Chapter One
Jake Barsomo
-x-
"NANDITO na tayo."
Bumaba ako sa traysikel. Kinuha ang aking mga bagahe at ini-abot kay manong driver ang bayad.
"Salamat ho. Ay manong, pw---" hindi natuloy ang sasabihin ko nang dali-dali niyang pinaandar ang kanyang traysikel. Mabilis niyang pinatakbo ito na para bang may humahabol sa kanyang multo. Napasimangot nalang ako dahil sa hindi niya pagtugon at sa kanyang inasta.
"Sungit naman nun," bulong ko sa sarili.
Tinungo ko ang taya-tayang gate at binuksan 'yun. Medyo napangiwi ako sa tunog nito dahil sa kalumaan.
"Tao po?" tawag ko pero walang sumagot.
"Nakapagtataka naman." bulong ko sa sarili.
Nilibot ko ang aking paningin sa boarding house na halatang luma na. Sa palagay ko'y ipinatayo ito noong late 80's. Isa itong bulwagan na may pitong kwarto. Maswerte nga ako at nakahanap ako ng mumurahing boarding house na matutuluyan. 450 pesos lang ang isang buwan. . . marahil na din sa kalumaan nito.
Ako nga pala si Jake Barsomo, seventeen years old at incoming Grade 11 student. Graduate na sana ako at makakapasok na sa kolehiyo kung hindi lang dahil sa l*cheng K-12 na 'yan.
Dahil ang dati kong pinapasukang eskwelahan ay walang pondo para makapagtayo ng mga bagong silid para sa bagong curriculum, ay napilitan akong mag-aral dito sa siyudad.
Ayoko sanang mapalayo sa pamilya ko dahil may sakit si papa at gusto kong tumigil muna sa pag-aaral para naman makatulong ako sa mga gastusin. Kaso... ayaw nina mama at papa na huminto ako.
Wala rin akong mga kamag-anak dito sa siyudad na matutuluyan kaya napag-isipan kong mag-boarding house. May napili naman akong magandang matutuluyan kasama ang kaibigan kaso ang mahal. Mabuti nalang at naghanap pa ako at nakita ko itong lumang boarding house kaya lumipat ako.
"Tao po?" sigaw ko muli sabay kamot sa ulo.
Isang linggo nalang at pasukan na. Nakapagtataka naman kung wala paring taong tumutuloy rito. Oh di kaya... ako lang ang tutuloy dito? Pero imposible, nung kinausap ko ang land lord ay may mga tao naman.
"Ha!" bigla kong sambit nang makarinig ng mga yabag.
"May tao ba diyan? Wag niyo naman sana akong pagtripan." sabi ko sabay buntong-hinga.
Biglang lumakas ang ihip ng hangin at tumindig ang mga balahibo ko. Pushang gala naman oh!
Lumingon lingon ako sa paligid kaso wala akong makitang sino man. Hinigpitan ko ang hawak sa aking backpack at sa isa pang bagaheng dala dala ko. Mahirap na, baka si Marlou pa 'yan at nakawin ang mga dala ko.
Joke lang.
Napamura nalang ako nang may mabigat na kamay na pumatong sa balikat ko. Paglingon ko, ito pala ang kaibigan kong si Kyle na humahalakpak sa kakatawa. Kaklase ko siya simula pa nung elementarya. Siya rin ang nag-alok sa akin sa mag-aral kami dito sa Maynila para sa Senior High.
BINABASA MO ANG
Love at First Fright
Teen FictionJake decided to live on his own when he began 11th grade. Due to financial problems, he rented an old boarding house few blocks away from his school since it's the cheapest among the others. Unfortunately, Jake discovers that the room he rented was...