"Congratulations! You made it!"
Agad na tumayo sina Fahsai at Helena habang pinapalakpakan ako. Pareho pa silang natatawa kaya agad ko silang sinamaan ng tingin kasi halatang nang-aasar lamang sila.
Parang pinagsisihan ko na ngayon na kinuwento ko sa kanila ang confession ni Tayrone. Wala kasi akong masabihan kasi busy si kuya. Hindi pa tapos ang final exam nila.
Until now hindi pa rin nag sink-in sa utak ko ang confession na 'yun mula kay Tayrone. Hindi ko inaasahan lahat ng iyon. Hindi ko talaga ma imagine na ang isang Tayrone William Lascano ay magkagusto sa baklang kagaya ko. Like duh! Maraming maganda at sexy na nagkakagusto sa kaniya sa school kaya 'di ko mapigilang magtaka, bakit ako? Bakit sa akin siya nagkagusto?
He said, he is a bisexual. He's attracted only with women before but because of me, nalaman niya kung ano talaga siya. Proud naman siya dun. Hindi naman siya natatakot na aminin na nagkagusto siya sa parehas niyang kasarian. Afterall, feelings pa rin ang mangingibabaw.
Masasabi ko talagang sensiro siya sa nararamdaman niya para sa'kin dahil after niyang mag confess, mas lalo siyang naging sweet sa akin. Pwede na kasi siyang pumasok ngayon kaya palagi kaming magkasama dalawa. Kinikilig din ako syempre, sino ba naman ang hindi kiligin dun. Duh! Si Tayrone na 'yun e! Crush ko siya kaya normal lang na parang kinikiliti ako sa monarky tuwing kasama ko siya.
Lord, sana siya na talaga.
"Ikaw na talaga teh! Sayo na ang korona." Ngumiwi ako kay Helena aka chaka gurl nang lumapit siya sa gilid ko at kunyari pinapatungan ako ng invisible crown.
"Grabi talaga ang kamandag mo beh, dinaig mo pa si Valentina tsaka si Rapunzel sa haba ng hair mo." Pang-aasar pa ni Fahsai.
Pabiro akong napairap sa ere and I flipped my invisible long hair, nagyayabang.
"Inggit lang kayo!" Nakangiwing sabi ko. Tapos ngumisi sa kanila. Super proud dahil na crushback ako.
Umupo na sila muli sa harapan ko. Nandito kasi kami ngayon sa mini forest, may mga nakahelerang mga benches dito with table kaya maraming tumatambay dito dahil sa fresh air and relaxing view.
Ngayon lang kami hindi magkasama ni Tayrone kasi pinili ko munang sumama sa kanila ni Fahsai. Pumayag naman siya kasi kasama niya rin ang mga kaibigan niya sa room. Actually, nililigawan niya na rin ako, hindi ko lang sinabi sa dalawa. Gusto ko kasi lowkey lang kami ni Tayrone, walang makakaalam sa relasyon namin. Kinuwento ko lang sa dalawa kasi mga kaibigan ko naman sila. Tsaka malalaman din naman nila kahit hindi ko sasabihin sa kanila.
"Actually, nagulat talaga ako, sa true lang," sabi ni Fahsai. Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Hindi ko kasi inaasahan na BI pala si Tayrone. Crush ko 'yun eh." Ngumuso siya na parang si Donald Duck. "Gusto ko 'yung mga mata niya. Chinito at moreno. Hindi lang cute, super hot pa. Nakita ko na kasi ang kat---"
"Hep! Hep! At saan mo naman nakita?" Nakangiwi at suplada kong tanong. Dinuro pa siya.
Omaygad! I hate Tayrone! Kahit kanino niya nalang pinapakita ang katawan niya! Dapat sa akin lang! Dapat ako lang makakita ng abs niya because property ko na 'yun! Gosh!
"Gaga! Bakit mukhang galit ka? Hindi ko naman hinawakan!" Depensa ni Fahsai sa sarili.
Natawa lang si chaka gurl sa aming dalawa kaya mas lalo akong sumimangot!
![](https://img.wattpad.com/cover/309928500-288-k882907.jpg)
BINABASA MO ANG
IT'S YOU (GAY series #1)|✓
RomantikGAY SERIES #1 Love has no gender. Love is love. And everyone deserves to be loved. Clency Antares is a proud gay. He still moved forward after his breakup with his ex-boyfriend. He was affected, but he believes that fate led them to separation becau...