Maingay ang paligid, nakakarindi!! Mga sasakyan na kala moy nagmamadali lagi, mga taong nagpapaka busy sa perang bagay lamang ang kayang mabili, panay ang tunog ng cellphone ko na hindi pinalilipas ang segundo. Nasa isang malawak akong lugar pero pakiramdam ko masikip parin.
(Aya POV)
" Miss wag kang tatalon! "
+ sino ba tong nagmamarunong nato?
"Hindi ko pa nasubukan, pero alam kong hindi maganda yang iniisip mo. "
Aya- gano ka kasigurado sa sinasabi mo?
+ iniabot nya ang mga kamay nya.
" walang basehan kung gano ako kasigurado, pero magtiwala ka. "
Aya- pano kung sigurado nako?
"Hindi deserve ng tulay nato ang buhay ng kahit na sino.
+ Ako si Zendaya Cantre, Aya for short. Oo I was a suicidal person before at yun na sana ang pinakahuling desisyon ko na mawala sa mundo, pero tingnan mo nga naman ang buhay, pag oras mo na, oras mo na, at hindi ko pa nga siguro oras.
Steff- Aya, tapos ka na ba dyan?
Aya- ah oo sandali.
+ may inayos at kinuha akong gamit sabay lumabas na ng tent.
Steff- bilisan mo tapos na sila.
Aya- sige, sya nga pala ikaw na bahala dun sa naiwang mga plastic bottles ha, di ko na malilinis eh.
Steff- oo ako na bahala.
+ nagtatakbo nako papunta sa set, at sa kasamaang palad, nadapa pa nga.
Primo- tsk tsk tsk. Tayo bilis!
Aya- Sorry po.
Primo- bag ko.
+ iniabot ko agad sa kanya.
Director- Primo, good job. 2 weeks na lang ang taping natin pero you always do your best, salamat.
Primo- walang problema direk.
Director- kami na bahala dito you can go now.
+ Sya si Primo De Chavez, Sikat na artista
Nagtatarabaho ako sa kanya ng mahigit isang taon bilang Personal Assistant nya slash Secretary, Mabait naman to mainitin lang ang ulo minsan tsaka masyado ang bilib sa sarili, pero sanay nako.
Aya- Dadaan po ba tayo ng Zentro o ihahatid ko na po kayo sa Condo?
Primo- bat ako ang tinatanong mo?
Aya- po?
Primo- Aya nasayo ang schedule ko.
Aya- Oo nga po.
Primo- ha?
Aya- I mean, according sa schedule nyo po, pwede na kayo umuwe.
Primo- good, dahil dyan daan tayo sa Zentro.
+ sabi ko nga. Hindi naman ako yung typical PA na naka formal or maigsi ang palda at naka coat tulad ng iba, mabuti na yung t-shirt at pantalon na lang. 26 years old na ako at si Primo 25, opo, mas matanda ako sa kanya pero syempre PA nyako kaya mas ako ang dapat gumalang sa kanya. Nasa kotse kami ngayun papunta ng Zentro Agency kung san sya nagtatrabaho bilang artista.
Primo- Aya anong oras na?
Aya- 4 Pm po. May dadaanan po ba kayo?
Primo- wala.
Aya- ahh.
Primo- kumain ka na?
+ naku buti natanong nya. Bihira lang yan eh.
Aya- hindi pa po.
Primo- itigil mo sa plaza.
Aya- okay po.
+ pagdating don, mabilis akong bumaba, hindi nako humihingi sa kanya ng pambili, binabayaran nya din naman lahat after a month kasabay ng sweldo ko. Pagbalik ko, tatlong putahe ang dala ko.
Aya- Isaw, Barbecue at kwekkwek. Tapos tubig.
+ alam ko na ang mga paborito nya eh. Nakangiti lang ako sa kanya. Sumubo na sya ng sumubo, sus kala ko naman bibigyan nyako, bat tinanong pa nya kung gutom ako, tss di ka pa nasanay talaga Aya.
Primo- o.
Aya- po?
Primo- patapon.
+ kala ko naman tinirhan ako. After kong itapon, nag drive na uli ako papuntang Agency. A usual ang daming fans na naka abang. At tuwing bababa kami nagiging bodyguard na din, o diba tatlo ang role ko.
Primo- bakit ba lagi ka na lang humaharang dun sa mga fans?
Aya- po? Eh, pinoprotektahan po kita diba.
Primo- ano pang saysay ng Bodyguards dun, sa susunod, pumirme ka sa likod ko.
+ tumango na lang ako. Kanina pa ring ng ring ang cellphone nya na nasa akin. Kaya nung pumasok kami sa elevator sinabi ko sa kanya.
Aya- Ang Mommy mo Sir, kanina pa tawag ng tawag.
Primo- hayaan mo sya.
Aya- baka emergency na po ito.
Primo- Patayin mo na.
+ yun lang ang hindi okay sa side nya, never sya naging mabait sa Mommy nya. Well alam ko naman ang dahilan pero, masyado ng matagal yun. Paglabas namin ng elevator diretso kami sa office ng CEO ng Agency. Syempre sya ang pinakasikat sa lahat ng talent na hawak ng kompanya kaya okay lang na maglabas pasok sya sa opisina nito.
Diretso sya sa pag upo sa Sofa. Napatingin naman ang busy na si Sir Troy.
Troy- Maaga ata natapos ang taping mo.
Primo- syempre.
+ nakatayo lang ako sa likod, napatingin naman sakin si Sir Troy at bumuntong hininga. Ngumiti na lang ako.
Primo- ipapaalala ko lang yung usapan nating ticket papuntang Hawaii.
+ tumawa na lang si Sir Troy.
Troy- basta siguraduhin mo na walang magiging problema hanggang matapos ang kontrata mo sa Movie na yun.
Primo- ewan ko ba kung bat hinihintay mo pa matapos, basta by the end of the month kaylangan nasakin na.
Troy- ganun ka na ba kapagod? Gustong gusto mo na magbakasyon?
Primo- obvious ba?
+ tumayo na ito.
Primo- Sya nga pala, yung balak mong ipromote si Aya, wag mo na ituloy. Marami na syang ginagawa.
Troy- hahaha, ikaw talaga.
Primo- pano, alis nako.
+ tumango na lang si Sir. Lumabas na kami.
Aya- itutuloy mo ang pagpunta sa Hawaii?
+ tiningnan nya lang ako pero hindi na nya sinagot.
Primo- papagod nako, hatid mo na ako sa Condo.
Aya- yes po.
+ at tulad nga ng sabi nya inihatid ko na sya, tahimik lang syang nakatingin sa labas na parang nag iisip.
Primo- Aya.
Aya- po?
+ pero hindi na uli sya sumagot at bumuntong hininga na lang. Ano ba yun. Ng makarating kami sa harap ng Condo nya, sinamahan ko na sya paakyat para dalhin ang mga damit ng Sponsors nya. Pagdating namin don, nagulat kami pareho.
Primo- Anong nangyayare? Anong ginagawa nyo?!!
+ nadatnan kasi namin ang mga lalakeng binubuhat ang mga gamit ng Condo nya.
Aya- Sandali lang po, bakit nyo po kinukuha ang gamit?
Lalake- pasensya na po, utos lang po ito.
Primo- ibalik nyo yan ngayun din.
Lalake- pasensya na po talaga.
+ mabilis akong pumasok sa loob at halos lahat ay wala na, siguro kanina pa sila naghahakot, tumingin na lang ako sa kanya.
Primo- Kapag hindi nyo binalik lahat yan, kakasuhan ko kayo.
Lalake- kausapin nyo na lang po si Madam Loida De Chavez.
+ sabi ko na nga ba. Hayyyy. Umalis agad si Primo, at sumunod naman ako agad, naku, heto na naman tayo.
Aya- Sir. Sir. Sir. Wait lang bat hindi nyo na lang po tawagan.
Primo- bilisan mo.
+ alam ko na ang mangyayare eh, ano pa bang magagawa ko, tulad ng utos mabilis kong pina takbo ang sasakyan papunta sa bahay nila, I mean bahay nya dati, kaso matagal na syang di umuuwi dun. Pagdating, bumaba agad sya at pumasok sa gate ng Mansion nila. Parang torong umuusok ng bait ng lalakeng ito, ako naman tamang sunod at pigil lang sa kanya. Nakapasok agad sya sa loob ng bahay dahil bukas ito.
Primo-...
YOU ARE READING
I'M THE MASTER OF THE CEO
RomanceAn extraordinary story of an Assistant and a Star who became a Career partners started from a dangerous meet up. Aya is Secrete Millionnaire that became an Assistant of Primo because of their Connection from the past. Will this secrete change their...