CHAPTER 1

27 2 0
                                        

First day ko ngayon as a volunteer at hindi naman ganon karami ang mga taong nagpapa check up kaya chillax lang masyado. Sabi ng mga kasamahan ko rito ay mag handa raw kami dahil may bibisitang kanidato ngunit hindi ko alam kung ano ang pakay nito rito at hindi ko rin natanong kung sino ito pero sigurado akong mangangampanya lang naman ito rito.

"Dr. Trinidad, halina raw po kayo" tawag saakin ng isang staff dito sa center "Dumating na raw po yung bisita" habol niya

"Mauna na kayo at may inaasikaso pa ako rito" hindi naman siguro nila mahahalata na wala ako roon, hindi naman nila ako kilala at hindi lang din naman ako ang nag iisang doctor dito. Buti na lang din at may ginagawa talaga ako para may rason ako para hindi sila harapin.

"How are you guys here?" may pamilyar na boses ang palapit kaya nilingon ko ito at nakita ko nga siya. "Kailangan niyo ba dagdagan natin ang mga equipments?" tanong niya sa mga kasamahaan ko rito habang nililibot ang mata niya sa lugar, hanggang  sa lumapag ang kaniyang mga mata saakin.

He smiled at me and waved his hands at ganon din ang ginawa ko. Patuloy niyang nilbot ang buong building hanggang sila ay bumaba ulit. "Luciana" sambit niya niya nang matapos nilang libutin ang lugar. "You work here pala?" tanong nito

"Ah yeah, I volunteer doctor here for the mean time" sagot ko. "Ikaw ba, sir? Anong ginagawa mo rito?

"Hey, what's with the 'sir'? As far as I know we use honorifics yesterday?" he squinted. "Well, I didnt know that you were a politician that time" i winked at him and he giggled an looked at his watch "Anyways, It's lunch time. Want to come join us for lunch?" pag aaya niya ngunit hindi ko pwede iiwan ang mga trabaho ko rito "Maybe next time, I still have a lot of things to do"

Buti naman at madali siyang kausap at umalis na sila. UH! gusto ko na kumain kaso marami pa akong kailangan tapusin dito sa clinic. mag aalas dose na pala kaya minamadali ko na ang trabaho.

Ilang minuto ang nakalipas ay lumapit saakin ang guard at may inabot saakin na iced coffee at dalawang sandwich, nag taka naman ako kung ba't saakin ito binigay dahil wala naman akong inorder. "Kuya ano po to?" tanong ko "Pinaabot lang po yan, doc. Ibigay ko raw saiyo" pinasalamatan ko na lang ito at nakitang may mensahe sa loob

"eat. wag magpapalipas ng gutom :)) - s.m." how thoughtful of him. OMG! he even got my favorite black iced coffee! kinain ko na agad ang bigay neto kase nawawala na talaga ka astigan ko sa gutom, teh.

Maya-maya naman ay dumating si Max at inaaya akong kumain "Hindi ako pwede lumabas, teh. Dami ko pang gagawin atska binigyan na rin ao n pagkain dito"

"Kanino yan galing, beh?" tanong niya "Kay Sandro, gusto mo ba?" at inabot ko sakanya ang isang sobrang sandwich at dali dali niya naman itong tinanggap "Grabe ka na talaga! Kota ka na, pwede ka na lumayas dito" tinawanan ko naman siya "Ba't ka naman binigyan ng pagkain non? Hala, bet ka ba non ha?"

"Hindi pwedeng nag mamagandang-loob lang?" depensa ko rito. Baliw to, binigyan nga lang ng pagkain, gusto agad? meganorn?

atska, ewww politicians

"Ok bye, ako na nga lang kakain sa labas. Pasabi kay Sandro, love ko siya so much. Mwa!" sabay kindat at umalis. Kung hindi niyo na tatanong, si Max po ang nag iisang bakla sa buhay ko at kaya ganyan kami ka close dahil isa siya sa mga bestfriend ko nung high school.

Sa wakas, bago dumlim ng tuluyan ay natapos ko na rin lahat ng trabaho. Nag antay ako ng tricycle para umuwi ngunit kung may dumadaan man ay puno naman ito. Sinandal ko ang sarili sa bakal na nagsisilbing pundasyon ng waiting shed. Hindi naman ako natatakot dahil hindi pa naman ganoon ka dilim at marami pang tao ang dumadaan.

Bigla namang bumusina ang itim na sasakyan na nasa harap ko, ito'y rason ng pagkagulat ko. "ano ba naman yan.." bulong ko sa sarili.

Bumaba ang bintana. ng kotse at bumungad ang mukha ng nag iisang Sandro Marcos na nakasuot ng shades habang natatawa "Sorry kung nagulat ka"

I narrowed my eyes at him. "Uuwi ka na ba? Sumabay ka na saakin" pag aaya niya

Umiling ako dahil nakakahiya na masyado, gumastos pa naman ito ng lunch ko kanina tapos ngayon yung gas na naman? nako teh, mahal ang gas ngayon. "Wag na, malapit lang naman yung saamin. Mag t-tricycle na lang ako"

"Wala na masyadong tricycle ngayon, halos punuan na" aniya "Sumakay ka na" sabay abot niya sa passenger's seat para buksan.

Aghh! nakakahiya

Wala akong magawa kaya sumakay na lang ako. Pag pasok ko sa sasakyan nanimuot ang bango niya. he really smells good..

I narrowed my eyes at him, "Sabi ko mag iintay lang ako doon eh!" reklamo ko sakanya, "Nakakahiya na masyado!" ngumuso ako at isinandal ang likod sa upuan. natawa naman ito sa naging reaction ko.

"Ayaw mo non mas mapapaaga ka sa pag uwi tapos nakakatipid ka pa" aniya habang natatawa pa rin saakin. Naalala ko naman ang ipinadala niya kanina kaya agad akong nagpasalamat "By the way, paano mo nalaman na Black Iced Coffee ang gusto ko?"

"Narinig kita kahapon habang bumibili e tapos napansin ko rin yung natapon na kape" and looked at me. Oo nga naman, halata naman na Black iced coffee yon kaya tumango tango na lang ako rito

"Saan ba sainyo rito?" tanong niya. "Dyan lang sa pangalawang kanto tapos pasok ka sa left side then straight tapos yung may red na bubong" Sana nakuha niya yung directions ko. Haha!

"Anyways, you're really a doctor pala no?" aniya "Yup" tipid kong sagot "So ba't mo naisipang mag volunteer dito if you can afford to apply into the big hospitals in the city?"

"Ahh iyan lang trip ko eh" sabay tawa "Ikaw ba, why did you run for congress" balik kong tanong sakanya

"Hmm.. trip ko lang din eh" at nag tawanan naman kami.

"Oh, dyan na bahay namin. Malapit lang no? tapos hinatid mo pa ako" aniya ko. "Okay lang, at least you got home safe tapos maaga pa diba?" sige, may point din naman siya.

Nakita kong nakatayo sa may gate namin si Max kaya kinuha ko na ang opportunity na ipakilala siya kay Sandro.

"Max! Andito si Sandro, wanna say hi?" bungad ko rito ng makababa na ako sa kotse. Hindi naman ito naniwala kaya sumilip sa bintana si Sandro at kinawayan siya "Hello! Good evening!"

Mabilis namang lumapit sa Max saamin at nakipag handshake kay Sandro, "Hello po sir, Max po" pagpapakilala nito. "It's nice to meet you, max. Sandro Marcos pala"

"Love ka raw so much ni Max, Sandro" sumbong ko rito. kinunutan naman akong nilingon ni Max kaya natawa ako "Wag ka maniwala dyan sir" habang umiiling

"Sus, tuwang tuwa ka nga nung ibinigay ko sayo yung isang sandwich na galing kay sandro eh!" aniya ko at natawa na lang din si Sandro sa pang aasar ko.

"Oh sige, mauuna na ko, guys! It's nice to meet you, Max!"

Nang tuluyan ng makaalis si Sandro ay bigla naman ako hinampas ni Max at parang kiting kita na kilig na kilig "Grabe teh, kinikilig ako. shuta ka!" sabi niya
habang niyayakap ang kamay niyang kinamayan ni Sandro "Pero alam mo ba, bagay kayo!" aniya at tinignan ako

"Bagay ka dyan!" kinunutan ko ito ng noo. "True yon teh, crush ka ba non?" parang baliw to! daming naiisip ng baklang to. "hindi no, nadaanan niya lang ako kaya pinasabay niya na lang din ako."

"astka, hindi ko bet mga politiko no. ewness!" aniya ko at pumasok na sa loob.

A breath of love (sandro marcos)Stories to obsess over. Discover now