Part 28

1.2K 26 0
                                    

( AYA POV )
+ halos pagapang nakong inabot si Steff habang ibinababa nila ang iba pa. Isinasakay narin sa ambulansya ang iba. Binuhat ni Troy si Steff at isinakay din sa Ambulansya at agad na sumama si Rani.
Nag maibaba na nila lahat,  tumakbo papalapit sakin si Primo at inalalayan ako.
Primo- Aya.
Aya- Si Steff?
+ nakahawak ako sa laylayan ng damit nya at nanginginig ang boses.
Primo- humihinga pa sya ng buhatin ko sya.
+ niyakap nyako at hinimas himas ang likod ko.
Primo- halika na,  susunod tayo sa ospital.
+ tumango na lang ako,  at inalalayan nayong makasakay uli ng kotse,  nauna na sila Troy. Pa ospital,  si Cyrus at Alex na lang naiwan dun dahil may ilan pang naiwan sa loob. Pagdating namin sa ospital,  nagkakagulo na dahil sunod sunod na pumasok ang aming staff na mga walang malay sa ER. Pinaglalagyan sila ng oxygen at may ibang pina pump na. Hindi ako makatingin dahil hindi ko sila kayang makita. Tumulong narin si Primo sa pagpasok sa kanila. Parang bumagal ang lahat sakin,  wala nakong nagawa kundi ang tumayo na lang dun at tumulala.

( TROY POV)
+ Natataranta nako,  hindi ko na alam ang gagawin ko. Ilan sa mga nadala namin wala ng buhay.  Tiningnan ko ang sarili ko,  wala ng natitirang ibang kulay sa suot kong damit kundi kulay dugo. Isa lang ang naalala ko sa mga nangyareng ito. Tumingin ako sa direksyon ni Aya na tulala na lang na nakatayo sa isang tabi. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi.
Troy- Aya!!
+ hindi sya nagsasalita.
Troy- Aya!  Please naman. Makinig ka sakin,  laksan mo ang loob mo.  Parang awa mo na.
+ niyakap ko sya uli. Pinipilit nyakong itulak,  sinisimulan nya na namang gawin na sapok sapukin ang dibdib nya.
Troy- Aya. AYA!!!
+ tumakbo papalapit si Primo at hinawakan sya sa kamay.
Primo- Anong nangyayare?
Troy- Ilayo mo sya dito. Dalhin mo sya kahit saan,  basta ilayo mo sya dito.
+ kahit medyo nagtataka ang muka nya ay ginawa nya ang sinabi ko. Hinila nya pabalik si Aya sa kotse.

( LOIDA POV )
+ Nasa bahay ako ngayun at katatapos lang magbihis,  hindi ako mapakali,  pakiramdam mo may mangyayaring hindi maganda. Para mapakalma ko ang sarili ko uminom ako ng tubig,  pero ganun parin,  nagulat ako ng dumating na si Enrico.
Loida- San ka nanggaling?
Enrico- may inasikaso lang.
+ tahimik lang sya na umupo sa sofa. Ewan ko ba,  mejo hindi talaga maganda ang pakiramdam ko.
Enrico- timplahan mo nga ako ng maiinom.
+ ginawa ko na lang ang sinabi nya,  kaya pumunta ako ng kusina at naghanap ng matitimpla. Nagulat ako habang nagtitimpla ng marinig kong pumasok si Allissa sa bahay kaya hindi muna ako lumabas sa kusina.

Allissa-  Tito!!!
Enrico- o Allissa.
Allissa-  Is this your plan?
Enrico- what do you mean.
Allissa- Bakit kaylangang may madamay? 
Enrico-Sandali ha,  nagkakamali bako ng rinig Allissa?  Bakit may nadamay?
Allissa- Tito,  ang usapan natin,  si Aya lang ang mamomroblema,  mapapahiya tulad ng nangyare sakin.
Enrico- hindi bat namomroblema na sya ngayun.
Allissa- Tito,  hindi mo dapat pinasabog yung bus!!  Hindi na dapat nadamay ang iba!!!

+ halos mabitawan ko ang hawak kong baso!  Dyusko!!

Allissa-  Ang gusto ko lang bawian si Aya!!
Enrico- yun ang gusto mo. Pero ito ang gusto ko. Wag kang mag alala,  walang maghihinala sayo dahil kasama ka nila don. Palalabasin ko na may sira ang bus na sinakyan nila.
Allissa- No!  No,  I dont think I can do this!!
+ nakasabunot na sya sa buhok nya.
Allissa-  Kinakabahan nako!!  Tayong dalawa lang ang nagbabanta kay Aya.  Alam ko,  alam ni Aya to!! Bakit mo ginawa yun?!!!
+ pansin kong naiiyak na sya at hindi na mapakali.
Enrico- Calm yourself Allissa. Hindi mo ba nakikita ang maaring mangyare?  Dahil sa aksidente,  pwede silang mapasara dahil sasabihin ng board na kapabayaan nila ang nangyare. Pangalawa wala silang magiging ebidensya na tayo ang gumawa nun,  pangatlo,  makukuha mo ang gusto mo,  at nakuha ko ang gusto ko. Masyado ng nangingibabaw ang Zentro sa industriyang ito. Pati ang Agency ng mga Partners ko ay bumabagsak. Kaya ngayun marami na ang makikinabang sa nangyare. Kaya kung ako sayo,  kumilos ka ng normal,  dahil ano mang maling galaw mo,  babagsak tayo pareho.
+ hindi ko na maitsurahan ng muka ni Allissa.
Enrico- Ay,  oo nga pala. Baka ikaw lang pala ang babagsak.
Allissa- Anong ibog sabihin mo?
Enrico- Hindi bat ikaw ang nang prank sa agency? 
Allissa- oo,  pero walang kinalaman yun dito!
Enrico- sa mata mo.  Pero sa mata ko,  ganun narin yun.  Kaya kung gusto mong pare pareho tayong matiwasay ang buhay,  manahimik ka na lang at sumunod sakin.
+ dumikwatro pa si Enrico sa sofa,  habang si Allissa ay hindi na mapakali.
Enrico- Ang kape ko!!!!
+ napabalikwas ako at mabilis na nagtimpla ng kape,  pagkatapos ay lumabas na.  Nagkatinginan kami ni Allissa,  at halatang hindi sya makadiretso ng tingin sakin,  mabilis syang tumakbo palabas.

I'M THE MASTER OF THE CEOWhere stories live. Discover now