong sakaniya at naiilang naman siyang tumango.
YOU ARE READING
The Girl In All Boys School
Random"I have no choice but to transfer you to Harashi All Boys School." He sent me to an All boys school. How come a girl allowed there!? My brother's are there and I'm dead if they found out that I'm being transferred again. Lahat na ata ng School ay n...