#MOVIEREVIEW - THE BABADOOK (2014)

41 1 0
                                    

DISCLAIMER: HINDI PO AKO AKTUWAL NA MOVIE CRITIC O KUNG ANUMAN. PAWANG PERSONAL NA OPINYON AT PANANAW LAMANG ANG NAKASULAT SA MGA SUMUSUNOD.

MISCELLANY #2

Ang pelikulang 'The Babadook' ay isang pelikulang hindi ko sinasadyang matalisuran. Isang video sa 9gag.tv na tungkol sa mga katangian ng horror movies sa kasalukuyang panahon ang nagtulak sa akin para tuluyan ngang i-download ang nasabing pelikula. (link nasa gilid kung gusto)

Sa ilalim ng direksyon ni Jennifer Kent, ang pelikula ang una niyang likha, na lalo pang nagpa-bilib sa akin. Kinunan ang pelikula sa Australia.

Tampok ang kuwento ng isang mag-ina at kung paano nila pinilit na maka-survive sa panggugulo ng isang nilalang na akala nilang sa isang kuwento lang nabubuhay, itong pelikulang 'to ang nagpanumbalik ng hilig ko sa horror film genre.

BAKIT DAPAT NA PANUORIN ANG 'THE BABADOOK'?

1. Sabi nga ng nasabing video sa itaas, ang pelikulang ito ay wala ni isa mang bahid ng chipepay na jump scare. 'Yung tipong kapag nasa sinehan ka o 'di kaya e nag-iisa habang naka-earphones at nanood sa madilim na sala habang umuulan, tapos may eksenang may malakas na music panggulat e may nanggulat lang namang kaibigan pala noong bida. 'Di katulad ng iba ring mga pelikulang patok na patok sa takilya pero jump scares lang ang puhunan, ang Babadook ay nakakatakot sa sense na nakakatakot talaga, hindi dahil sa absurd na music.

2. Dakila ang ipinakitang performance ni Essie Davis dito. Isa ngang munting misteryo sa akin kung bakit wala man lang siyang nomination para Best Actress ng Academy, dahil the hell, man. Deserve niya. Sa pelikulang 'to, hindi siya umaarte. Isa siyang inang unti-unting... a basta. Mahirap nang aksidenteng maka-spoil.

3. You'll see Essie Davis pleasuring herself.

4. This movie features a badass creature as the antagonist.

5. Scary scenes are really freaking scary.

6. It encourages birth control because the Son in the story is annoying.

7. Astig 'yung storybook ni Babadook. (rhyme!)

8. Marami pa sana kaso baka ma-spoil.

BAD SIDE NG 'THE BABADOOK'

1. Not really a bad side but the Babadook's appearance is not fully revealed. I personally think this is the strength of the movie, because you tend to fear what you can't see. The verdict still lies on the viewers though.

2. Wala siyang masyadong bad side na karapat-dapat maalala.

MY RATING: 9/10

04/20/2015

11.59 pm

-GreatHistoryGuy

MISCELLANYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon