CHAPTER 35

104 13 0
                                    

Raeden's POV

Go love chase your dreams even if it will hurt me. Pag uwi mo nandito parin ako nagaantay sayo. Wag kang mag alala kahit wala ako sa tabi mo susupuratahan parin kita. Pangakong tutuparin ko kahit mahirap.

Pagkatapos naming mag usap tumalikod na siya at pumasok sa loob, hindi man lang kami nilingon for the last time.

Nung mawala siya sa paningin ko agad akong napaluhod sa sakit. Parang hiniwa ng napakaliit at napakarami ang aking puso. Yung ramdam mo yung kirot na dahan dahan pero marami.

Masakit ang paghihiwalay lalo nat wala namang nagkamali sainyong dalawa-walang nagcheat.

Bakit naman kasi biglaan, mahal ko? Sana naman sinabi mo ng mas maaga para prepared ako..

Naramdaman ko nalang na itinayo ako ni tito.

"T-tita, saan p-pumunta si Dree?" Hirap na hirap akong buohin ang tanong na yan dahil umiiyak ako.

Umiling si tita sakin habang umiiyak.

"I'm sorry Raeden but I can't tell you.."

"Please tita..." I pleaded, lugar lang tita please. Ibigay mo na sakin to.

Umiling lang ulit si tita kaya tumalikod ako at sinuntok yung pinakamalapit na pader sakin. Nafufustrate na ako.

Lugar lang naman eh..

Nang medyo kumalma ako agad akong naglakad palayo kina tita. Narinig kong tinawag nila yung pangalan ko pero hindi ko na sil nilingon.

Pumunta ako sa parking lot at agad na pumasok sa sasakyan at agad na pinaharurot ito.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta drive lang ako ng drive. Nabablangko ako, ang sakit sakit kasi.

Hindi ko namalayan napadpad na pala ako sa isang bar. Agad ko ng pinark ang sasakyan ko at pumasok sa loob.

Pagkapasok ko sa loob nagorder agad ako ng maiinom. Inom lang ako ng inom hindi ko alam kung nakailan na ako. Kahit umiikot na yung paligid ko sige parin ng sige.

Tumigil ako saglit sa paginom nang maramdaman kung nasusuka ako.

Pumikit muna ako saglit at napagdesisyonan ko na ding umalis na sa bar.

Nagdrive ako kahit pa umiikot na yung paligid ko. Napadpad ako sa bahay nila Audree. Pinagbuksan naman ako ng guard nila Dree para makapasok na yung kotse ko.

Kumatok ako ng kumatok sa main hanggang may nagbukas sa pinto.

"Sino ba ya- Raeden! Jusko uminom ka ba?"

Nag alalang tanong sakin ni tita pero di ko ako sumagot at lumuhod nalang habang umiiyak.

"T-tita.." My voice cracked.

Ang sakit sakit naman kasi.

"Tumayo ka dyan Raeden. Sa loob na tayo mag usap."

Kahit pagewang gewang pinilipit ko paring maglakad hanggang sofa.

"Manang pahingi nga ng kape!" Sigaw ni tita.

Tahimik lang si tita habang pinagmamasdan akong umiyak.

"Here, drink this before we talk."

Kinuha ko ang mug sa kamay ni tita at dahan dahang ininom ang kape.

"Raeden ano bang nangyari sayo! Buti nalang di ka nadisgrasyang bata ka!"

Marami pang sermon na sinabi si tita pero di ko na matandaan yung iba.

"Tita sabihin mo na po sakin oh kung saan si Dree. Hindi ko naman guguluhin." Habang sinasabi ko yung tiningnan ko si tita sa mata niya habang patuloy na tumutulo yung luha ko.

"Gusto kong sabihin sayo pero ayaw kong masira ang tiwala ni Audree sakin. Selfish na kung selfish, Raeden pero bilang isang ina ayokong masira yun."

Hindi na ako sumagot at inubos ko lang yung kape.

"Magpahinga ka na dun sa taas. Alam kong lasing ka pa. Tayo na aalalayan kita"

Hindi na ako pumalag pa dahil pagod na pagod na din yung katawan ko.

Inalalayan ako ni tita papuntang kwarto. As much as possible ayokong mabigatan sakin si tita kaya pinilit kong maglakad ng tuwid.

Nang makapasok ako sa guest room agad akong humiga sa kama at patuloy na umiyak.

Kakaiyak ko naktulog pala ako. Nagising ako gabi na kaya agad agad akong pumunta sa banyo para maghilamos.

Napansin kong iba na ang damit ko. Sino nagpalit sakin? Si tita? Gag* nakakahiya ka Raeden!

Paglabas ko ng banyo may kumatok kaya binuksan ko agad ang pinto. Si tita pala, wala akong maihaharap na mukha nito.

"Hijo baba na, kakain na tayo."

"O-okay po."

Sabay na kaming bumaba ni tita at nakita ko nag aantay si tito sa dining table.

"Raeden, nahimasmasan ka na?"

"A-ah o-opo, sorry po sa abala, tita tito."

"It's okay Raeden." Tiningnan ako ni tita sa mata kaya napayoko nalang ako.

"Raeden, thank you for letting mu daughter chase her dreams. Thank you for keeping your promise na di mo siya sasaktan. Lahat ng promises mo sakin para kay Audree tinupad mo yun. Hindi ka nagkamali."

Hindi ako nakasagot dahil naiiyak na naman ako.

"Salamat kasi di mo sinaktan anak namin. Alam kung nasasaktan ka ngayon pero balang araw Raeden magkikita ulit kayo kung kayo talaga ang itinadhana" sabi naman ni tita.

"Raeden, okay lang umiyak. Hindi yun matatawag na pagiging bakla. Iniyakan mo ang anak namin dahil mahal mo siya. Paalala ko lang sayo okay lang na umiyak ng umiyak wag ka lang sumuko dahil may hinihintay ka pa."

"O-po" Yan lang ang tangi kong nasagot.

"Kain na tayo."

Ani ni tita kaya nagsimula na kaming kumain.

——————————————

Nag iba na ugali ko simula ng umalis si Audree...

Ganon ang naging estado ng buhay ko. Araw araw inom ng alak, babalik sa bahay nila Audree para magmakaawa na sabihin nila sakin kung nasan si Dree.

Every weekend lang ako umiinom pag may klase. Ipagpapatuloy ko parin ang aking pag aaral dahil gusto ko pagblik ni Audree maipagmalaki niya ako.






Pangakong hihintayin kita mahal ko....

T'attend Mon Amour (Book 1)Where stories live. Discover now