Raeden's POV
Nahanap naman namin agad sina mommy kaso table for 4 lang ang inuupuan nila. Si Audree hindi ko rin nakikita.
"Ah eh, mommy bat table for 4 lang ang kinuha nyo?" bulong ko sakanya.
"Ah we will have our double date anak. Since its mothers day."
Diniinan talaga ni mommy ang "mothers day" kasi di pa siya binabati ni daddy. Si dad naman nakaupo lang naparang walang narinig.
"Eh ma, saan ako uupo? Tsaka nasaan si Audree,Tita? Diba kasama mo nyo yun kanina?"
"Doon ka uupo anak. Tsaka kayo ni Audree ang magkatable okay?" Sagot naman ni mommy sakin
"Ha? D-doon? Ma pwede namang tayong anim dito."
"Hijo, go! Makatanggi to parang ayaw mo ah" Pangaasar ni tita sakin
"Ah eh kasi tita na-"
"Go na hijo baka naiinip na si Dree doon at baka gutom na yun."
Tumango lang ako at naglakad papunta sa table namin ni Audree. Medyo malayo layo to sa table sa parents namin.
Pagdating ko sa table namin nakabusangot na siya.
"Good morn- oh ang aga aga nakasimangot ka. Smile ka dali."
Inirapan niya lang ako.
"Walang good sa morning!" Bulyaw niya saakin.
"Ang sungit mo naman Dree" I chuckled
"Tinatawa tawa mo dyan?! Walang nakakatuwa."
Narinig ko na kumalam ang sikmura niya kaya tinawag ko ang waiter.
"Alam ko na kung bakit ka masungit. Waiter?!" Dumating naman agad ang waiter na may dalang menu.
"Whats your order maam, sir?" waiter
"Oh ikaw muna mauna mag order Dree." tumango lang siya at sinabi sa waiter ang gusto niya.
"French Avocado toast and Avocado shake lang po yung akin. Thank you!"
She said calmly and nicely. Napatitig ako sa kanya, ang ganda niya and heard her talk pero not this way. Iba siya pag may kausap siyang emplayado na nakakatanda Iba din siya pag ako yung kausap.
"Wow" yun lang ang nasabi ko.
"Hoi! Anong wow?! Mag order ka na nga!"
Napabalik naman ako sa katinuan at nag order agad ako kasi alam kung gutom na siya at naghihintay na ang waiter.
"Ah uhm, Pancakes and bacon lang po at tsaka sa drinks ko po ay orange juice. Thank you po!"
"Dree"
"Oh ano na namn?"
"Ang ganda mo kahit gutom ka."
"Excuse me, maganda na talaga ako, in born to eh. Tsaka di ako gutom no"
"Oo nga maganda ka nga naman araw araw pero wag mong ideny na gutom ka."
"Hindi nga ako gutom"
Narinig naming dalawa ang pagkalam ng sikmura niya.
"Yan ba ang hindi gutom?"
"Oo na! Fine! Gutom ako, kaya manahimik ka dyan kung ayaw mong masapak."
"Yes boss!"
Inirapan niya lang ako.
Ilang minuto lang rin dumating na ang inorder namin. Inilapag na ng waiter ang mga pagkain.
YOU ARE READING
T'attend Mon Amour (Book 1)
FanfictionBecause of her career, two high school sweethearts parted ways. He said he'd wait for her. Is he going to keep his word? Will the flame of their love burn brighter before then? Or is it going to die slowly? Audree Imee Balaguer A famous model, D...