Sayo

16 2 0
                                    

"Walang katulad mo .."

~~*
"Simple lang ang pangarap ko
Mahalin ng katulad mo
Sana ay mapansin mo"

Sumasabay ang mga estudyante sa kinakanta ni Owen. Sikat na bokalista ng eskwelahan namin.

"Dahil simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako
Ang tanging ligaya ko
Simpleng tulad mo.."

"Abby tara na, samahan mo na kong bumalik ng court! Baka nag aantay na si Lloyd dun, e! Magtatampo na naman yun." Hindi pa rin natitinag si Abby sa pagsabay at panonood sa banda kahit hinihila ko na siya paalis.

"Ang KJ mo, ha! Mamaya na kasi! Kitang di pa tapos yung concert, oh." Ngumuso pa ito sabay irap sakin. " Tsaka, hello! Yung boyfriend mong gago I'm sure di ka hinahanap nun! Kung sakali man para lang ipagyabang sa mga fcksht nyang kaibigan na girlfriend ka nya! Kaya pwede ba Harmony," Tinignan niya ako uli sabay ngumisi. "Nood na lang tayo kay Papa Owen! Juice colored! Ang pogi pogi mo talaga Fafa Owen!! Waaahh!"

Trophy girlfriend. Yun lang daw ang turing sakin ni Lloyd. Paulit ulit na sinasabi ng mga concern kong kaibigan.

~~*

"Dude, my girlfriend, Harmony. Babe, teammates ko." Puno ng pagmamalaki na pakilala sakin ni Lloyd sa mga kasama nya, hinapit pa ako nito sa bewang at hinalikan sa ulo.

"Wow, dude! Girlfriend mo pala ang reigning Ms Intrams at running for valedictorian," tumingin naman sakin ang lalaki. "Sinuotan mo na ba yan ng helmet? Baka mauntog yan at matauhan, iwan ka nyan!" Napuno ng tawanan ang usapan nila pero hindi nakaligtas sakin ang pagtitig ng lalaking iyon sakin mula ulo hanggang paa at sinabayan pa ng ngisi.

Hindi ko maiwasan ang kilabutan. "Ah, Babe. Let's go?" Pag aaya ko kay Lloyd dahil naiilang na talaga ako sa mga kasama niya.

"Sige mga dude, mauna na kami! My babe wants me alone." Lloyd winked at his teammates.

Matutuwa sana ako dahil pinagbigyan niya akong umalis na kami, pero pagkalabas namin ng campus ay inalis nya agad ang kamay sa aking bewang. "Ah, babe sorry. Di kita mahahatid pala, may nakalimutan kasi ako sa locker, eh. Kailangan kong balikan yun, mauna ka na lang umuwi."

"Ganon ba? Hintayin na lang kita dito, sabay na tayo umuwi."

"Hindi na! You should go now." Nagmamadali nitong sabi, "I .. I mean, it's kinda late, umuwi ka na babe. magtaxi ka pauwi then text me if you're already home. Okay?"

"Pero Babe--"

"Bye Babe! Ingat ka!" Pabigla siyang humalik sa noo ko at kumaripas na ng takbo paalis.

Haay. Here we go again. Umalis na naman siya. Palagi na lang.

Dumiretso na lang ako ng lakad paalis at naisipan kong tawagan si Abby,

"Hello, sino to? Wala si Abby, busy siyang magshopping, bye!"

"Bes." Bago pa man niya naputol ang tawag ay nagsalita na ko.

"O, Bes ikaw pala! Hahaha! Sorry, akala ko kung sino e." At tumawa pa ulit. "Napatawag ka? Akala ko kasama mo yung --" Huminto ito na para bang may naisip. "Lemme guess, Harmony. Mag isa ka ngayon, no? Umalis na naman yang may saltik mong jowa. Am I right?"

Ayoko mang umamin pero alam kong di maniniwala si Abby, hindi na lang ako sumagot.

"Kuuh! Sabi na, eh! Aynako. Asan ka ba? Wait for me, puntahan kita. Sabay na tayong umuwi. Hmm, 'kay?" Tumango na lang ako kahit di naman nya nakikita. "Miss, size 8 nito please. Di kasi to fit. Thanks!" Sabi pa nito bago ko ibaba ang tawag.

Your Theme Song presents:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon