Raeden's POV
Nagising ako kasi feeling ko ang haba na ng tulog ko. Minulat ko ang aking mga mata at tinignan ko ang oras. Its already 6:30 am. Dali dali akong naghilamos at bumaba para magpaalam kina tito at tita.
Pagkababa ko agad kong tinanong ang kasambahay nila kung nasaan sina tito, sinabi niya naman kaya pinuntahan ko agad.
"Good morning pi tito, tita uuwi na po ako wala po akong gamit dito. May pasok pa po kami at malilate ako."
"Nako hijo wag ka ng umuwi. Tinawagan ko na mommy mo, pinadala niya lang yung uniform at bag mo dito." tita
"Oh ganon po ba"
"Kumain ka na ng breakfast, sabayan mo kami." tito
"Ay wait, tawagin mo si Dree nandon sa kwarto niya baka tapos na yun magbihis." tita
"Sige po."
Agad naman akong naglakad patungong kwarto ni Audree. Kumatok ako ng tatlong beses bago niya sinabing pasok. Pagkapasok ko grineet ko kaagad siya.
"Good morning Audree ko!"
"Good morning. Anong ginagawa mo dito at bakit di ka pa bihis?"
"Nandito ako kasi pinapatawag ka na nila tito kasi magbebreakfast na daw."
"Ah okay, sige susunod ako may kukunin lang ako."
"Hindi hintayin nalang kita dito."
"Wag na mauna ka na sa baba."
Audree's POV
True to his words hinintay niya ako bago ko bumaba kahit sinabihan ko na siya na wag na niya akong hintayin at mauna na siyang bumaba.
"Lets go baba na tayo." Nagsimula na akong maglakad palabas ng kwarto para makababa na. Nakasunod lang siya sakin.
"Bat antagal niyong bumaba?"
"Eh kasi dad may hinanap pa ako."
"Ikaw Raeden pwede ka namang maunang bumaba ah?"
"Ah e-eh kasi t-tito-"
Naputol ang pagsasalita ni Rodrigo ng tumawa si daddy.
"Kidding, sige na umupo na kayo at baka malate pa kayo."
Agad naman kaming umupo at nagsandok na ng kanin si Rodrigo para sakin at para sa sarili niya.
Tatanggihan ko sana ang pagsandok ng kanin ko kaso nalagay na niya ang kanin kaya hinayaan ko nalang siya.
"So hijo masarap ba tulog mo?"
Ngumiti si mommy ng maloko medyo napangiwi ako kasi di siya ganyan ngumiti eh. I find it strange.
"Opo, sobra napahaba nga tulog ko eh hehe"
"Eh ikaw Dree, kumusta tulog mo?"
Same as mommy may maloko ding ngiti si daddy.
"Its okay lang naman dad. Ang weird nyong dalawa mom, dad. Bat ganyan ngiti niyo?"
"Bakit anong meron sa ngiti namin?" mommy
"Basta ang weird."
"Ikain mo nalang yan Dree baka kung ano ano lang nakikita mo."
"Sabay na kayo ni Raeden kasi magpapahatid kami sa driver." daddy
"Okay po" Ayaw ko sana kaso wala akong choice. Marunong naman ako magcommute kaso ayaw nina mommy at daddy.
Nilingon ko muna si Raeden at may sinabi ako sa kanya bago ako tuluyang umalis sa dining area.

YOU ARE READING
T'attend Mon Amour (Book 1)
FanfictionBecause of her career, two high school sweethearts parted ways. He said he'd wait for her. Is he going to keep his word? Will the flame of their love burn brighter before then? Or is it going to die slowly? Audree Imee Balaguer A famous model, D...