24

30 0 0
                                    

"H-Happy Birthday po, Lola."

Agad akong lumapit kay Lola at nagmano sa kaniya. Hindi ko alam kung paano aakto ng pormal sapagkat di ko na mapaliwanag ang sistema ng nararamdaman ko. Masyado akong kabado lalong lalo na kung paano ako pagsadahan ng tingin ni lola. Napalunok ako ng mapansin na ganito din kung makatingin si Xavier, sa pamamaraan ng pagtingin nila parang hinuhusgahan na nila ang pagkatao mo kahit hindi naman ganun ang naiisip nila.

Pagkatapos kung mag mano sa kaniya, muli akong lumapit kay Xavier. Ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang biglang nagsalita si lola.

"Kamusta ka hijo?" Iyon agad ang unang tanong niya sa akin. Ngunit sa pamaaraan ng pang ngiti niya unti-unting humupa ang kaba sa aking dibdib.

Kasing ganda niya ang mga ngiti niyang 'yun kaya napakagat ako ng labi to hide my wide smile. Nilingon ko si Xavier pero tinignan niya lang ako na parang kampante siya na ganun ang magiging reaksyon ng lola niya. Muli akong sumulyap kay Lola. Hindi ko pa siya kilala kaya Lola Ganda nalang.

"O-Okay lang naman po, lola," sagot ko sa pinakamagalang na tuno. Dinig ko naman ang mahinang tawa ni Xavier sa akin pero di ko na siya pinansin pa.

Agad namang tumango si Lola Ganda at sinenyasan akong lumapit sa kaniya. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko. Nang balingan ko ng tingin si Xavier tinanguan niya lang ako habang tinatago ang ngiti sa labi niya. Napanguso ako at lumapit kay Lola Ganda.

"B-Bakit po lola?" Tanong ko at matipid siyang nginitian. Kinakabahan ako pero hindi naman niya ako o-offeran ng pera no?

Napalunok ako ng hawakan niya ang isang palad ko. I felt his warm hand on my hand. Inangat niya iyon at mahinang hinaplos at tinapik. Inangat niya rin ang tingin sa akin at nginitian ako.

"You already grew up," aniya. "The last time I saw you, when I found you crying in the street because you scared of dogs."

Agad na nangunot ang noo ko. Nang balingan ko ng tingin si Xavier halatang nagtataka din siya sa sinabi ng lola niya. Muli akong tumingin kay lola, pilit kong inalala ang pangyayari na 'yun dati. Oo, may isang ginang na lumapit nun sa akin, inalo pa nga niya ako at binuhat habang tinatanong ako kung sino ang mga magulang ko. Pero di ko inaasahan na si Lola Ganda pala 'yun! Hindi ko na naalala ang mukha niya kasi iyak lang ako ng iyak nun.

"Masaya akong makita kang muli, hijo."

Napakagat ako ng labi para pigilan ang sarili kong maging emosyonal. Nakakagulat ang ganitong eksena, hindi ko talaga inaasahan ito. Ang kaninang kaba ay napalitan ng sobrang tuwa kasi grabing revealation 'to! Sa dinami dami ng pwede makakita sa akin nang mga oras na 'yun ang lola pa talaga ni Xavier ha? Hindi pa rin talaga nag sink-in sa utak ko at parang gusto ko nalang lumipad sa ere at mag split.

"Thank you po lola." Sa sobrang tuwa ko, hindi ko mapigilang yakapin siya. She's my saviour that time kaya hindi ako nakagat ng aso.

Sabay-sabay na kaming bumababa ng kusina para e celebrate ang birthday ni Lola Celeste, yun ang tunay niyang pangalan. Natuwa naman siya agad sa hugis puso na chocolate cake na regalo ko sa kaniya.

"Thank you so much, hijo," natutuwang saad niya ng lagyan na namin ng kandila ang cake.

"You're welcome po lola," nakangiting sagot ko naman.

Agad nang sinindihan ni Xavier ang candle tsaka nagsimula na kaming kantahan si Lola Celeste ng HAPPY BIRTH DAY TO YOU.

Inalalayan naman namin si Lola na tumayo dahil gusto niyang tumayo para mag wish. Tahimik lamang kaming pinapanuod siya habang nakapikit. Hindi namin alam ang wish niya pero ng e blow niya na ang candle nagsimula na kaming kumain agad. Apat lamang kami ang nandito pero masaya naman. Kapit-bahay pala nila si Aling Muningning. Siya ang nagbabantay kay Lola Celeste tuwing wala dito si Xavier.

IT'S YOU (GAY series #1)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon