5

40 2 0
                                    

Seryosong nakatitig pa rin sa akin si Xavier. I felt his humor ngunit nakakasakit iyon ng damdamin. Sinimangotan ko siya at inirapan dahil sa sinabi niya.

Masyadong expensive ang dila ko para putulin ko no!

“Bakit ka pa rin nandito?” Tinaasan ko siya ng kilay. Ubos na ang cup noodles niya. Wala na rin siyang kinakain. Bakit nandito pa rin siya sa harap ko? “Go away!”

Hindi ko mapigilang ipakita sa kaniya ang inis ko. Mas nakakaasar pala siya. Buong akala ko wala sa bokabolaryo niya ang salitang biro. Silent joker pala ‘to e. Nakakainis ngalang ng joke niya.

Pansin ko naman ang pag ngiwi niya at umiling pa tsaka umiwas ng tingin. Napatitig lang ako sa kaniya kasi naalala kong homophobic pala siya pero bakit nandito siya kasama ko ngayon? Mukhang nag babait-baitan pa sa akin, feeling concern, akala niya naman ikinatuwa ko iyon. Oo, natuwa ako kanina pero hindi na ngayon. Sino ba ang matutuwa doon? Simpleng bagay. Kaya ko namang bilhin ang tubig at C2 na ‘yun!

Lumunok siya dahil gumalaw ang adam's apple niya. Kaya napakagat ako ng labi dahil ang hot niya talagang panoorin kung gumagalaw ang kaniyang adam’s apple. Iyon talaga ang gustong gusto ko sa kaniya, hindi ko mapigilang mapatitig sa leeg niya dahil sa adam’s apple na ‘yun.

Tumaas ang tingin ko sa mukha niya. Nakatingin pa rin siya sa malayo, at kapansin-pansin ang repleka ng mga ilaw ng poste sa mga mata niya. Namumula pa ang pisngi niya dahil sa kaputian niya, binasa niya rin ang labi niya at marahang kinagat iyon kaya mas lalong pumula. Napakurap din siya kaya kapansin-pansin ang kaniyang pilik-mata na natural namang umaarko pataas. Sandali pa siyang napakamot sa bridge ng ilong niya kaya napangiti ako.

Cute.

Gosh! Ano ba ang nilihi ng nanay nito sa kaniya? Bakit walang pangit sa mukha niya? Halos lahat perpekto ang ayos. Wala akong nakikitang pangit sa physical niyang kaanyuan. Pero sa ugali, ayaw ko nalang mag talk. Kung marunong lang ito ngumiti, mapagkamalan pa siyang sobrang bait e. Ang angelic kasi ng mukha niya, kahit sino mahuhumaling talaga sa kaniya.

Kinagat ko ang labi ko nang ‘di ko mapigilang mapangiti lalo. Kung may sahod lang siguro ang pagtitig sa isang tao, siguro malaki na ang ipon ko ngayon. Damn! Hindi ko talaga mapigilang titigan si Xavier, kahit buong buhay ko pa siyang titigan hindi talaga ako magsasawa.

May girlfriend na kaya ‘to? Wala naman kasi akong naririnig na may dini-date ‘tong babae e. Sa dalawang buwan na magkaklase kami, wala akong nakikitang may nakasama siyang babae. Baka ‘di ko lang alam? Baka LDR sila dahil kung nasa room kami, nakatutok lamang siya sa phone niya. Walang pakealam sa amin.

Kung meron man, ang swerte naman ni ate girl. Kung ito ang magiging boyfriend mo, sobra ka pa sa naka jackpot sa loto e. Hindi mo na kailangan maghanap ng foreigner dahil sobrang gwapo ng imahe ng lalaking ito. Walang sinuman ang maka kopya, kahit sikat pa ‘yan na artista sa buong mundo.

Masyado siyang perfect para sa akin. Very rare. Walang kapantay.

“How are you?”

Agad naman akong bumalik sa huwisyo nang marinig kong nagsalita si Xavier. Ganun na lamang ang gulat ko dahil nakatingin na siya sa akin. Nakahalukipkip at seryoso pa rin. Hindi ako naka imik agad dahil parang real life prince ang nasa harap ko ngayon. Those damn eyes! Ngayon ko lang napansin na it is a light brown!

Binasa ko ang labi ko dahil mukhang natutuyo na sa sobrang titig kay Xavier. Napaisip ako, matikman ko lang ang lalaki na ‘to kahit one time lang siguro isa na iyon sa pinaka the best na natikman ko ever, bukod sa foods!

“Woy!” Singhal niya kaya natauhan ulit ako.

My eyes widened dahil sobrang salubong na ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Sa itsura palang niya, halatang pinupuna na niya ako ngayon. Nasapo ko ang noo ko dahil palagi akong nadidihado sa sobrang rupok ko e. Kaya ayaw ko talagang may kasama o kaibigang pogi dahil mabilis lang akong ma fall sa pogi.

“Bakit?” Wala sa sariling tugon ko.

Ngumiwi lang siya sa akin. Napakagat siya ng labi at bumuntong hininga. Gosh! Napahiya na naman ako ngayon! Kainis din kasi itong isip at mata ko e. Hindi marunong sumikreto. Masyadong revealing, tangina!

“Mukhang kailangan mo ata ng gamot. You look sick,” seryosong sambit niya sa akin. Binasa ulit ang labi niya, nanatili ang tingin sa akin.

Paano niya nakayanang titigan ako ng ganito? Pa fall din ito e. Panay ang titig sa akin! Gandang ganda lang sa akin? Ganun?

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Mukha ba akong may sakit ha? Giniginaw nga ako e, kahit may jacket ako!

“Hindi naman,” tugon ko at uminom na lamang ng tubig. Natutuyo na kasi ang lalamunan ko dahil sa sobrang pag-iisip.

Umiwas lang siya ng tingin at muling kinamot ang bridge ng ilong niya. Napansin ko pa ang pag angat ng gilid ng labi niya ng very konti. Lihim kaya akong tinatawanan nito?

“Xavier?”

Naglakas loob akong tawagin siya. Kanina pa kami dito pero wala man lang kaming pormal conversation dalawa. Ayaw ko namang sayangin ang pagkakataon na ‘to. Sa dalawang buwan naming magkaklase ngayon lang kami nagkaroon ng chance na magsamang dalawa. Buti nga dahil kinakausap niya na ako ngayon, dahil sa school parang hangin lang ako sa kaniya. Nararamdaman niya ang presensya ko pero hindi niya pinapansin.

Agad siyang lumingon sa akin at pinagkunotan muli ako ng noo. Lumunok ako at yumuko. I also played my fingers. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang proper conversation naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang magandang topic. Hindi ko kasi alam kung saan ba siya intresado. Sa mukha niya kasi, mukhang wala siyang interest sa mga bagay-bagay.

“Sav,” seryosong aniya.

Napalunok ako. “Ha?”

Bumuntong hininga siya. “Just call me Sav. It is much shorter than calling me Xavier.”

Awkward akong ngumiti sa kaniya tsaka marahang tumango.

“Segi, Sav.”

Nag light nod lang siya sa akin.

Nang maalala ko ang sinabi niya noong first day of school, doon ako nagkaroon ng pagkakataon na tanungin sa kaniya ang bagay na ‘yun.

Tumikhim ako at nag angat ng tingin sa kaniya. Nakatingin pa rin siya sa akin at hinihintay ang sasabihin ko sa kaniya. Mahirap mang sabihin ito pero curious ako e. Ayaw kong matapos ang gabing ito na hindi ko malalaman ang katotohanan doon.

“Naalala ko kasi nung first day…” Kinakabahan ako. “May sinabi ka…” Yumuko ako. Hindi ko kayang labanan ang titig niya. “Sabi mo…” Sinulyapan ko siya. Huminga ako ng malalim. “Ayaw mo sa bakla.” Ganun pa rin ang reaksyon niya, walang nagbago. Pero ramdam ko ang pagtataka niya sa tanong ko. “Gusto ko lang malaman kung…kung homophobic ka?”

Alam ko, pero mas gusto kong malaman sa kaniya mismo. Dahil kung sasabihin niyang Oo, wala na talaga akong pag-asa sa kaniya. Titigilan ko na ang feelings ko pa ra sa kaniya. Ayaw ko kasing mahulog ako lalo sa kaniya, baka ako lang din masasaktan sa huli. Medyo desperada din kasi ako lalong lalo na kung bibigyan ako ng motibo o hahayaan akong gustuhin sila.

Ganun kasi ako dati noong crush ko pa si Jefferson. I liked him so much. Palagi akong nakatambay sa room nila dahil mga kaibigan ko rin ang mga kaklase niya. Mahilig kasing mag play ng guitar si Jefferson dati, talent niya ‘yun. Magaling din siyang sumayaw at kumanta, tsaka matalino din. Marami ang nagkakagusto sa kaniya na mga babae pero nagulat ako dahil ako ‘yung pinili at minahal niya. Palagi ko kasi siyang ginagawan dati ng grahams dahil paborito niya ‘yun. Kaya siguro na fall siya sa akin dahil dun. Wala naman akong may nilagay na love potion, siguro mas maganda lang talaga ako kesa sa mga babae sa school kaya sa akin napunta si Jefferson.

Kaso ganun ngalang, nag loko siya at may nabuntis siya. Ang sakit pa dun, dahil sa babae ko pa mismo nalaman ang lahat. Pinuntahan ako ni girl sa school, pinilit niya akong pakiusapan si Jefferson na panagutan ang binubuntis niya. Parang gumuho ang mundo ko dahil dun. Ilang sampal ang binigay ko kay Jefferson dahil hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin iyon. He promised me na hindi niya ako sasaktan at lokohin. Kahit bakla ako mamahalin niya ako ng buo. But I was wrong. I was wrong from believing it.

So, I made a hard decision, nakipaghiwalay ako kay Jeff kahit ayaw niya at ayaw ko rin. I’m willing to forgive him but forgiving him can’t change the fact that he hurts me. Kaya hanggang ngayon, ‘di ko pa rin siya napapatawad pero tanggap ko na ang nangyari sa relasyon naming dalawa.

Dahil dun, naisip ko rin na huwag nang umulit pa. Sinasaktan ko lang ang puso ko kung aasa ulit ako sa tunay na pagmamahal na kayang ibigay sa akin ng isang lalaki. Pero I realized na boring din kung paiiralin ko pa ‘yang negative thoughts na ‘yan. Kaya nung nag transfer ako sa BL school, pinairal ko ulit ang kalandian ko kaya nangyari lahat ng ito. Naging first kiss ko si Tayrone at patay na patay ako ngayon kay Xavier na isang homophobic.

“Yes, I am.” Natigilan ako nang makompirma na totoo ngang homophobic siya. Lumunok pa siya habang nakatitig sa akin.

Bumagsak ang mga balikat ko dahil dun. Ang hirap magkagusto sa isang homophobic, iyon ang pilit kong iniiwasan. Pero nagawa ko pa rin magkagusto sa ganoong klaseng tao.

Tumikhim ako at yumuko. Nag-iisip nang sasabihin.

“Pero…pero bakit nandito ka ngayon sa harap ko? Bakit kita kasama ngayon?” Lakas loob na tanong ko nang muli ko siyang tignan. “Bakla ako Sav, dapat ayaw mo akong lapitan, dapat ayaw mo sa akin, dapat hindi mo ako pinapansin, dapat galit ka sa akin. Dahil ganun kayo, hindi niyo kami tanggap. Pero bakit nandito ka pa rin sa harap ko ngayon? Para saan lahat ng ‘to?”

Kumurap pa siya at umiwas ng tingin, kumikibot-kibot pa ang kaniyang labi na parang may gusto siyang sabihin. Binasa niya ang labi niya at lumunok. Gusto kong tigilan ang feelings ko para sa kaniya, kaso ang hirap. Ang hirap niyang e uncrush.

“I said, I am,” sabi niya. Hindi pa rin nakatingin sa akin. Mas lalo akong nanlumo. Pinapamukha niya talaga sa akin na totoo iyon. Na homophobic siya. Yumuko ako nang bigla niya akong hinarap ulit. “Pero 'di ko sinabing ayaw ko sayo.”

Marahan akong umangat ng tingin, halatang gulat dahil sa sinabi niya. Pilit kong pinoproseso sa utak ko ang kaniyang sinabi pero ginulo lang iyon ang pag-iisip ko.

Paano nangyari ‘yun? Hindi ako naniniwala. Ayaw nila sa amin and that’s the truth.

“You're still hate me, I am gay Xavier.” Insist ko pa sa kaniya. Ang hirap paniwalaan ng sinasabi niya.

“I know,” sagot niya. Seryoso. Pero ramdam ko ang pagkunot ng noo niya. “I know na bakla ka, pero may sinabi ba akong hindi kita gusto?”

Umiling ako. Wala siyang sinabi. Walang siyang sinabing ganun. Hindi kami nagpapansinan pero ‘di niya sinabi sa akin na hindi niya ako gusto.

“What do you mean?” Mahinang tanong ko. "Ginugulo mo lamang ang isip ko!"

Sa pagkakaalam ko ang mga homophobic ayaw sa bakla, hindi sila komportable sa amin. Ayaw nila sa amin, sinusuklaman nila ang pagkatao namin.

“Galit ako sa bakla, pero alam ko kung sino ang dapat at hindi respituhin,” sagot niya. “Not because I hate gay, I would hate you also. Wala ‘yan sa bokabolaryo ko. Hindi ako nag la-lahat.” He paused. “Bakit naman ako magagalit sa tao na wala namang ginawang masama sa akin?” Bumuntong hininga siya. “I respect you not because you’re a gay but because you’re a person. Ayaw ko sa ginagawa ng ibang kapwa niyo pero hindi ka naman siguro ganun? And I’m hoping na hindi ka ganun.”

Wala siyang pasabi na tumayo at umalis na doon sa convenient store. Naiwan akong nakatulala sa ere, pinoproseso pa rin lahat ng sinabi niya. Iyon na siguro ang pinakamahaba niyang salita na narinig ko. At lahat ng iyon may sense.

Sa lahat ng sinabi niya isa lang ang napagtanto ko. I was wrong of what I think about him. I was wrong to include him from those homophobic I know. He’s different from them. He’s completely different from them.

Kinaumagahan, maaga pa akong gumising para pumasok na ng school. Mas maganda kasi kapag maaga pa dahil wala pang gaanong pasahero ang naghihintay ng jeep sa sakayan. Minsan kung late na talaga ako, nag te-text nalang ako sa grab para sunduin ako sa bahay. Magastos siya kaya sinisikap ko talagang huwag ma late.

“Miss Dyosa, meron pong nag deliver ng halaman sa inyo. Nasa labas ho,” saad sa akin ni Manang Jyreh habang nag-aagahan ako.

“Kanino raw galing?” Kunot noong tanong ko.

“Hindi po sinabi e. Basta para daw sa inyo. Dalhin ko po sana dito sa loob kaso mabigat po e, ang laking halaman. Isa pong bird’s nest.”

Bird’s nest.

Shit! Kay Tayrone galing!

Dali-dali akong uminom ng tubig tsaka agad na lumabas ng bahay. Sumunod naman sa akin si Manang Jyreh para ituro kung nasan ang halaman na ‘yun.

“Ito po Miss Dyosa ho, ang laki. Halatang nasa magandang pangangalaga. Ang lusog ng halaman,” Nakangising sabi niya sa akin.

Bumungad sa akin ang malaking bird’s nest.  Napangiti ako sa ganda ng halaman na iyon, halatang healthy nga at alagang alaga. Alam kong passionate talaga si tita pagdating sa pag-aalaga ng mga halaman kaya ‘di na ako magugulat kung bakit ganito kalusog ang bird’s nest na binigay niya.

Matagal na kasing naghahanap ng ganito si mommy kaso wala siyang time bumili, kaya nakiusap siya sa akin na maghanap daw ako ng halaman kagaya nito. Buti nalang nga at nakapunta ako kila Tayrone, nabanggit ko sa kanila ang halaman na 'to pero ‘di naman nila sinabi na magbibigay sila. Nagulat lang ako nang banggitin iyon ni Tayrone sa akin kahapon.

Speaking of Tayrone, kamusta na kaya siya ngayon? Patuloy pa rin kaya kaming hindi magpapansinan? Shit! Naalala ko na naman ang nangyaring kiss kahapon. Sana nakalimutan na ng lahat iyon!

“Ano po ang pangalan ng delivery boy?” Tanong ko kay Manang Jyreh na busy namang chini-check ang kabuuan ng halaman. Tudo ngiti din siya habang kinakausap ito.

Tumingala siya sa akin dahil nakaupo siya. Agad siyang ngumisi ng napakalaki. Kumunot ang noo ko.

“Hindi sinabi Miss Dyosa e, pero gwapo po.” Kinikilig na sabi niya. “Para siyang si Rico Yan tapos magaling pang mag motor.”

“Rico Yan?” Takang tanong ko.

“Crush ko pong artista, Miss Dyosa,” sagot niya.

Sinabihan ko agad siya na ilagay iyon sa bakuran. Ang sapat lamang na ma-aarawan ang halaman at mahanginan. For sure matutuwa si mommy nito. I prepared cash also, dahil babayaran ko si Tayrone sa halaman at sa pag deliver niya ng halaman dito sa bahay.

Pagdating ko sa school, kaunti pa lamang ang mga kaklase ko ang nandun. Bukas na ang room dahil merong taga hawak ng susi nun.

“Clionet?” Napasulyap ako kay Brandon nang tawagin niya ako. Napataas naman agad ang kilay ko dahil nakakaasar ang ngisi niya. “Kayo na ba ni Tayrone? Nag kiss kayo kahapon e. Ang sweet.”

Biglang uminit ang ulo ko lalong lalo na at nakakaasar ang ngisi niya. Gusto ko siyang ilampaso sa sahig dahil sa sobrang inis. Napayukom ako ng kamay dahil isang salita pa niya, mapupuruhan talaga siya sa’kin. Hindi ako takot sa kaniya, bahala nang ma guidance kaming dalawa hindi ko talaga palalampasin lahat ng ‘to. Hindi ko hahayaang hindi ko siya masaktan.

“Alam niyo bang kalat na dito sa school ang nangyari kahapon, maraming natawa dahil bawal ang PDA kaso grabi kayo---”

“Brandon!” Napataas ang boses ko dahil galit na galit na talaga ako sa kaniya. Pulang pula na ang pisngi ko sa sobrang galit. Natahimik ang mga kaklase namin at napatingin sa gawi namin ni Brandon. Nagulat at nagtataka.

“Easy lang…” Nakangising sabi pa niya. “Nagulat lang kasi kami dahil ang laswa pala tignan na naghahalikan ang dalawang---”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, lumapit ako sa kaniya at agad ko siyang sinampal sa pisngi. Malakas ‘yun dahil halos napatingin siya sa gilid dahil sa sampal ko.

“Isang salita pa Brandon, hindi lang ‘yan ang magagawa ko sayo!” Sigaw ko sa kaniya habang dinuduro siya.

Ngunit agad naman akong nagulat dahil ang talim na ng tingin niya sa akin nang muli akong harapin. Napahawak pa siya sa pisngi niya.

“E gago ka pala e!”

Huli na bago ako nakapag react dahil naramdaman ko na lamang ang sakit ng likod ko. Bigla akong sinandal ni Brandon sa pader habang nakahawak sa kwelyo ng uniform ko. Gusto kong umiyak, dahil takot na takot ako sa itsura ni Brandon. Para siyang sinapian ng sampung demonyo. Ang talim ng titig niya at halatang gigil na gigil sa akin. Napangiwi ako dahil damang dama ko pa rin ang sakit ng likod ko, maging ang madiin na pagkahawak niya sa kwelyo ng uniform ko.

“Ang tapang mo ah? Akala mo hindi kita papatulan? Gago ka! Bakla! Salot sa lipunan!”

Napapikit ako nang bigla niyang isigaw ang mga kataga na ‘yun sa akin. Ang sakit, mas masakit pa ata ang mga salita na binitawan niya kesa sa ginawa niyang physical na pananakit ngayon sa akin. Bumigat lalo ang dibdib ko dahil sa mga salita na iyon ni Brandon. Buong buhay ko ngayon lang ako nasabihan ng ganung salita. Salot. Salot sa lipunan.

“Ang mga baklang kagaya niyo, ay sinusunog sa impyerno dahil makasalanan kayo. Isa kayong malaking kasalanan sa mundo!”

Mas lalo lang akong napapikit dahil takot na takot ako kay Brandon. Nanginginig na ang buong katawan ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Naluluha na rin ako habang pinapakinggan ang mga salitang binibitawan ni Brandon sa akin.

Pilit ko rin huwag huminga dahil ang baho ng bunganga niya, amoy imburnal. Nahihilo ako sa baho ng bunganga ni Brandon.

Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang pigilan sa mga sinasabi niya ngayon sa akin. Ang sakit-sakit nang binitawan niyang salita. Kung makapagsalita siya akala niya sa sarili niya ay sobra siyang mabuting tao. Sa ginagawa niya sa akin ngayon, mas deserve niya ata ang mga salitang binibitawan niya. Mukhang ang sarili niya ata ang sinasabihan niya nun.

“Mga hayop kayo! Hayop!” Sigaw pa niya.

Inaawat na rin siya ng mga kaklase namin pero hindi talaga nagpapaawat si Brandon. Naiiyak lang ako at tinatawag sina Kuya, mommy at daddy sa isip ko. Kailangan ko sila ngayon, hindi ko alam ang gagawin. Natatakot ako. Takot na takot ako.

“Mga kampon kayo ng demonyo!”

Tama na please...

Ilang saglit lang bigla kong naramdaman ang pagbitaw sa akin ni Brandon. Nakahinga ako ng maluwag sa ilang segundong pag pigil na huminga.

Marahan akong nagmulat ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang makita ko si Brandon na nakahandusay na sa sahig. Halos natumba na ang mga upuan namin, siguro dahil sa impact ng pagkatumba niya.

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, hirap na hirap na akong makahinga. Lumalabo na rin sa pandinig ko ang mga sigaw ng mga kaklase ko, maging ang paningin ko lumalabo na rin. Kitang kita ko ang paghawak ni Brandon sa ilong niyang dumudugo.

Nawala lamang ang tingin ko sa kaniya nang humarap sa akin ang isang lalaki. Bago paman ako nakapag salita, nandilim na agad ang paningin ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

IT'S YOU (GAY series #1)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon