"We will fight together .."
~~*
"Reign .."
"Anong oras ka uuwi?"
"Babe, please tell me. Stop making me worry. Much better if you tell me where the fck are you para masundo na kita dyan. Babe, please .."
Punong puno ng pagsusumamo ang tinig niya. Na para bang hindi nya kakayanin kung malayo ako ng kahit saglit man lang.
Kurt.
I am so sorry. Alam kong nahihirapan ka na, but I don't want you to suffer more, tama nang ako na lang. You don't deserve this. I'm sorry.
I'm so sure I look like sht now. Alone amd crying here in this place. Wearing white dress and my straight black hair dancing with the wind. Pale and skinny.
Kung may maglalakas man ng loob ang kung sino man dito sa pasyalang ito siguro ay sasabihin nung mukha akong umiiyak na multo.
Sa naisip ay napangisi na lang ako. Gusto kong matawa ng dahil sa lungkot at sakit. Pwede pala yun, ang tumawa ng dahil nasasaktan ka.
Multo? Baka nga. Kasi di magtatagal magiging multo na nga siguro ako, kung totoo man sila.
"I'm sorry to tell you this, but she's not getting any better. Her body is too weak to take the treatment and the medicine we're giving her. At maging ang pasyente ay pinanghihinaan ng loob para labanan ang sakit niya, kaya mas lalong hindi nag rerespond ang kanyang katawan sa medication."
May mga ipinaliwanag pa ang doctor sa mga magulang ko. Facts they could not accept. Lalo na ng dugtungan nito na maaring ilang buwan na lang daw ang itagal ko. Kung hindi ko lalabanan ang sakit kong ito.
Sa lahat ng sinabi niya, yun na lang pinaka naintindihan ko. Tinaningan na ang buhay ko.
2 years. I've been fighting for my life for two years. Kaya pagod na ako, sobrang pagod na ako. Ang tagal ko nang lumalaban pero umabot na ako sa puntong ayoko na. Suko na ako.
Nawala ako sa iniisip ko ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. May text galing kay Kurt. Pinunasan ko muna ang luha ko bago ito binuksan,
"Just stay where you are, Baby. I'll be there, please wait for me."
Si Kurt, my boyfriend for half a decade now. My high school best buddy turned to my college sweet heart and my supposed to be husband. But I know, hindi na kami aabot dun, cause I don't think I can wait for more.
Marahil ay gumamit ito ng GPS para malaman kung nasan ako, wala rin palang saysay ang pag alis ko.
Gusto ko munang mapag isa, gusto kong magisip. At higit sa lahat gusto kong matauhan. Matanggap na hanggang dito na lang ako, this could be the end of me.
Ilang oras lang ay nakita ko na siya, walking towards me. Wearing his simple gray shirt, jeans and his usual sneakers.
My boy next door. The man I fell in love with, five years ago. The man who loved me with all of him, accepted me for everything I am. Kahit ang sakit ko.
He's looking at me, with those dark brown eyes that I used to kiss every time I wake up beside him. Those eyes never failed to make me feel loved.
He stood up in front of me, he was trying his best to smile as if telling me that everything's gonna be okay but his eyes tells me another.
He is also in pain. In so much pain, the thing I want to spare him with.
Handa akong gawin ang kahit ano wag lang siya ang makita kong magdusa ng ganito, siya at ang pamilya ko. Mas hindi ko kakayanin yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/17250167-288-k670776.jpg)
BINABASA MO ANG
Your Theme Song presents:
Short StoryBawat isa sa atin ay may theme song sa buhay. Kung saan nakaka relate tayo sa bawat lyrics ng kanta. Minsan ay nagdudulot ng ngiti, minsan naman ay luha. Mga kantang nakakapag paalala ng nakaraan o mga nangyayari sa kasalukuyan. Sabi nga nila, "Song...