Two (Updated: 04/04/16)

200 11 2
                                    

Jake Barsomo


HINDI parin ako mapakali. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ng aking nirerentahang kwarto.

Siyempre, hindi ako nagpadala sa sinabi nung babaeng kulot kagabi. Hindi ako umalis, malamang. Wala akong pake kahit ayaw nilang tumuloy ako dito. Sila ba ang may-ari?! Nang-uupahan lang naman sila dito pero kung maka-asta parang may-ari! At may gana pa silang paalisin ako?

Hindi ko isusuko itong mumurahing kwartong ito. Hinalughog ko ang buong siyudad para dito!

Hindi ako magpapa-apekto sa kanila. Hindi dahil sa ayaw nila sa akin ay mapapa-alis na nila ako!

Napabuntong-hinga nalang ako. Hindi ko talaga isusuko 'to.

Agad kong kinuha ang cellphone kong nasa ilalim ng unan ko. Napangiwi nalang ako nang makita ang oras na 7:23 AM sa screen.

"Pusang maitim! Late na 'ko!"

Argh. Hindi ko namalayan ang oras. Hindi pa pala ako nakatulog dahil sa lalim ng iniisip ko. Medyo inaantok na rin ako.

Pero hindi pwede. Kailangan kong pumasok sa part time job ko. Para meron naman akong maipon na konting pera para kay papa.

Kinuha ko ang aking tuwalyang nakasabit sa likuran ng pintuan at tinungo ang cr ng boarding house. Iisa lang kasi ang cr dito.

Pero... baka makasalubong ko sila. Tapos magiging awkward.

Hindi yan Jake! Pake nila diba? Sabi ko sa aking sarili.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto at sumilip muna sa labas. Mahirap na, baka makasalubong ko ang isa sa kanila lalo na yung babaeng kulot!

Coast is clear! Masigla kong sabi sa aking sarili.

Nag-tiptoe ako palabas ng aking kwarto at dahan-dahang nilakad ang banyo na nasa kabilang ibayo ng mundo. Malapit kasi sa unang kwarto ito at ikapitong kwarto yung sa akin.

Para makaligo! Yun ang misyon ko! Ayoko namang mangamoy sa unang araw ng trabaho ko. Isa pa, ang init!

Halos tatalon-talon na ako sa tuwa nang marating ko ang banyo na walang nakakasalubong na sino man.

Hinawakan ko ang door knob at pinihit subalit may tao pala sa loob at sa kasamaang palad ay palabas na rin siya! Nabigla ako at napa-atras nang makita ko si kulot. Ay pusa!

Ang sungit talaga ng babaeng 'to! Bulong ko sa sarili nang makita siyang naka-poker face. Matagal niya akong tinutukan na para bang pinag-aaralan niya ako.

Kinilabutan ako nang bigla siyang ngumisi. Yung nang-iinsulto!

"Hmph. Tigas din pala ng ulo mo. Sabi ko naman sa'yo na umalis ka na diba?"

I balled my fist. Char. English.

"Hindi mo 'ko mapapa-alis dito miss. Paki-alam mo ba kung gusto kong umupa dito? Umalis ka nga diyan! Harang ka eh. Maliligo pa 'ko!" iritadong sabi ko.

Inirapan niya ako at tumabi. Dapat lang. Pasalamat siya at meron pa akong konting respetong natitira.

Pumasok ako sa banyo at isinabit ang tuwalya ko sa towel rack. Hinubad ko ang aking damit at kinuha ang tabo't ibinuhos ang malamig na tubig sa aking katawan.

Love at First FrightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon