( PRIMO POV )
+ kasalukuyan kaming nasa harap ng kotse na sinasakyan ni Allissa at ng tauhan nya. Nakatingin lang kami ni Aya habang humahagulhol sya ng iyak don sa loob. Nagkatinginan kami. Tumingin ako sa likod dahil nandun din si Cyrus at Alex sa isang van. Nasa gilid naman nun ang kotse ni Aya. Actually si Alex ang nasa likod ng pag control nya sa functions ng kotse. Salamat naman at nagamit nya ang pinag aralan, nag thumbs up na lang ako. Pumunta si Aya sa Backseat at binuksan ang pinto na yun. Hindi pa sya pumapasok ay parang tuta na nagsumiksik na sa dulo si Allissa.Allissa- Anong kaylangan mo?
Aya- Baba.
+ hindi sya tumiplag.
Primo- Halika na.
Aya- pag hindi ka bumaba, i lolock ko uli ito at paandarin papunta sa dagat.
+ mabilis syang kumilos agad at bumaba ng kotse sabay napaluhod sa harap ni Aya.
Aya- Tuma--
Allissa- Aya!! Patawarin moko. Pinagsisisihan ko na lahat. Please pakawalan mo nako, nangangako na hindi nyo nako makikita.
+ kumunot ang noo ni Aya.
Aya- bat ko naman gagawin yun? Ngayun nararamdaman mo na ang takot sa sakit ng naranasan ng mga staff ko sa bus.
+ pawisang pawisan sya.
Aya- pero wag ka mag alala. Hindi naman ko katulad nyo ni Don Enrico.
Allissa- Wala naman akong alam don eh!
Aya- Wala? Eh anong ginagawa mo sa Airport? Hindi ba tatakas ka? Bakit? Kasi may kinalaman ka sa nangyare.
Allissa- Hindi. Primo.
+ tumingin sya sakin.
Allissa- Si Don Enrico, siya lang ang may pakana nun. Wala akong alam na gagawin nya yun.
Primo- may alam ka man o wala, kasama ka nya sa pagpaplano.
Allissa- hindi, ang totoo si Aya lang talaga ang target ko.
+ umupo rin si Aya sa harap nya at hinila sya sa damit.
Aya- ako lang pala ang target mo. Pero kaylangan pa na may madamay na inosenteng tao?!!!!
Allissa- oo kasama nyako sa plano, pero hindi ko talaga alam na yun yung plano nya!!! Maniwala ka naman sakin.
Aya- naniniwala naman ako sayo eh.
Allissa- kung ganun, pakawalan mo nako. Hindi ko din ginusto yun. Inaamin ko na kaya tama na. Ayoko na. Wag ka sakin maghiganti.
+ tumayo na uli si Aya.
Aya- hindi naman ako naghihiganti sayo ih.
Allissa- Ha? Eh ano to?!! Halos mahimatay nako!!
Aya- Masakit mang sabihin pero gagamitin lang kita.
Allissa- ako?
Aya- hindi ka naman ganun ka importante para paglaanan ng oras. Pero dahil kaylangan kita. Pwede na din.
Allissa- Sinabi ko na lahat, Si Don Enrico nga ang may kasalanan nun!!!
+ lumapit samin si Alex.
Aya- Na record mo naman lahat diba?
Alex- yuph. Loud and clear.
Allissa- Teka. Para saan? Balak nyo bang ilabas sa publiko yan?!!
Alex- kung gusto mo sumikat within 5 mins pwede naman.
Allissa- sinabi ko na nga sa inyo, hindi nga ako ang may pakana nun!! Pwede bang ilabas nyo nako sa issue na yan?!!! Mananahimik na lang ako. Pleassee!!!
Aya- bago ko gawin yan. Sabihin mo muna sakin kung anong hawak ni Enrico laban sakin.
Allissa- hawak?
+ tumungo sya at parang nag iisip.
Allissa- y-yung ni record ko.
Aya- Anong record.
Allissa- yung narinig ko kayo ni Troy na naguusap tapos sinabi nya na suicidal ka.
+ napabuntong hininga na lang ako, ganun din si Aya.
Allissa- May copy sya nun.
Aya- ano pa?
Allissa- yun lang. Wala na akong alam. Promise.
+ tumingin ako kay Aya.
Primo- tingin ko naman nagsasabi sya ng totoo.
Allissa- oo totoo lahat yun.
+ pumunta ako sa drivers seat at hinila pababa yung alalay nya.
Aya- Ngayun ako naman ang may i ooffer sayo.
Allissa- kahit ano.
Aya- wag na wag mong susubukang tumawag o makipag usap kay Don Enrico. Dahil ano mang oras na gawin mo yun. Pag pipyestahan ng publiko ang video mo.
Allissa- oo, oo hindi ako tatawag.
+ hinawakan na sya ni Alex at itinayo. Tinanggal namin pareho ang tali nila sa paa. Pero hindi ang sa kamay
Allissa- bakit? Hindi nyo pa bako pakakawalan?
Alex- hindi naman ganun kadali yun.
+ naglakad na kami papunta sa van at isinakay silang dalawa dun.
Allissa- San nyo pa ako dadalhin? Primo please
Primo- wag ka mag alala. Cyrus, Alex. Kayo na bahala.
Allissa- ow my ghad!! Sasalvagin nyo ba kami.
Cyrus- Ang creepy nman ng laman ng utak mo.
+ sinarhan ko na ang pinto, at di nrive na yun ni Alex. Kami naman ni Aya naiwan.
Primo- Mauna ka na, ako na bahala sa kotse na yun.
+ ngumiti sya sakin.
Aya- sige. Dadaan lang ako sa Condo ko para magbihis.
Primo- bakit? San ka pa pupunta?
Aya- kaylangan kong pumunta sa kompanya ni Don Enrico.
Primo- ha?
Aya- May mga kaylangan akong makuhang informations at numbers ng mga ka transactions nya.
Primo- Aya delikado yan.
Aya- alam ko. Pero kaylangan kong gawin.
Primo- ako na lang, total makakapasok ako dun.
Aya- ako lang ang nakaka alam ng mga dapat kong kunin. Kaya ko nato.
Primo- No. Hindi ako papayag.
+ tumitig sya sakin.
Aya- Hindi ko naman kaylangan ng opinyon mo.
+ nagulat ako sa sinabi nya. Sasakay na sana uli sya ng kotse pero pinigilan ko sya.
Primo- Ano bang nangyayare sayo?
Aya- kaylangan ko ng kumilos.
Primo- Hindi. Sapat na ang ginawa mo kay Allissa, nakuha mo na ang impormasyon na gusto mo. Ipa ubaya na natin to sa batas.
Aya- Para ano? Para makulong lang sya? Hindi ako papayag na ganun lang yun.
+ hinawakan ko sya sa magkabilang braso
Primo- Aya. Akala ko ba hindi ka tutulad sa kanila. Hayaan mo na, ako na lang ang bahala.
Aya- hindi naman nila kaylangang masaktan ah. O mamatay tulad ng ginawa nila. Pero uupusin ko sila sa kahihiyan.
+ huminga na lang ako ng malalim.
Primo- Sasama ako.
Aya- baliw ka ba? Hindi na kaylangan.
Primo- hindi ako papayag na mag isa kang pupunta don. Wag ka ng kumontra, wala kang magagawa.
+ isinakay ko na sya sa kotse nya.
Primo- wag kang aalis ng hindi ako kasama. Susunduin kita sa Condo mo.
+ bumuntong hininga na lang sya. Sumakay nako sa kotse ng alalay ni Allissa at sabay na kaming umalis.
YOU ARE READING
I'M THE MASTER OF THE CEO
RomanceAn extraordinary story of an Assistant and a Star who became a Career partners started from a dangerous meet up. Aya is Secrete Millionnaire that became an Assistant of Primo because of their Connection from the past. Will this secrete change their...