Wishing on the same star

203 4 0
                                    


"Sa muli nating pagkikita. "

~~~*

Malamig na simoy ng hangin. Berdeng damuhan. Tahimik na paligid. Maliwanag na buwan. At makikinang na tala.









Okay.





Stars na lang para di korni.

Masarap mag muni muni pag ganto ang paligid mo, payapa at di magulo. Time to reflect. Pagkakataon para marealize mo ang nangyari sa buong araw mo at paghandaan ang mangyayari pa sa darating na bukas.

Kung sigurado kang aabutan mo pa ang bukas. Ba, malay mo ba kung hanggang kailan ka lang hihinga. Pero mabait naman si Lord, tiwala lang.

Tulad ko, binigyan ako ng panibagong araw sa buhay ko. Iniisip ko yung mga nagawa ko ngayong araw na to. Kung worth it ba yung pagod ko sa trabaho, kung tama bang binigyan ko ng limos yung bata sa jeep, kung tama ba yung sagot ko sa exams, kung nagawa ko ba yung toka ko sa apartment at kung bakit ba ko tinititigan nitong lalaki sa may bandang kaliwa ko.

Azar huh.

"May problema ba ha, Kuya?" Tiningala ko siya.

"Wala naman." Sagot niya sabay ngiti ng todo.

"Weirdo." Bulong ko sabay tingala ulit sa langit.

Wala na sana akong balak siyang pansinin kaya lang medyo nakakailang na yung ginagawa niyang pagtitig sakin e. Sagwa ba ng pwesto ng pagkakahiga ko dito sa damuhan?

"Kuya yung totoo? Ano problema mo?" Umupo na ko mula sa pagkakahiga. Kung may problema naman kasi siya sa ginagawa ko pwede naman niyang sabihin.

Pero nagulat ako nang tabihan niya ako at humiga din siya. Gustuhin ko mang umalis dahil yun ang dapat dahil bukod sa stranger siya, lalaki pa siya at babae ako. May makakita pa samin dito at sabihin na kung ano ginagawa namin dito sa damuhan at gabi. Bonus mo pang bilog ang buwan.

May konek ba yun?

Anyway dapat mag freak out ako pero hindi naman ako nakaramdam ng kaba. Mukha naman kasi siyang harmless. Inosente ika nga. Kaya bumalik na lang ako sa pagkakahiga.

Inalis ko na yung tingin ko sa kanya, akalain nya pang gwapong-gwapo ako sa kanya. Kahit medyo lang naman.

Pero nagulat ako nung bigla na lang siyang magtanong,

"Anong masasabi mo sa stars?" Sabay lingon niya sakin.

Anong masasabi mo sa stars? Bakit? Ano bang meron sa stars? Ano bang naisip nito at bigla na lang nagtatanong. Pero ano nga ba ang meron sa kanila? Stars sila. Creation ni God. Heavenly bodies, ano pa ba?

Di ko man nasagot yung tanong niya, ngumiti pa din siya. At todo ulit, abot tenga. Kitang kita ang pang close up teeth.

"Sarap nilang pagmasdan no? Hindi masakit sa mata, parang pag tinignan mo sila makakalimutan mo mga problema mo." At muli niyang ibinalik ang tingin sa mga ito. Itinaas niya ang isa nyang kamay na para bang gusto nyang abutin ang mga stars. At muli ring ibinaba na tila naisip nyang imposible ang bagay na yon. "Sabi ng iba, pag may gusto ka daw hilingin pumili ka lang daw ng isang star sa langit at dun mo sabihin yung wish mo, at matutupad daw yun."

"Pano mo naman masisigurong matutupad yung gusto ko?" Ewan ko ba at sinagot ko naman yung tanong niya. Patola din ako e.

"Dahil bawat tao daw ay may katumbas na isang star sa langit. Yung star na pipiliin mo ay para lang talaga sayo."

Napatingin ulit ako sa langit. Ang daming stars, ano naman ang pipiliin ko dito? Gusto ko lang naman humiling na ... "Sana -"

"May napili ka na ba?" Tanong niya.

Your Theme Song presents:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon