Part-4

34 6 0
                                    

******

Mugto ang mga matang nag mulat ako, pipikit-pikit pa ang matang tiningnan ko ang oras sa aking cellphone, alas-4 pa lang pala ng umaga. Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya bumangon ako at nag mamadaling tinungo ang banyo.

katabi lang naman ng silid ko ang banyo, Pag pasok ko sa banyo laking  gulat nya na lang na malaki pa ito sa silid na tinutuluyan nya. bali pag pasok mo kasi dito bubungad sayo ang malaking salamin sa baba nito ay sink na at malaking kabinet sa gawing kanan ay toilet bowl na  may bidet, at sa kaliwa naman ay nakalagay ay shower, at shower curtain naman ang nag sisilbing harang nito.

matapos makapag bawas nag pasya narin akong maligo para mamaya kung gisingin man ako ng tita ay ready na ako, kinuha ko ang mga gamit ko pang ligo saka madaling naligo. "Ang sosyal talaga may heater pa!"  Natatawang usal ko at tuluyan ng naligo.

matapos kung maligo bumalik ako sa aking silid, wala naman akong magagawa sa labas hindi ko pa alam ang pasikot-sikot ng bahay. matapos kung patuyuin ang aking mahabang buhok sa maliit na electic fan na ginamit ko kagabi. nung natutulog kasi sya kumatok ang tiyahin nya at inabut itong maliit na electric fan.  naupo ako sa gilid ng papag at inabut ang larawan ng mga magulang ko.

Hindi ko naman mapigilan na  umiyak "ina .....pinapangako ko aabutin ko ang pangarap mo sa akin"  lumuluhang sambit ko habang hinahaplos ang larawan ng aking ina.

Dating OFW sa Korea ang aking ina at kwento nya doon nya nakilala ang aking ama, na isang koreano nag sama sila doon minsan nga daw naisama na nya ang aking ama dito sa pilipinas na naging dahilan ng alitan nila ng nagiisang kapatid nito na si tita May. nagkagusto kasi ang tita sa aking ama at sinubukan nyang agawin ito sa aking ina. dahil mahal ng ama ko ang ina ko hindi nag tagumpay ang tita, Panganay ang aking ina kaya pinatawad nya ang kapatid nito.

ulila na sila kaya lahat ginagawa nya para sa kapatid lahat ng gusto nito binibigay nya. pero nung nangyari yung tungkol sa ama ko pinabayaan na ni ina ang kapatid nito  sumama ang ina nya pabalik sa korea isa lang din employee ang aking ama kaya nagiipon din sila sa kanilang kasal ngunit sa hindi inaasahang mangyari nabuntis ang aking ina.

syempre natuwa  ang aking ama  kaya doble kayod ang ginawa nun, sabi pa ni ina maraming pangarap ang aking ama sa amin, ngunit nung walong buwan pa lang daw ang ako sa tiyan ni ina saka pa na disgrasya ang aking ama, Nung araw na yun daw papauwi ang aking ama dala nito ang kotse ng kumpanya na pinapagamit sa kanya. Nang biglang may tumawid na matandang babae kaya iniwasan ito ni ama ngunit may sasakyan palang paparating sa gawing nilikuan nya at huli na para kumabig pa si ama kaya tuluyan ng na bangga ang sasakyan nito at ito na rin ang naging dahilan nang kamatayan nya.

Sabi ni ina hindi daw nya alam kung ano ang gagawin pero wala daw syang choice kundi ipag-patuloy ang buhay nya para na rin sa akin. Dahil sa malaki na ang tiyan ng ina at malapit na ang kabuwanan nya huminto na sya sa trabaho nya, hindi naman sya Maka balik ng pilipinas dahilan ay baka sa eroplano pa sya manganak.

Nung nakakaramdam daw sya na malapit na syang manganak ay nag pasama sya sa kaibigan nya na kapatid ni manang silya na si ninang Budah, sa hospital at doon nga sa Busan ako pinanganak.

Isang taon daw ako nang umuwi kami ng aking ina dito sa pilipinas ngunit kinamkam na ng tita May ang bahay nila. Mabuti may kunting ipon sila ni ama, minabuti na lang ni ina ibigay ng tuluyan kay tita May itong bahay na pinagpaguran  nya parang walang gulo. Sumama na lang kami sa probinsya ng ninang Budah sa Bicol. At gamit ang kunting ipon nag simula muli ang aking ina kasama ako. Hindi ko gamit ang Apilyedo ng aking ama dahil nga di naman sila kinasal ni ina at bago ako isilang nawala na ito.

Magaling mag luto ang aking ina kaya ang pag luluto ng ulam at pang meryendalan ang kinabubuhay namin. Ito rin ang pinagkukunan ng mga gastusin ko sa pag-aaral  bata palang ako tinuruan na ako ni inay magtipid. Namana ko rin ang galing nya sa pagluluto. Namana ko daw ang talino ni ama  sa pisikal naman ay Hati sila sa namana ko. Nakuha ko kay ama yung pungay ng mga mata nya at mahahabang pilik mata ang tangos naman ng ilong at mapupulang labi ang kay ina. Pareho silang mapuputi kaya subrang puti ko sa probinsya nga tisay ang tawag sa akin.

Mamimiss ko ang luto ni ina ang yakap nya, ngunit ngayun wala akong magagawa kundi ang mabuhay mag-isa. Di rin ako papayag apihin ninuman.

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon