Let Me Be The One

59 3 0
                                    

"I love you, too .."

~~*

"Ah Ciello, anong gusto mong orderin? Kahit ano love, just tell me."

Tanong ko sa girlfriend ko na mukhang nalugi sa negosyo. Hindi kasi mangiti, e. Pilit lang din tuloy yung mga ngiti ko sa kanya. Kinakabahan kasi ako sa inaasta niya lalo pa at ilang araw na siyang ganyan.

Palaging wala sa mood.

"Kahit ano."

Ayan na naman yang paborito niyang 'Kahit ano'. Ilang araw ko na ring naririnig yan.

"Love, alam ko sikat yang 'Kahit ano' pero wala nyan dito sa restau e. Hahaha!"

Sinabayan ko ng tawa, kunwari nakakatawa yung banat ko.

"Kahit ano na nga lang. Tss ang kulit."

Kahit pabulong yung mga huling salita hindi pa rin nakaligtas sa mga tenga ko. Medyo masakit yun ah. Sakit sa tenga.

Lalo na sa puso.

"Kuyang waiter sakin yung best seller niyo tapos sa girlfriend ko yung kahit ano daw. Bahala ka na."

Sabi ko na lang sa waiter sabay kamot sa batok. Nag aalangan pa umalis yung waiter kung susundin ba niya yung kahit ano na order ni Ciello o hindi pero mukang nakaintindi naman na hindi maganda ang atmosphere ng paligid kaya umalis na lang.

"Love, how was your day?" Tanong ko at ngumiti ng ubod ng tamis.

Pero simpleng fine lang ang sinagot nito, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Buti pa yung bintana kasi nandun lang ang atensyon niya.

Natapos ang dinner date namin na ubod ng tahimik, this day was supposedly our anniversary date. 2nd anniversary.

Akala ko mawawala na yung panlalamig nyang yan sakin pag sinurprise ko siya ng isang date. But obviously hindi yun ang nangyari.

Lumala pa yata.

Yung masasayang moments namin dati, hindi na nauulit. Yung mga paglalambing niya, di na nya pinaparamdam. At yung masasayang ngiti niya, hindi ko na nakikita.

Kailan pa ba to?

Nung isang linggo lang ata. Nang dahil lang sa maliit na tampuhan.

Pero maliit nga ba?

~~..

"Sorry love, pero di talaga ako makakapunta. Alam mo naman diba?"

"Ganto na lang ba palagi love? Important occasion to. Pero wala ka pa ring time?  Graduation ko yet you can't find time to be here, with me? Kahit sumilip man lang."

Puno ng panunumbat ang tono nito.

"Love I'm so sorry. It's just that--"

"No. Stop. Alam ko naman, e. Napaka reasonable nga naman. You can't leave your  work just because you can't. You don't have to explain why dahil hindi ko rin naman maiintindihan. Girlfriend mo ko pero simpleng pagbigay ng oras lang hindi mo magawa. Palagi ka na lang ganyan. You know what Jazz, hindi ako magugulat kung one day mawala na lang yung pagmamahal ko sayo dahil di ko na rin maramdamang mahal mo ako."

Sagot ni Ciello sabay baba ng kanyang phone.

Ang hirap naman kasi. Hindi ko masabi sa kanya kung bakit ako nagpapakamatay magtrabaho. Baka hindi lang maging maganda ang resulta.

Isa akong photographer. Kahit walang kinalaman dito ang natapos kong kurso. Photography talaga ang passion ko. At si Ciello ang aking favorite subject.

Your Theme Song presents:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon